Subscribe: HULA SCOOP atbp
http://hulascoop.blogspot.com/feeds/posts/default?alt=rss
Added By: Feedage Forager Feedage Grade B rated
Language:
Tags:
ako  akong  ang mga  ang  hehehe  hindi  ito  kasi  kaya  kung  lang  mga  naman  nga  ngayon  rin  yan  yun 
Rate this Feed
Rate this feedRate this feedRate this feedRate this feedRate this feed
Rate this feed 1 starRate this feed 2 starRate this feed 3 starRate this feed 4 starRate this feed 5 star

Comments (0)

Feed Details and Statistics Feed Statistics
Preview: HULA SCOOP atbp

HULA SCOOP atbp





Last Build Date: Thu, 18 Jan 2018 21:22:21 +0000

 



HULA SCOOP: Hindi Mo Malilimutan Ang Mga Nakaraan Sa Iyong Buhay

Thu, 21 Aug 2014 18:53:00 +0000

Bangui Windmills,  Ilocos HULA:  Hindi mo malilimutan ang mga nakaraan sa'yong buhay na naging daan para maging ano ka ngayon, kung anuman ang nagpabago sa'yo, sige lang, push mo yan.SCOOP:  Gaano man katagal na kong di nakapanghula, hindi ko pa rin malilimutan ang blog ko.  Ito ang naging daan para maging abala ako sa aking pag-iisa at ito ang humubog sa akin kung ano ako ngayon.---------------------------------------------------Halos dalawang taon din akong di nakapang hula kaya di ko na rin na update ang blog ko na to.  Nasira kasi ang radar ko e hehehe.  Ngayon medyo naayos ko na at mukhang pagsusumikapan kong makapag post ako ng regular.  I wish hehehe......Ano nga bang nangyari sa akin sa dalawang taon na nawala ako dito at ano ang mga natutunan ko?  "Madlang people" ready na ba kayo? (Feeling nasa Showtime ako a hahaha)1.  Natuto akong tumutok sa mga teleserye, walang patlang talaga, dati rati napapalampas ko pa ang iba, ngayon hindi na, lahat talaga hehehe.  Nandyan nagalit ako kay Nicole nang "Legal Wife,"at nanggigil kay Franco ng "Ikaw Lamang" at hanggang ngayon nanggigigil pa rin ako,  kung pwede lang ipabaon na rin ng buhay yang si Franco na yan.  Kahit ang babaeng puro buhok (Moon of Desire) ay nasundan ko rin ang kanyang buhay, kahit si Dyesebel na may buntot at si Galema na may ahas.2.  Magdadalawang taon na kong nawala, noon na adik ako sa Be Careful With My Heart  at ngayon......hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang teleserye na yan,  ako na ang sumusuko na panoorin ito e, OMG, nagagalit na ko, as in GRRR hehehe.  Parang awa nyo na, tapusin nyo na! hehehe3.  Noong isang taon, August ginawa ako ng anak ko na "batang lola" kahit ayaw ko wala naman akong magawa.  Iba pala ang pakiramdam na isa na akong lola sa edad na 41.  Hayyy sabi nga sa kanta ni Jugs, "ayokong tumanda....ayokong tumanda" hehehe. 4. Nakadalawng uwi na rin ako sa Pilipinas, kahit na walang sapat na pera ay nagpapasalamat pa rin ako na nakauwi ako at nasilayan ang aking mga kapatid at ama.  Tumatanda na ang Tatay ko kaya kahit walang pera pinipilit pa rin namin makauwi para habang malalakas pa ang Tatay ko at mga magulang ng asawa ko ay naipadama namin sa kanila ang aming pagmamahal, naks.  Mas mahirap tanggapin, na uuwi lang kami kung wala naman na sila, di ba?5.  Noong umuwi kami ng June,  isang kakaibang karanasan ang namalas namin sa aming Ilocos Tour.  Nakapag sandboarding ako (plakda! hehehe) at napuntahan namin ang Bangui Windmills, Kapurpurawan Rock Formation, Paoay Church, Marcos Museum at Pagudpud Beach.  Masaya dahil isang bus kami, buong pamilya, sama-sama.6.  Sa panonood ko ng TFC o ang The Filipino Channel ay hindi na ako nahuhuli sa mga bagong salita ngayon sa Pilipinas o ang mga slang words o kahit gay lingo pa yan, naks naman.  "Wasto na You!" ang sabi nga nina Amy Perez at Rodrick Paulate sa Singing Bee.  "Boom Panes" (Show Time at Gandang Gabi Vice) na sa kin ang mga slang nila,  nakakasabay na ko, kerri lang hahaha (Pure Love). 7. Na adik na rin ako sa instagram at nawalan ako ng gana na mag twitter na, mas gusto ko kasing magpost ng pictures kaysa mag twitt, e wala rin kasi akong friends na sumasagot sa mga twitts ko hehehe.  Kahit tumatanda na, eto panay ang hash tag pa rin as in "#".  At pa throwback- throwback pics na lang ang "peg"  hehehe.   Marami rin na kong pina follow na mga artista since konti ang mga friends ko na kasing edad ko na nahilig sa instagram.  At masuwerte ako na sinagot ako ni Kris Aquino at Pokwang sa mga comments ko, big achievements ko na yan, hahaha.  Balak ko ngang ipa frame yun screen shot ng reply nila e, lol.   "Para-paraan" lang yan hehehe.8.  Medyo kumapal n rin ang mukha ko dahil,  pinilit ako ng mga anak ko na mag "ice bucket challenge" kahit ang huling sagot ko ay "never akong mag ice bucket challenge" heheheh, nahiya kasi ako kina George Bush, Oprah Winfrey, kay Mark Zuckerberg ng facebook[...]



