Subscribe: Jen's Misadventures
http://apshie.blogspot.com/feeds/posts/default
Added By: Feedage Forager Feedage Grade B rated
Language:
Tags:
ako  ang mga  ang  bagay  buhay  din  hindi  kaya  kong  kung  lang  mga bagay  mga  naman  nga  pag  walang  yung 
Rate this Feed
Rate this feedRate this feedRate this feedRate this feedRate this feed
Rate this feed 1 starRate this feed 2 starRate this feed 3 starRate this feed 4 starRate this feed 5 star

Comments (0)

Feed Details and Statistics Feed Statistics
Preview: Jen's Misadventures

Jen's Misadventures





Updated: 2017-12-11T07:13:39.855+04:00

 



I Shall Return

2012-06-22T09:31:48.196+04:00


Isang bagay na sinabi ni McArthur matapos nyang magpunta sa Pilipinas. And indeed, nagbalik naman sya.
Pero hindi lahat ng tao kagaya ni McArthur. Hindi lahat ng taong nangangako, ay kayang panghawakan ang mga bagay na ipinangako niya.

Merong iba, na nagbabalik ng walang pasabi.
Merong iba, umaalis ng hindi natin namamalayan
Merong iba, dumating na pala, ni hindi pa natin napapansin
MADAMI sa kanila, napadaan na pala, pero hindi ka napalingon ng dumaan sila.

May ibang magsasabi na hindi ka iiwanan,
pero aalis din pala pagkatapos kang bigyan ng lollipop
May ibang hindi mangangako
pero sila pa pala yung maiiwan para ipagtanggol ka

Sana lahat ng tao
kagaya ni McArthur----
babalik sa tamang panahon
para itama lahat ng pagkakamali sa buhay mo :p



A Prayer for OFW's

2011-02-24T11:03:22.366+04:00

Dear God,

I am indeed very thankful that you had given me abundant blessings all throughout my life. I am very blessed - starting from my family, the work that I have right now, the colleagues that I have, my relationship with my bf, my SFC family to the struggles everyday that you allow me to take part of. Thank you also for all the talents, and the time to share it to others. As for now God, I pray for my dear OFW brothers and sisters who are working abroad for their families. We know God that you will always take good care of them despite the war, the calamities and the destructions that is happening right now in the world. You are indeed a powerful God and I know that you will never ever neglect us, and you will never ever let any harm to come upon us.

Lord May you give our fellow OFW's the strength, the hope, and the deeper faith in you. May you touch their hearts and allow them to pray before you and to use this situation to come closer to you. May you protect their families as well from all the agonies that they may be feeling right now. May you cast away all the doubts in their hearts and replace it with your overflowing love and protection.

Lord, we entrust to you everything and we will always believe that you are bigger than any storm that will pass through this current called LIFE.

Amen :)



Pass-er-by

2010-10-05T14:21:34.369+04:00

pas·ser·by, ~A person who passes by, especially casually or by chance.

PASSERBY..
Napadaan.


Ganyan ka. Parang Isang ale o mama na napadaan. Napadaan sa harap ng bintana ng bahay namin. Walang intensyon na tumigil ng matagalan. Walang intensyong na mabuhay sa lugar na aking ginagalawan ng matagalan. Parang lamok sa stagnant water. Parang bubuyog sa pukyutan. Hindi permanenteng nakatengga, hindi permanenteng makikisalamuha. Parang langgam na nakapilang masinop na naghahakot ng asukal mula sa aming jar.

Parang ikaw.

Parang ikaw na nag-take ng alternate route at aking nakabanggaan. Nagkakilanlan,naglandian . Pero hindi niloob ni Papa God na magkatuluyan.




Dahil...

ikaw ay isa lamang PASSERBY :)



"Yung" dati

2010-09-30T14:25:29.157+04:00

Naalala ko bigla yung isang phrase na lagi kong sinasabi pag may nakakalimutan ako na gusto kong maalala. Lagi kong sinasabing "Yung dati".

"Naaalala mo ba yung pinag-uusapan natin - yung tungkol sa ano, oo yun ngang ano, "yung dati".

"Nakita mo ba yung kaklase natin dati? Oo nga, kita mo naman, ngayon parang ang tindi ng pinagdaanan nyang transformation - pati bf nya hindi kagaya "yung dati".

*buntung-hininga*

Isipin mo nga naman, sa kagaya kong madaming iniisip (na hindi naman dapat iniisip) ,
napakadaming bagay na basta-basta na lang dumadaan na hindi ko namamalayan. Kadalasan, nalalaman ko na lang pag nagpaalam na, o kaya naman eh pag may naghahanap.

Sa mga panahon na nanahimik tong pahina ko, nabuhay ako sa kasalukuyan. Masaya, malungkot, nakakatawa, nakakaiyak ang mga pangyayari. May pikunan, may mga tawanan at iyakan, may kantyawan, alaskahan, patalinuhan, senti-han - at madami pang iba. Ang sayang mabuhay sa kasalukuyan, maging saksi sa mga bagay na nagaganap. Maging tulay ng alaala ng ibang tao.