HULASCOOP: Mapapadalas ang tanong mo sa sarili

Thu, 15 Nov 2012 06:27:00 +0000


Pwedeng paki "pick-up" nyo ko sa baba? hehehe ...kuha ko nang nag zipline ako sa Palawan


HULA: Mapapadalas ang tanong mo sa sarili tungkol sa mga bagay-bagay at buhay-buhay pero kalimitan wala rin sagot..... kung anuman yun, tanungin mo na lang uli ang sarili mo o kaya magtanong ka na lang sa iba.

SCOOP: May mga katanungan ba kayo lagi na minsan inihahalimbawa mo na lang sa mga bagay na nakapaligid sa inyo para lang masagot mo ang tanong mo? O kaya para mapasagot mo ang tinatanong mo? o para mapahanga mo ang tinatanong mo? teka sino ba tinatanong mo? ang labo no??  di bale lilinaw din yan.

--------------------------------------------------------------

Nauso na naman sa panahon ngayon ang mahilig magtanong, ewan ko ba kung bobo ba sila o nagmamayabang lang kasi alam naman nila sagot.....alam na ninyo siguro ang tinutukoy ko ang sikat na sikat sa tv at sa text, ang pick-up lines ng Pinoy! hehehe narito ang mga nakalap kong mga pick-up lines na nagpaangat sa akin ng labi at nakitaan ako ng...... ngipin dahil sa ....ngiti hehehe:

PICK-UP LINES ng PINOY (pick-up nga ba? hehehe)

1. Mangga ka ba? Bakit?
- Mukha ka kasing kalabaw

2. Refrigerator ka ba? Bakit?
Kasi nagyeyelo ang ngipin mo

3. Si Sponge Bob ka ba? Bakit?
Kasi butas-butas mukha mo

4. Bola ka ba ng soccer? Bakit?
Kasi gusto kitang sipain e

5. Utot ka ba? Bakit?
Tahimik ka pero ang lakas ng dating

6. Tae ka ba? Bakit?
Kasi di kita kayang paglaruan

7. Aswang ka ba? Bakit?
Kasi sa lahat ng laman loob na dinukot mo, puso ko pa

8. Cactus ka ba? Bakit?
Kasi handa akong masaktan mayakap lang kita

9. Trumpo ka ba? Bakit?
Sarap mo kasing ihagis sa sahig

10. Kutsara ka ba? Bakit?
Kasi napapanganga ako sa tuwing lumalapit ka

11. Puno ka ba? Bakit?
Kasi inuugat ka na e

12. Pogi ka ba? Bakit?
Kasi hindi halata

13. Pangit ka ba? Bakit?
Tinanong mo pa

14. Google ka ba? Bakit?
Kasi lahat ng hinahanap ko na sayo na

15. Multo ka ba? Bakit?
Kasi sa'yo lang ako takot

16. Libro ka ba? Bakit?
Kasi ang kapal mo e

17. Bobo ka ba? Bakit?
Di mo kasi ako masagot

18. Tanga ka ba? Bakit?
Pareho na tayo

19. Eroplano ka ba? Bakit?
Lagi kang lumilipad sa isip ko at lumalanding sa puso ko

20. Pinoy ka ba? Bakit?
Pinoy ka nga







HULA SCOOP: Kakayanin mo ang lahat ng mga problemang darating sa buhay mo

Tue, 18 Sep 2012 05:38:00 +0000



HULA:  Kakayanin mo ang lahat ng mga problemang darating sa buhay mo, huwag ka lang mawalan ng pag-asa.  Hangga't may San Miguel beer...walang katapat....ang anumang problema! este commercial pala hehehe

SCOOP: Gaano man kalaki ang isang bagay, pwede mong paliitin at ang isang bagay na maliit pwede mo rin palakihin....basta huwag ka lang maglalasing, hindi tama yan! Ang camera nalilinlang tayo pero ang beer hindi kailanman magpapalinlang sa'yo!  Ang problema hindi nawawala sa paglagok ng mapait na yan...pag gising mo mapait pa rin ang buhay na haharap sa'yo.

-----------------------------------------------------

Yan ang Tatay ko! Hindi nagpapatalo sa beer, kita nyo hirap na hirap itulak ang beer, gaano pa kalaki ang bote na yan hehehe

Teka natatandaan nyo ba ang meaning ng "San Miguel Pale Pilsen?" Tanda ko noong bata pa ako may meaning talaga yan e....eto ang pagkakaalala ko:

Sa
Aming
Nayon

May
Isang
Guwapo
Umuwi
Eh
Lasing

eto pa:

Sa
Aming
Nayon

May
Isang
Ginoo
Umuwi
Eh
Lasing

Pati
Ako
Lasing
Eh

Pati
Ikaw
Lasing,
Sige
E-numan
Na!!!

Pasensiya na at lagi akong tindera sa tindahan namin noon e hahaha

Teka e paano kaya ang bagong version ngayon? Try ko nga:

Sa
Aming
Nice haus

May
Isang
Gay
Umuwi
Eh
Lasing

Pati
Atetch
Lashing
E

Pa-girl
Itetch
Lasing!
Simeon? (sino yun?) hayyy
E-numan
Na nga!

hehehe, gets nyo??