Pero ngayon....gusto ko na lang balikan...."YUNG DATI"



Beesy

2010-09-29T08:09:50.056+04:00

*Walang substance tong post na tohhhhhhhhhhh!!!!!!

Minsan pinangarap kong maging busy. At hindi ako nakuntento, ipinagdasal ko pa yun. Wish granted naman ako. Dumating ang panahon na halos idlip na lang ang naitutulog ko sa kadahilanang tinawag ang inyong lingkod sa serbisyo publiko. Pero, akala ko pag busy na ko, makakalimutan ko nang magdemand.

Mali pala ko.

Dahil, mas naging demanding ako nung naging busy ako. Mas naghanap ako ng oras, ng panahon, ng tawag, ng text, at ng kung anu-anong kabulastugan - mula sa inyong lingkod
(nararamdaman ko kung sinukaman na nagbabasa ng blog ko na dahan-dahan mo nang tinatapat yung mouse pointer mo sa "x" button..hahahah)

*Pasensya na sa makakabasa nito, medjo wala lang sa mood :))



you and Me

2010-09-28T13:10:42.465+04:00

I thought everything is over
Indeed I've closed the door and hover
I thought its ok forever
But now, things took its turn around the corner.

I was so happy receiving the attention that you are giving to me
I was so relieved, knowing that someone like you cares for me.
I was so happy to spend time with you
I was lucky ----- to somehow have you.

Yet, I have dreamed of having you in my life
I have dreamed of you being mine.
I have dreamed of you calling me yours.
But now, I know......

You and Me - just won't happen at all.....



Kamusta ka?

2010-09-26T10:37:38.632+04:00

Kamusta ka?

Ako, ok lang. Eto, ayus na ayus pa din kahit parang hindi. Na-empacho na ko sa kape-kape-kape. Minsan winiwish ko na sana kasing mahal ng kape dito ang kape sa Pilipinas (magkasing presyo lang pala, pero parang barya lang kung dito mo sya bibilhin, magbasa ka ng dyaryo kung bakit), para hindi na ko maengganyong mag-kape. Kaya lang, anjan sya palagi para tuksuhin ako. Ayan tuloy, parang napakatensyonableng tao ko na.

Pasensya ka na, hindi na kita naaasikaso. Pero maniwala ka, marami pa din akong plano para sayo. Kagaya ng pagme make over sayo, paga-update sayo araw-araw (kagaya ng dati) at ang pag-babantay sayo bawat minuto ng bawat araw. Kaya lang sa ngayon, mangangako muna ako. Abala pa kase ako sa buhay buhay ko. Abala pa ko sa pakikielam sa buhay ng ibang tao ^^, Pagbabasa at panunuod ng kung anu-ano, at inaasikaso ko din ang pers lab ko ♥♥♥ ang pag-awit.

O sige, hindi na muna kita gagambalain. Hayaan mo't darating din ang araw na babalik at magpofocus akong muli sayo. Pero sa ngayon, iiwan muna kita ng pansamantala...

Hanggang sa muli,
Jen



HOW TO LOSE YOUR GF in ten ways

2010-08-08T08:45:15.418+04:00


1.
Wag sagutin ang tawag ni babae pag may tampuhan kayo. Tama lang yan, tatampo-tampo sya, tapos tatawagan ka? weird diba? :)) Let her suffer, bukas makalawa, susuyuin ka din nyan. *Sabay upo sa sofa at nagbasa ng comics*

2. Kalimutan ang mahahalagang numero sa kalendaryo. Dati-rati, fanatic ka ng monthsary nyo, naghihintay ka pa ng 12am para bumati sa kanya. Kung anu-anong kemedu pa yung ginagawa mo para lang magpa-pogi points. Pero nakakasawa diba? Kaya go, wag na lang...matulog ka na lang. waste of time lang ^^,

3. Wag masyadong makipag-communicate . Kung mahal ka nya talaga, kahit hindi mo sya kausapin ng maayos ng ten years, (or more) - mahal ka pa din nya. Basta wag mo lang kakalimutan ang magic line na "pasensya ka na kung wala akong time sayo..".*Insert here the never-ending dahilan-essssss* . Wag din kalimutang magparamdam ng awa twing sasabihin ito sa kanya.

4.
Makipagkita lang kapag kinakailangan. Be practical. Panahon ng crisis ngayon, at hindi na uso ang date. Hindi naman nagbabago ang ichura ng tao sa loob ng ilang linggo lang. Kaya wag masyadong fanatic ng GF nyo, bigyan mo ng time ang sarili mo para magrelax, walang nagging, walang kaartehan, at walang kung anu-anong kadramahan na hatid ng babae. ^^,

5. Matulog ng maaga. Be health conscious, wag isacrifice ang sarili mong kalusugan ng dahil lang sa pag-aantay ng ten years para makausap si babae. Gagawa naman yan ng paraan para makausap ka pag hindi ka nya mahagilap sa kung anumang communication na meron kayo eh. Kaya chill, hayaan mo sya. Titigil din yan sa paghahanap sayo, lalu na pag tulog ka na. :)

6. Pag kasama mo sya, maging aware sa nangyayari sa paligid. Wag hayaang i-overcome ni babae ang time na allotted sa kanya. Pag na-set mo na kung gaano kahaba lang ang oras na ilalagi mo na kasama mo sya, wag kang tanga at magdagdag pa ng kahit na konting minuto o segundo. TIME is gold - di lang dapat sa kanya mauubos yun.