HULA SCOOP: Masayang masaya ka sa mga nangyayari sa'yo ngayon

Sun, 19 Feb 2012 14:49:00 +0000

Manneken Pis, Brussels Belgium----------------------------------------------------HULA:  Masayang masaya ka sa mga nangyayari sa'yo ngayon, hinay-hinay lang na pabigla dahil baka mawala ang mga yan.SCOOP:  Kapag ganitong masayang-masaya ka minsan nalilito ka sa mga nangyayari na sa'yo, nandiyan na gusto mong sampalin ang sarili mo para sagutin mo rin ang sarili mo na, "aray masakit pala, ay totoo na talaga ito."  Ang dapat lang, tanggapin mo na kaagad kung anuman yan, baka mawala pang parang bula. Walang pinag-iba yan sa larawan na nasa itaas, dapat huwag mong pakakawalan kung anong meron ka, kaya kahit kumakain ka pa, huwag pakakawalan ang maaaring lumipad hahaha.----------------------------------------------------------------Maraming nagtataka kung bakit ang tagal kong walang blog, halos dalawang buwan, ako nga rin nagtaka e hehehe (kayo pa lol).  Noong November kasi nakatanggap ako ng notice mula sa ESD o Employment Security Department na malapit nang matapos ang pagtanggap ko ng "unemployment pay" ko dahil sa wala ng budget, maaari raw na hanggang Dec.31 na lang kung hindi maaprubahan ng kongreso ang extension.  Hindi ninyo naitatanong, may nakukuha akong unemployment pay mula nang lumipat ako dito sa Washington mula sa Japan dahil sa ako ay asawa ng military at nakapagtrabaho sa Federal government. Sa madaling salita (dami ko kasing intro) naaprubahan ako na makatanggap ng higit  2000 dollars kada isang buwan. Malaki rin kung tutuusin (mas malaki pa nga ang sweldo ko kumpara sa mga taong nagtatrabaho sa mga fast food chain na tulad ng McDonald's, Burger King, etc) kesa wala akong sweldong nakukuha (lalo na kung nasa Pilipinas ako malamang wala akong sweldo hehehe).  Pero kung wala na akong matatanggap mas malaking problema sa kin, paano ko na matutustusan ang mga kapatid at tatay ko sa Pilipinas?  Paano na ang pinapag-aral naming anak na nasa kolehiyo na?  Kakayanin na walang extra, pero maghihigpit kami ng sinturon at malamang hindi kami makauwi sa Pilipinas.  Maraming agam-agam ang tila gumulo sa isipan ko para mahimasmasan na dapat  na talaga akong makakuha ng trabaho. Pero halos isang taon at kalahati na rin akong di makakuha ng trabaho, maraming na lay-off at ang Washington ang isa sa pinakamaraming military ang nagreretiro kaya mahigpit ang ka-kumpetensiya ko, sila ang priority mga Veterans. Kaya mula December puspusan ang aking paghahanap ng trabaho kahit gaano pa kalayo ang lugar ng trabaho sige apply na rin ako.  Kada linggo kailangan kasing may ireport ako na nag-aapply ako ng trabaho kaya abalang abala ako sa paghahanap.Awa ng Diyos, natanggap din! Talagang laking pasasalamat ko sa Diyos, siksik liglig ang mga biyayang pinagkakaloob Niya sa amin sa taong 2012 na ito, wala na akong maihihiling pa sa Kanya. Nakatanggap ako ng tawag na mag-uumpisa na raw ako sa Feb. 6 nagbunga rin ang paghihirap ko sa mga tests na binigay sa akin hehehe, bukod sa EE test may drug at background test pa kasi e hehehe. Mga Jan. 30, tumawag uli sila at sinasabing magrereport na raw ako ng Feb. 3, Friday para kunin ko ang laptop at cellphone ko dahil Feb. 4 daw lilipad ako papuntang Belgium (ngek!) dahil mag-iistart ang training ko Feb. 6 sa Belgium. WOW.....teka-teka hinay hinay muna.....di ako makahinga hehehe, nabigla ako Belgium!! Pero nakangatog ng tuhod yun tatlong linggo raw ang training ko. Hindi training ang inintindi ko kundi yun tatlong linggo na mawawalay sa pamilya ko, waaaa di ko yata kaya yun huhuhu (paano sila kakain?? sino mag-aalaga sa bunso ko??? ang daming tanong)....pero nahimasmasan din ako, eto yung hiniling ko sa Diyos na magkaroon ako ng trabaho at eto na nga dumating na sa harapan ko tatanggihan ko pa ba?? Tapos sinong aayaw na mapunta sa Europe??? di ba??? Ayun, zoom!! hehehe, bilis!Kaya eto ako ngayon, nakakapagsulat na sa blog, dahil sa lungkot na bumabalot sa akin ngayon, malayo sa pamilya.  Isang linggo pa at babali[...]