7. Maging busy . Trabahuin ang lahat ng pwedeng trabahuin. Ubusin mo yung 24 hours mo sa trabaho. Pag tinawagan ka nya, sabihin mong BUSY ka kaya hindi mo nasagot nung tumatawag sya earlier. Sagutin ng mga walang kwentang sagot para magsawa syang makipagkwentuhan sayo. Anyways, may goal ka diba? FOCUS ka lang dapat dun.

8. Maging boring kausap. *Insert one liner replies sa mga tanong ni babae* Kapag pakiramdam mong pinapatamaan ka nya sa mga statement nya, magmaang-maangan na natanggap mo yung reply nya. Pag personal mo syang kausap, magkunwaring walang narinig at magkunwaring hindi mo sya kasama. ^^,

9. Humingi ng isang libong SORRY. Maniwala ka, effective na pang-turn off sa babae yan.


10. Gawin ang lahat ng pointer sa itaas ng sunud-sunod na araw. Malas mo lang pag ayaw ka nya talaga pakawalan. Kase kahit anung gawin mo, iintindihin ka pa din nya...Hahahaha....






My heart wants to...

2010-06-27T14:46:21.157+04:00

My heart wants to write
My head wants to read
My hand wants to draw
My spirit wants to sing.

Humigit-kumulang xx na din ang drafts ko. At natawa ko nung binuksan ko ng isa isa ang bawat isang draft na nagawa ko. Hmmm walang kwenta lahat. (sabagay, kelan ba naman ako nag-isip ng may sense..^^,) ang dami kong drafts, pero nang balikan ko, wala na kong maidugtong!!!! What is thisssssss!!!!! :XD

Sabi ko nung isang araw, susulat ako tungkol sa lablablablablablablab. May nasulat ako, kaya lang...masyadong idealistic, hindi papasa sa panlasa ng mga tao sa paligid-ligid. Sabi ko nung isang linggo, susulat ako ng tungkol sa layp ~ kaya lang ako naman mismo, tinamad magkwento ng makabuluhan tungkol dun. Tumanaw ako sa east at nakakita ng inspirasyon. Hmmm...nasobrahan ako ng pagtanaw...at ayun, nakatulog ako :)

At napagtanto ko, madami akong gustong gawin, madami akong gustong pag-usapan, madami akong.....MADAMI..., pero ang oras ko ay kakaunti.

---Kaya update lang muna mga teh...^^,



To My Soon to be FOREVER

2010-04-25T14:29:12.405+04:00

(image)
Dear Mr. Right-for-me,

I hope that upon reading this mail of mine ~ I'm still single and unattached to anyone else. I long to meet you and exchange stories with you. I've been looking forward for "the day" to come. For quite some time, I've been thinking of things about you.

How will I meet you? If I'll meet you, how will I speak with you? Will I instantly know that you're the one for me? Or will it take ages before it came to my senses?

Are we going to be friends first before we will fall for each other? Or will it be a "Instant" attraction?

Are you far from me? Or are you just sitting just across the corner of this room? Staring at me and thinking if I will, someday, look your way?

When are you going to come my way? Are you going to be delivered right at my doorstep? Will I bump to you while I'm walking on the street? Or I have known you all along?

Please don't make things worse for me, Mr. Right-for-me. Save me from this misery, save me from the emptiness, and the loneliness that I am feeling right now.


Waiting for you,

The Damsel In Distress





*Random thoughts I've written during the SFC Retreat (SW1)*



Pag-alis

2010-04-05T13:46:49.946+04:00

(image)
You came along, unexpectedly
I was doing fine in my little world
Baby please don't get me wrong
Coz i'm not complaining
But you see, you got my mind spinning.....

Why can't it be,
Why can't it be the two of us
Why can't we be lovers, only FRIENDS
you came along at the WRONG place at the WRONG TIME.
Or was it me...(-_-)



Isang araw, may makikilala tayong babago sa buhay natin. Babago ng mga pananaw mo sa buhay, aalisin ang mga lungkot sa buhay mo, ilalapit ka sa mga bagay na matagal mo nang gustong gawin, ipapakilala sayo ang tunay na kulay ng buhay - makulay na parang sinabawang gulay. :P Eh ooopsssss *spoiler*

Paano kung dumating sya ng hindi mo inaasahan? Pag dumating sya ng meron nang taong kasalukuyang bumabago sa ikot ng buhay mo?


...mga late comer nga naman. Tsktsk. Problema kase, pwede naman magtaxi, nag-bike pa, ayan tuloy. Pwede namang sabihin - pero, dinadaan pa sa mga kung anu-anong pasakalye. Nakakainis, nakakabitin, tipong nauuhaw ka at iinumin mo na lang yung tubig, may mabibilaukan pa tapos kailangan mong ibigay yun sa iba.

*bitter*

At syempre, dadating at dadating sa punto na kailangan mong magdesisyon, TO BE or Not TO BE. In my case, Not to BE.

Khalas, finished na Baba. Napapagod na kong makipag-taguang pong at makipaglaro ng patintero sayo. I'll rest my case, baka nga gutom lang toh, baka nga banlag ka lang, baka nga magaling ka lang magpalipad- hangin. And worst, ako pa yung na-pollute ng hangin na inilabas mo.

So long and gudnight....(-_-)



22days | 528 hours | 31,680 seconds

2010-03-20T13:10:01.921+04:00

I've been counting the days
since I've last seen your face.
I've been hoping and praying,
wishing - one day you'll come back.

As emptiness set in
And as the tears fell down
I wish that you were here
to hug me tight and wipe my tears out.



LDR

2010-03-16T13:36:32.932+04:00

(image)
"So near, yet so far....."



May tanong ako sayo.
Kaya mo bang magmahal ng taong bihira mo lang makita? Ng taong hindi mo pa nakikita? O ng taong hindi mo nakikita *scary*

Ayon sa SWS serbey, mga 20% lang ang tumatagal na Long Distance Relationship. Sabi ng nanay at tatay ko ~ Bagay saken yung ganitong istilo ng relasyon dahil:

  • Bihira mo nakikita, hindi mo aawayin. (Aawayin mo pa ba yung tao, kung hindi mo nga nakikita?)
  • Mas magiging matured ka sa mga bagay bagay. Kase matututo kang magtiwala, manalig kay BF/GF. (Manalig talaga ang word! amf!)
  • Matututo kang mang-uto, este maging sweet sa isip, sa salita, at sa gawa.!
  • Maiiwasan ang pagiging matampuhin. (Paano ka nga naman magtatampo kung hindi mo nakikita yung pagtatampuhan mo?)
  • Magiging mapagbigay ako.....sa ORAS. Time management ika nga nila.
Tawagan sa telepono (yung iba nga wala pang tawag *ninja*), Text-text (ilabyu, yulabme,welabichader drama churchur...amishu umissmetoo), Chat chat (salamat sa emoticon at naeexpress namin ang aming supressed feelings!) At kung anu-ano pang kakesohan na pwedeng likhain ng bagong teknolohiya, kasama yang pinaniniwalaan nyong FEELINGS ang panghahawakan nyo para maging matatag ang inyong relationship.

Pero, kaya mo nga ba?

Hmmmmm....



Amag

2010-03-06T08:23:26.123+04:00

(image)
Ahmmm bakit nga ba amag? Ah eh ewan ko lang. Pwede ko naman lagyan ng taytel na ALIKABOK o kaya naman ANAY, o kaya naman eh sapot. *thinking*

Inisip mo na ba minsan pano kung sa past life mo eh isa kang AMAG in english, YEAST. Kruwel din kaya ang buhay mo? Pano ka makakapag-emote kung isa kang AMAG? Hmmmm pano ka maiinlab kung isa kang AMAG? Paano at paano ka mabubuhay ng NORMAL kung isa kang AMAG? Tsktsk....(Walang pinupuntahan ang mga sinasabi ko tungkol sa AMAG).

Ihalintulad natin sa tinapay na tinubuan ng AMAG. Ang tinapay, pag bagong luto, pinag-aagawan ng mga konsyumer (Talking about economics ako ngayon :P). Ang tinapay pag popular, mabili, ika nga nila eh BEST-SELLER. Pero pano kung ang tinapay na tinda eh biglaan mong makitaan ng AMAG? Bibilhin mo pa ba? Papansinin mo pa ba? Kakainin mo pa ba?

Parang sa tao lang. Pag nakita nating hindi kaaya-aya ang ichura. (Umamin ka dahil madaming mga taong ganito, pwedeng ako, pwedeng IKAW, oo ikaw nga, pwedeng sila, pwedeng tayo). Pag hindi gaanong pumapasa sa ating standards ang pag-uugali, DEADMA na tayo. Kibit-balikat mo syang tatalikuran at nebah ebah mo nang papansinin. Hmm may times na papansinin mo, pero kaswal lang. Kumbaga sa iskul, papansinin mo lang sya pag hihingi ka ng papel (Sila kase yung madalas ready sa mga skul supplies na kailangan sa skul). Papansinin mo lang pag hinihingi ng pagkakataon, pag kailangan mo ang tulong nya, aminin mo man o hindi, likas na MATALINO at GIFTED ang mga kagaya nila. *headspin*

Bagay na hindi makatarungan....