HULA SCOOP: Ilan sa mga hiling mo ay matutupad na rin

Tue, 20 Dec 2011 21:02:00 +0000

Sale!! sale!!!HULA:  Ilan sa mga hiling mo ay matutupad na rin huwag lang yun imposibleng mangyari....at hindi lahat, isa-isa lang.  Kaya wait ka pa rin sa ibang hiling mo.SCOOP:  Dapat maging masaya ka na kung may natupad na sa ilan sa mga hiniling mo bagamat hindi lahat ang mahalaga, meron natupad, di ba? -------------------------------------------------------------------Pag ganitong Disyembre na, abala na naman ang maraming tao. Nagkukumahog na naman sa pagbili ng mga regalo.  Maraming mga "sale" sa mall at dito sa US nagkalat sa mailbox namin ang mga flyers o brochures ng mga sale items at maraming mga kupon din na mga diskwento sa gusto mong bilhin.  Lalo na tuwing Biyernes, pagkatapos ng Thanksgiving Holiday (tuwing huling Huwebes ng Nobyembre ang Thanksgiving dito), na tinatawag nilang "Black Friday" dito nagtitiyaga ang mga tao na pumila ng madaling araw para lamang mabili ang gusto nilang bilhin na bagsak presyo, na karamihan ay mga electronics items at mga damit na pang regalo na nila sa Paskong darating.  Isa na ako dati sa mga yan pero nagbagong buhay na ako ngayon hehehe. Dati rati mga alas singko palang nasa outlet o mall na ko, ngayon alas otso na medyo pa late effect na ko e hehehe, ayoko na kasing makipag siksikan sa mga tao tapos hindi mo rin pala mabibili ang gusto mo dahil ubos na. At isa pa, wala rin akong malaking budget para pambili ngayon hehehe (yun pala dahilan hahaha).  Muli na naman bumalik sa alaala ko ang mga karanasan ko noong bata pa ako pag Pasko. Hindi kaya dahil sa ang Pasko ay para lamang sa mga bata? O di kaya ang Pasko lamang ay para sa mga mayayaman? O ang pasko ay negosyo lang? (sabi ng tatay ni Nonoy sa teleserye ng Ikaw ay Pag-ibig) o dahil sa hindi ko malilimutang karanasan pag Pasko ang syang nagpapanumbalik sa alaala ko?? Ang alam ko lang noong maliit pa ako, pag gabi ng December 24 nagsasabit ako ng medyas sa may bintana namin at wala kaming noche buena noon, hindi ko nga alam noon ang salitang noche buena dahil nga wala naman kaming pagkain, ang pagkakaalam ko noon, ito ay gabi ng pagsabit ng medyas hahaha.  Inaabangan ko pa si Santa Klaus nun, kala ko naman maaabutan ko kahit na nagtataka ako kungmakakapunta sya sa bahay namin na wala namang chimney hehehe.  At pag umaga na, sabik na sabik akong buksan ang medyas ko noon, tapos ang makukuha ko lang naman pala ay isang mansanas at dalandan at may konting kendi at konting barya (ang cheap ni Santa hehehe). Nagkukumpara kami ng mga pinsan ko ng laman ng medyas namin dahil yun isang pinsan ko mas marami syang nakukuhang kendi at chocolate kesa sa akin, kaya sa isip ko noon, may favoritism si Santa  na kapag mayaman mas maraming kendi ang binibigay niya (yun tatay kasi ng pinsan ko nasa Saudi kaya mas maraming laman ang medyas niya hehehe).  Wala akong natatanggap na regalo mula sa magulang ko noon, mula lang kay Santa, yun nga mansanas at dalandan hehehe ay minsan pala may kasamang chiko kaya ang bigat ng medyas ko noon kala ko maraming kendi puro prutas lang pala laman hehehe.At pag pasko na, ang alam ko kumakain kami ng mga kakanin na niluto ng Nanay ko, kagaya ng biko, ube at kamoteng kahoy na suman pero parang mga tira lang yata yun mula sa order sa kanya hehehe. Umaga palang magbibihis na ako ng bago kong damit, (na malamang yun ang sinuot ko nun Christmas party namin sa school ) at pupunta na ako sa mga Ninong at Ninang ko na kapit bahay namin at mamamasko na ako at minsan pupunta kami ng mga pinsan ko sa isang lolo ko na mayaman na may isang dosenang sasakyan yata nila, bibigyan kami ng tig-sasampung piso nun (hmmm teka parang ang barat yata nila ah? lugi kami sa pamasahe hahaha), masaya naman kami, kasi sama-sama kaming nagpupunta.  Ganun ang pasko namin noon, kaya kung ang iba ay nagrereklamo na champorado lang ang noche buena nila, e masuwerte pa rin sila dahil kami natutulog na lang at nagangarap na sana kahit champorado meron hehehe.Pero nang n[...]