...At hindi ko nabigyan ng justice ang topic kong AMAG...*tears*



My Workstation

2010-01-28T08:36:50.201+04:00

Sa kadahilanang masyado akong authistic, ay nabuo ang ideya ng pagtatag nitong bagay na ito mula sa pahina ni Pareng CM. Nabigla na lang ako ng bigla nyang ianunsyo sa aking SM shoutmix na ako eh naka-tag na sa bagay na ito. As much as possible, ayuko sanang ipakita ang lamesa ko, kase baka icompare nyo sa lamesa ni Pong eh anung laban ko dun, wala naman akong stapler na PINK. Hahahahahah....So Welcome aboard!!!!!!!UNANG BAHAGI (Right side of the table)Ito ay naglalaman ng :☺Telepono (na patakas na ginagamit pangtawag sa kung saan saan pag wala si boi B), may skatsteyp din sya dahil lagi ko syang naihuhulog dala ng tensyon ko sa pakikipag-usap sa kliyente...Ahmm kelan kaya papalitan yan ng kuripot kong boss? hahahahah☺Mouse☺Monitor...Ooops sipag ko nho, kita nyo kung anong inaasikaso ko sa oras ng trabaho...hahahah..☺ Pen holder (pero puro basura laman nyan, yung mga ginagamit kong lapis, ballpen, eraser, at highlighter eh nasa keyboard ^_^)☺ Courier receipt (eh nung kinuhaan ko kase eto eh kakatapos ko lang mag-asikaso ng shipment)☺ lab letter galing kay boss, utos nya para gumawa ng quotation, pending muna, picture picture eh ^_^☺ cup...oh eh malamang inuman ng nauuhaw na si ako..ahahah☺ puncher na puti (off limits ang PINK dito sa lamesa ko!!)☺ office key (para anytime na maburyo ako sa trabaho, takas mode ako...joke)Hindi kasya ang mga kagamitan ko sa isang kuhaan lang eh...kaya dadako naman tayo sa pangalawang parte ng lamesa. Ang:LEFT SIDE, na naglalaman ng:☺Stapler na itim (uulitin ko, walang pink dito!)☺Lumang kalender, kase wala pang issue ng 2010! Anuberr, February na sa isang araw! hahaha...☺Company stamp- pantatak sa makukulit na invoice, PO at kung anu-ano pang chuvachenes chenelar...☺ ang armas --CALCULATOR☺Telex transfer receipt☺mga outgoing quotations☺Mga pending invoices --(ten years nang nag-aantay ng pirma! Heller, pipirma na lang tinatamad pa!)☺ Iba't ibang uri ng stamp☺ Delivery note book (ewan ko kung para saan yan, Joke)☺ Diary (hanapin nyo sya, natakpan na ng mga papel..hahaha)..kung saan isinusulat ko ang mga bagay na madali kong makalimutan. Kagaya ng: Mga bagay na ginawa ngayong araw na toh, mga bagay na gagawin bukas, mga bagay na gagawin sa isang taon, sa isang bwan at sa isang isang isang bukas!)Ayan, nakaraos din. At para makaganti, nais kong ibahagi ang tag na ito kay Azel, at kay Deth.[...]



Lab lettur

2010-01-26T09:06:12.136+04:00

Dear Pong,

How is you? Me is fine. And you? I'm fine thank you. Kagabi lang naisipan kong mag-request sayo ng alamuna. Pero mahina ata ang powers ko sayo kaya ayaw mong gumawa ng alamuna. Hahahah. Tseeeeeeeee...

Wag madumi ang mga utak nyo, lab letter lang yung nirerequest ko *eyeroll*

Malayo na din yung narating ng relationship natin. Sa loob ng pitong bwan. Marami nang awayan, tampuhan, basagan ng trip, mga date na hindi natuloy, mga pasyal na walang napala, pikunan pikon ka kase.hahahah, mga cake na isang linggo bago naubos, mga kwentuhang walang kwenta, mga tanung tanong na walang matinong sagot, mga chismisan, mga pustahan, mga patakas na tawag sa opisina, mga kulitan, walangyaan, mga pikchuran, mga dc-han, mga mantsarihan ^_^, mga trip trip, laftrip, fudtrip, sadtrip at marami pang ibaaaaaaaaaa....Nakakatuwa lang na kahit na ganito ako, ganyan ka pa din saken. Na walang nagbabago as the days go by...............fly by..............^_^ Na kahit na anong intriga ang umikot sa pagitan nating dalawa nung mga nakaraang araw, nanatili kang matatag at hinarap ang kontrobersiya ng walang kemedu at churvaloo. Nawa'y mas maging matatag pa ang ating bolahan sa mga darating na panahon, kahit na madalang yung mga panahon na magkasama tayo, Kahit na minsanan lang din tayo mag-usap ng seryoso.

Hanggang dito na lang muna, magpe-facebook pa ko...Nyahahahah..Me lab yu :)

Jen



Remote ME....

2010-01-23T08:43:03.158+04:00

(image) Sanay akong mamuhay ng mag-isa. Ng magdesisyon mag-isa, at gumawa ng mga bagay na nakasanayan kong gawin ng mag-isa lang. Naging kuntento ako sa mga bagay na nasa paligid ko , kahit na madaming kakulangan sa buhay ko sa mga oras na ito. Naging masaya ako sa kabila ng mga agam-agam na nakapaloob sa puso ko sa mga oras na ito. Pero pinipili kong manahimik at pikit-matang harapin ang bawat araw ng may pag-asa sa aking puso.

Hanggang sa dumating ka.

Aminado akong natatakot ako sa tuwing binibisita mo ako. Sa tuwing dumadaan ka paminsan-minsan at kumakaway sa buhay ko. Lahat ng routine ko eh binabago mo. Sabi ko nga, para kang si HITLER kung makautos saken. Porke ba uto-uto ako eh ganyan mo na ko kung ituring? Matanda na ko kung tutuusin para diktahan ng mga bagay na kailangan kong gawin sa araw-araw. Pero pinagbibigyan kita dahil alam kong masaya ka pag nakikita mong sinusunod kita. Kahit alam kong palpak at wala sa hulog ang mga bagay na idinidikta mo, pinagbibigyan kita.

Hanggang sa mapuno ako.

Pinili kong umiwas, magpalipas ng oras kapiling ng mga kaibigan ko, ng mga taong hindi ako kailanman diniktahan o pinangunahan sa mga desisyon ko. Pansamantala kong tinanggal ang baterya ng remote na hawak mo. Pagod na kong sumunod. Hayaan mo naman akong mabuhay at kumilos ng para sa sarili ko. Nakakasawa na ang mga pagtatalo natin, hayaan mo muna akong umiwas, at hanapin ang DAPAT para sa sarili ko.



The Best Version of you

2010-01-19T11:58:41.650+04:00

The Best Version of Youby: Mariel G. CalaloManila International Airport, 2:00 am. It’s been two years since she had last seen the Manila International Airport. Not much has changed. Her last memory of this airport was when Miguel dropped her off. She was on her way to New York to pursue a career in Wall Street."Promise me something will you? Please don’t get married until I come back?" She jokingly told him as she lifted up her backpack."LOL. Very funny. Ikaw ang mag-promise. Promise me you won’t run off with some nerdy economist in the next two years.""Let’s see, shall we. Bye, Miguel. I’ll call you as soon I get to New York."That was her last memory in this place. The warm Manila air made her feel a bit restless and yet she feels excited. This is the first time in two years she’ll be seeing Miguel again. She was thoughtfully going through the immigration counters, thinking of how much she missed seeing Miguel. How different would he be now? Sure he sends her regular weekly e-mails and pictures but being the busy person that she had always been, she didn’t get the time to chat with him and buy a webcam.She’s finally out. "Where is Miguel?" She wondered. "Ah there!" she exclaimed when she saw the silver gray Nissan Patrol parked near the exit. TGW926. Yup, that’s Miguel alright. Her heart was leaping ahead of her as the driver got off."Hey! I missed you!" He said, as he hugged her."I missed you too. So much." She said, as she hugged him back. It was warm. It felt good to be back. It felt great to feel his hug."Let me get those." He said pointing at her luggage. "Then we’ll have more time for hugging and chika.""Okay."Edsa, 4:30 am. Miguel’s cellphone rings. Mama, the name flashes on the screen."You should really get that.""No, you should get that. She’s been waiting for you. She insists that we go straight to her after I pick you up from the airport. She also insists that you spend tomorrow with her." Miguel was talking about her mother. Miguel was an only child and his mother wanted a daughter. She would often tell Bea that since she doesn’t have a mom anymore, she should let Tita Doris be her second mom. She loved Bea as if she were her own daughter."Hello? Yes, Tita. How are you na po?... ah opo. Miguel already told me. Sige po. Okay po. I’ll see you later." She turns off the phone and looks out the window. The phone rings again, this time the name "Sugar" flashes on the screen. Hmmm, "Sugar." He was quick. He got a hold of the phone and answered it. "Hello. Yeah. Pauwi na. I’m with her na. Yeah. Tomorrow, I will. Promise. We’ll see you tomorrow."We? Is that supposed to mean me and him? See Sugar? Who is Sugar, anyway? "Who was that?" she couldn’t keep herself from asking. "Sugar ha?""I’ll introduce her tomorrow. Uwi muna tayo sa bahay. By the way, kamusta na si Edward?""Edward?""Oo, si Edward, naalala mo yung boyfriend na iniwan mo sa New York? Anong klase ka ba namang girlfriend? Kaya hindi kita niligawan eh. Baka makalimutan mo rin ako.""Ah si Edward. Hayun. Nasa New York." Miguel has met Edward when he came to New York to give Bea a surprise visit. He seems a nice guy. Not the geeky economist Miguel pictured Bea would end up with. He is actually a cool guy and loves Bea a lot."He called me up, a week ago, asking a lot of things about you. Parang may balak ata…""Balak na?""Tell me, did he propose to you? He sounded like he was going to propose to you kasi.""Ah look, here we are at Tita Doris."At Tita Doris’, 4:45 am. A pleasantly plump woman enters the living room. She was in her mid-fifties, a familiar warm smile and t[...]