HULA SCOOP: Magkakaroon Na Ng Linaw ang Lahat ng Malabo Sa'yo

Wed, 30 Nov 2011 22:15:00 +0000

Ang El FiliHULA: Magkakaroon na ng linaw ang lahat ng malabo sa'yo.SCOOP: May mga malabo ba sa isipan nyo na kailanman ay di nabigyan ng linaw? Kung ako ang tatanungin, oo, marami, sa sobrang kalabuan hindi ko na mabilang pa hehehe.  Sa panahon ngayon, mas madali nang masagot ang mga katanungan natin, mapa kasaysayan, showbiz, mga balita ngayon, jokes, dictionary, encyclopedia, medisina, media, kultura, atbp.-------------------------------------May mga pagkakataon na sasagi na lang sa isipan ko ang mga katanungan na hindi ko nabigyan ng kasagutan noon, pero sa araw-araw ng aking pamumuhay ang mga katangungan na yun ay unti-unti ring nasasagot, hindi ko lang alam kung saan-saan ko ito pinagpupulot.Natatandaan ko noong 4th year high school pa ako, ayaw na ayaw kong basahin ang El Filibusterismo ni Dr. Rizal, nakakatamad basahin ang mga malalalim na salita at mga kahulugan ng bawat karakter sa nobela na yun. Isang beses nga e napatayo pa ako ng guro ko dahil hindi ako nakapagbasa ng isang kabanata na sya namin paksa sa araw na yun. Nang ako ang tawagin, ayun wala akong masagot, malas ko ang "tigre" naming guro nagpapatayo talaga kapag hindi nakasagot.  Ang nakakahiya pa, katabi ko pa ang manliligaw ko hahaha, buti na lang napatayo rin siya hehehe kaya ok lang, quits lang kami hehehe.  Hanggang ngayon di ko malilimutan ang guro ko na yun sa Pilipino dahil sa tanang buhay ko, sa kanyang klase lang ako napatayo at napahiya, ang una at huling pagkakataon na yun. Kaya simula noon, nagbasa na ako ng El Fili, wala akong choice. Pero natatandaan ko ang unang kabanata ng El Fili na "Sa Kubyerta" kung saan sa umpisa palang ay di ko na maintindihan ang mga karakter na nakakalito na e puro mga bahagi pa ng "tayutay" (figure of speech po sa ingles, kuha nyo? hehehe) ang mga binabanggit doon (labo talaga ni idol Rizal e hehehe). At natatandaan ko rin na nagtanong ang guro ko tungkol sa"Bapor Tabo" kaya ang bapor na yan ay hinding-hindi ko malilimutan kahit magkaroon pa siguro ako ng Alzheimer disease baka banggitin ko pa rin ang salita na yan, peksman! hehehe.  Mas masuwerte nga ang mga kabataan ngayon dahil isang click lang ng mouse ng computer ay makikita na nila ang mga buod ng El Fili, mas madaling magresearch ngayon hindi tulad dati na pupunta ka pa ng library para makapagbasa at pahirapang gumawa ng sariling buod ng bawat kabanata.Eto ang nakakatuwa paminsan-minsan may mapupulot akong aral.....sa isang teleserye hehehe. Natuwa kasi ako sa isang eksena sa bagong teleserye ng ABS CBN o TFC sa ibang bansa, ang "Angelito (Ang Batang Ama)."  Hinaplos nitong muli ang mga alaala ko noong mga araw ko sa high school. Sa pangalawang araw ng teleserye nito (Nov. 15, 2011 hala alam ko pa ang date hahaha) ay natuwa ako na binanggit dito ang El Filibusterismo, ang unang kabanata, "sa Kubyerta" kung saan tinalakay nila ang Bapor Tabo. Eto pa, sa kagustuhan kong i-blog ang paksa na ito ay sinaliksik kong muli ang mga eksena nila sa pamamagitan ng internet. Ayun, natagpuan ko sa website na lagi kong pinupuntahan, ang pinaytambayan.com kaya kung may namiss kayong mga teleserye o shows punta lang kayo doon at sasaya na ang araw niyo hehehe. So eto ang talakayan nila:Sa klase ni Rosalie:Rosalie (ang gf ni Angelito na nabuntis niya): "Nahahati po sa dalawang kubyerta ang Bapor Tabo na sinakyan ni Simoun sa unang kabanata ng El Fili. Yun nasa ilalim po ay yun mga Indiyo at ang nasa itaas ay yun mga prayle at mayayamang Espanyol. Para sa kin, sa tingin ko po na sinadya ni Dr. Rizal na 'tabo" ang itawag sa bapor na sumisimbolo sa pamahalaan noon kasi hugis bilog, hindi umaandar, mabagal ang kilos at walang kapupuntahan."Naks, yun pala ang kahulugan ng Bapor Tabo hehehe...eto naman ang eksena sa klase ni Angelito:Guro: Ano ang sinisimbolo ng Bapor Tabo sa El Fili? (Tinawag si Angelito na hindi nakikinig kakaisip kay Rosalie, nahuli kasi siya ni Rosalie na tumalon sa "Talon" na nakahubo h[...]



HULA SCOOP: Magmumuni-muni ka sa iyong mga nakikita sa paligid

Wed, 09 Nov 2011 20:12:00 +0000

HULA:  Magmumuni-muni ka sa iyong mga nakikita sa paligid,  may mga bagay kasi na akala mo pareho pero iba at may mga bagay na akala mo iba pero pareho pala.SCOOP: Napag isip ba kayo ng hula ko? Ako, oo! Di ko naintindihan kasi yun hula ko e hehehe, masyadong malalim pero parang mababaw naman, ayan parang katulad ng sinabi ko na yan, walang pinag-iba yan sa pareho pero iba. Hay naku nakakaloka, kahit hindi hahaha.--------------------------------------------------------------Nakita ninyo ba ang larawan na nasa itaas?? Yun isa sa kanan galing Japan at yun isa galing pa ng Pilipinas. Binili ko muna yun sa Japan kasi nga natawa ako sa spelling nila at nang umuwi ako ng Pilipinas noong isang taon talagang bumili pa ako ng rexona para lang ipaghambing ang dalawa at para lang sa blog ko na to ha, hehehe (ang weird ko talaga!! hahaha). Sa palagay nyo iisa lang ba ang may gawa nito? Pareho sila pero nagkakaiba sa spelling, inisip ko na lang na hindi lang marunong magspelling ang mga Hapon o yun lang talaga ang pagbigkas nila ng Rexona. Mukhang pareho namang tama yun dalawa kasi may check pa ibig sabihin tama yun spelling hehehe. Pero dapat yun made in Japan na yan e "ekis" o "x" ang nilagay at hindi check kasi nga mali ang spelling, hindi ako makakapayag e hahaha. Yun sa Japan pala ay spray at ang Pilipinas naman ay roll-on, so anong gusto ninyo? Pili na! hehehe. Siyanga pala, walang Rexona dito sa US, sa aking pagkakaalam dahil ginalugad ko na ang mga groceries dito pero wala akong matagpuan hehehe.Eto pa, nivea naman tayo, pareho ba sila o iba?? alin, alin, alin ang naiba? isipin kung alin ang naiba, isipin mabuti, isipin kung alin, isipin kung alin ang naiba lalalala kinanta ko na lang yan hehehe kung natatandaan nyo pa yun batibot yan ang isa sa kinakanta nila Kuya Bodjie hehehe (yun ay kung kasing edad ko kayo hehehe).Yun nasa kanan, Japanese version ng Nivea, nakita nyo ba yun drawing na parang lotion o logo nito? yun nasa kaliwa na US version ay pahalang ang logo/drawing nila na may parang droplet at yun nasa kanan naman ay pataas ang drawing nito o pa-vertical, kuha mo? kuha mo?? (hahaha tagline na naman ng 100 days to heaven).Salonpas!! Alin ang naiba?? Pareho sila pero iba, hahaha. Actually naitapon ko na yun salonpas na nabili ko sa Japan (sayang! kakainis) kaya yun nasa kaliwa ay US version at yun nasa kanan naman ay galing pa ng Pilipinas, roll-on na po. At kung hindi pa ako napunta ng Japan hindi ko malalaman na galing pala talaga sa Japan ang salonpas at mabibili ito sa 50 bansa kaya di nakakapagtaka na meron din dito nito at made in Japan talaga ang nakalagay at yun roll-on naman na nabili ko sa Pilipinas ay made in Indonesia naman.PAHABOL: Wala lang.....hehehe[...]