Ewan lang :)

2010-01-18T11:55:58.666+04:00

Dear Jen,

Happy New year sayo! Kamusta ka na? Matagal na din kitang hindi nakakausap. Wala ka na kasing oras para saken. Saan ka ba abala? Totoo bang abala ka? O nagpapanggap ka lang na abala? San mo ba inuubos ang oras mo ngayon? Sa facebook? Sa e-buddy? sa trabaho? Sa SFC? Kay Pong? Ang dami nang okasyon yung hindi mo naikukwento saken kung paano mo sinelebreyt. Ang dami mo na ding mga kaadikan sa buhay na hindi ibinabahagi saken.

Anyways, naapreciate ko naman kahit papano eh nililinisan mo ko ng agiw at minsan eh binibisita mo ko. Balita ko mag-aaral ka maggitara, kaya ba iniwan mo ko bigla? Eh teka, may gitara ka na ba? hahahah., parang nagdadalawang isip ka ngayon, kung gusto mo pa o hindi. Adik ka talaga. Tapos nung isang araw, gusto mo naman balikan ang pagdodrowing (ng sticks) pero failure ka dahil pasmado na ang kamay mo at hindi na makaguhit ng direcho. Tsk! Kaya ngayon babalikan mo ko? Napagod na ko maghintay sayo nho! Joke (*____*).

Sabi ko na nga ba eh, hindi mo ko matitiis, kahit na ilang bwan, araw, minuto, mo ko pabayaan, babalik at babalik ka pa din saken. Eto ba yung tinatawag nating destiny? Akala ko ba mas gusto mo yung pagkanta at pagdodrowing? bakit ngayon eh sa pagsulat ka bumabalik.

Ai ewan, nahawa na ko sa kaadikan mo at pati ako eh magulo na din kausap. heheheheh...
Sige na nga sige na. ako eh magpefacebook na lang din. I-add mo ko ah..para maging neibors tayo sa Farmville at Farmtown. Turuan mo din ako magpalit ng relationship status araw araw. ^_^ para madami din akong malinlang na tao. Hahahaha..

O sya, hanggang dito na lang, inaasahan ko na magtuloy-tuloy na ulit yung pakikipag-usap mo saken.

Ms. Adventures ^_^



Birthday

2009-12-28T08:43:03.696+04:00

Nakalimutan ko na palang maggawa ng post. Narealize ko lang nung masilip ko tong page ko na halos ayaw nang bumukas dahil may agiw at alikabok na sa paligid.....

achooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo............

Late ko na din mababati ng Happy Christmas (oo, HAPPY CHRISTMAS kase ang usong greetings dito kesa sa MERRY CHRISTMAS).Tinanong ko nga yan kay Pong, sabi nya, pareho lang naman ng meaning. Hmmmkei. Makes sense.

HAPPY = MERRY = MASAYA

Ayus na din, katanggap tanggap nang dahilan. Kahit naman anupang pagbati ang gawin nila, iisa pa din ang meaning ng CHRISTMAS - yun eh yung pagdating ni Baby Jesus sa mundo para iligtas tayo sa mga nagawa nating mali. Ahmmm pwede nyo ba ko palakpakan? Eh kase, nakumpleto ko yung simbang gabi this year....

yahuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu....

O sige, at busy pa din ako...dumaan lang ako para batiin tayong lahat ng Merry Christmassssssssssssssss ^__________^



Ikaw

2009-12-09T14:57:07.710+04:00

(image) Habang lumalaki ang pagitan ng mundo namin ni Tertel, at tumataas ang pader na humaharang sa aming dalawa, unti-unting nagiging muling malapit ang mundo ko sa'yo. Nakakatuwa sapagkat sa wakas ay naisipan na nating talikuran ang mga bagay na namagitan sa ating dalawa once upon a time. Sabi ko nga, karapatan din naman nating magmove on. ...Move forward..Kase ang buhay natin, hindi naman paatras. :)

Tuluy-tuloy ang kulitan, kantsawan, at asaran. Pareho nating pilit tinatakasan ang pait na dala-dala ng nakaraan.

Ang kalungkutan.
Ang ating masayang pagmamahalan.
Ang ating malungkot na pagpapaalamanan.

Muli akong natakot sa iyong pagbabalik sa aking buhay. Ganun kahirap kapag walang closure gaya nga ng sabi ko sayo. Ganun kahirap kalimutan ang mga gabing iniyakan ko ang walang kwentang mga sulat mo. Ganun kahirap kalimutan ang mga alaalang sabay nating binuo simula pa nung mga bata tayo. Ganun kahirap kalimutan ang iyong mga ngiti. Ang iyong mga nakakatunaw na tingin. Ganun kahirap na pulutin muli ang aking sarili kung sakaling mahulog na naman ako sa'yo sa pagkakataong ito.

Palihim akong namili.
Nag-isip.
At nakinig.
Hinintay ko ang iyong paliwanag.
Pero wala kang isinagot kundi katahimikan.

..................................
Katahimikang nakamamatay,nakakabingi --- kagaya ng realidad na patuloy nating pinapaasa ang isa't isa sa mga bagay na matagal naman nang nawala at namatay..........



Bakit ka tinamad mag-blog?

2009-12-07T15:47:17.958+04:00

  • Walang kang maisip na matinong bagay na pwedeng idiscuss sa blog mo, o kung meron man, sobrang nakakahiya ipangalandakan sa buong mundo...in short - sobrang NONSENSE.
  • Tinatamad ka na mag-isip at magpalawak ng isang particular subject na napili mo. Nawalan ka din ng gana na magresearch gamit si pareng gugel at nagfocus ka na lang sa pagtatanim sa farm mo.
  • Masyado kang naapektuhan sa paglalaladlad ni Friendster, o ngayon na-realize mo, BERDE pala ang dugo nya. Dun pa din ako sa Farmbook,madami nang applications, ang sarap pa makipag-asaran sa status msgs ng mga kaibigan mo.
  • Naapektuhan ka ng kumakalat na epidemya ng pagiging BUSY. Ingat lang, nakakamatay yan. *eyeroll*
  • Nagkasakit ka. At natulog maghapon kung kelan gising ang lahat. Tapos, nung nagising ka, tulog na silang lahat. Inulit mo lang ng inulit ang routine at presto! Walang nagbago kahit nung gumaling ka - adik ka pa din. nyahahah.
  • Busy ka sa tapings, prescon, at kung anu-ano pang churchur na meron ka sa buhay mo. Hayy..lahat ng tao busy, may magaling lang maghandle ng sked. Ehemmm
**Umaapdeyt lang po :) naiiwanan na ko ng bloggywood ehh...^_^



Kahon

2009-11-25T15:40:38.707+04:00

(image)
Anim na taon.

Madami nang nangyari. Madami nang nagbago. Madami nang mga nasabi. Madami na ring kung sinu-sinong dumating at umalis sa kanya-kanyang mga buhay natin. Ewan ko kung apektado talaga ako. Hindi ko alam kung apektado ka din ba. Hindi ko alam kung bakit naguguluhan ako ng ganito kung wala lang ang lahat.

Anim na taon. Matagal na panahon.

Anim na taon. Anim na taon na tuluyan nang dapat itapon. Hayaan mong ilagay ko ito sa loob ng munting kahon. Babalutan ko ng masking tape at igu-glue ang apat na sulok nito. Sa loob nito ay ilalagay ko ang mga alaala mo. Itatago ko doon ang mga larawan mong iningatan ko, ang mga walang kwentang sulat mo. Ang mga nakakatawang pambato-linya mo. Ang alaala ng musmos at payak na pagmamahalan natin. Ang lahat ng tungkol sa atin.

Ikaw at ang pagkakaugnay ng buhay natin.
Ngayon, ay laman na lamang ng munting kahon.



UNTITLED

2009-11-23T14:19:40.021+04:00

(image) "And maybe, I've been holding on too long, and had let go of you too soon"



U-Turn

2009-11-19T08:47:47.033+04:00


(image)
Iba't ibang direksyon ang pinatutunguhan ng buhay natin. Pwede kang mag u-turn, left turn, right turn, move forward, move backwards, at dito sa UAE, mag round-about.

Ikaw ang in-charge sa pagpapatakbo ng sasakyan ng buhay mo. Kaya kapag handa ka na para sa isang masaya, magulo, nakakaiyak at nakakatawang byahe - Kailangan eh full tank ang pag-iisip mo at nasa kondisyon ang emosyonal na aspeto ng buhay mo, para makamit mo kung anuman yung bagay na pinapangarap mo.

Isang taon at mahigit na din ang lumipas simula ng magdesisyon akong paandarin ang sarili kong sasakyan. Aminado ako na hindi ako handa - wala sa kondisyon ang puso ko, walang kasiguraduhan ang daan na gusto kong tahakin- walang dumadaan, traffic at madaming mga maalinsangang bagay na nakaharang sa gitna ng daan.

Kaya nag u-turn ako; Pabalik sa lugar na kinasanayan ko. Ang aking comfort zone. Ilang buwan din ang inilagi ko sa sa lugar na iyon. Ang lugar kung saan puno ng pagmamahal, pagpapahalaga at paghanga. Masarap at masaya tumigil sa lugar na yun. Ngunit, napagtanto ko na wala din akong matututuhan kung titigil ako habambuhay sa lugar na iyon. Dinasal ko kay Papa God na gabayan nya ko sa pagtahak kong muli sa masalimuot na landas ng buhay, at hindi nya ko binigo.

Matapos ang ilang taon - narito ako at matatag na nakikipagsapalaran sa iba't ibang traffic at congestion ng buhay. Ilang beses ko nang ninais na magshort-cut at magleft o right turn. Ngunit, mas pinili kong tahakin ang mahaba at nakakayamot na daan. Kung saan masikip at kakaunti lamang ang nagtyatyaga. Kung saan kailangan mong pigilan ang iyong emosyon upang maging matatag sa pagsuong sa mga pagsubok ng buhay. Kung saan kailangan mong mabigo upang magtagumpay. Kung saan kailangan mong maging malungkot upang maging masaya. Kung saan - kailangan mong lumayo, para maging malaya.....

If all else fails

Would you be brave to love me?


If all else fails

would you be brave

To see right through me......