HULA SCOOP: Magiging abala ka sa mga araw na darating

Sat, 29 Oct 2011 03:28:00 +0000

HolenHULA: Magiging abala ka sa mga araw na darating, pero sa kabila nito mag-aalala ka pa rin sa kapalaran na alam mong darating sa'yo, ginagawa mo lang na abala ka sa sarili mo upang hindi mo maramdaman ang pag-aalala, tama ba?SCOOP: Pasensiya na po at super busy po ako (hay as usual). Pero sa totoo  lang iniisip ko pa rin ang mangyayari sa kin kapag ganitong tumatanda na ko. Parang swak na swak talaga sa kin ang lahat ng hula ko?? hehehe (nagtaka pa no).-----------------------------------------------------Kahit ganitong abala ko, minsan bigla na lang sumagi sa isipan ko ang lahat ng "alaala" na "naaalala" ko pa rin hanggang ngayon. Ating ngang "alalahanin" ang mga ito:1- Tatlong araw palang akong sinilang nang magkaroon daw ako ng sore eyes, kawawa naman pala ako noon. Hindi pa nga ako nakakakita e mutain na kaagad ako hehehe. Noong isang taon na ako, wala raw party syempre walang cake at lobo, can't afford daw kami e hehehe.2- Mga dalawang taon ako dumedede pa rin daw ako sa Nanay ko.3- Mga tatlong taon, dumedede pa rin daw ako sa Nanay ko, paminsan minsan, "am" daw ang iniinom ko pag may sakit ang tyan. Pero gatas pa rin ng Nanay ko ang iniinom ko, libre na masustansiya pa hehehe.4- Mga apat na taon ako, ang Tatay ko na ang.....ang sumipil sa kin sa pagdede ko hahaha (wag naman sanang iba ang naisip nyo dito lol), biro lang di ko matandaan e.....pero alam ko gala ako noon, laging laman ng lansangan, naglalaro ng taguan pong at bahay-bahayan...yun ang sabi ng Tatay at Nanay ko5- Limang taon ako noon mas layas ako at mas marami na akong alam na laro, may agawan base, agawan panyo, chinese garter, piko, patintero, yoyo, open the basket, pick-up-sticks, pass the message (naks ingles mga to ah hehehe), pitik bulag, larong goma, larong trumpo, shato, tumbang preso, sipa, harangang taga, luksong baka, langit, lupa at impiyerno, holen at meron pa yun kaha ng mga sigarilyo ang ginagawang pera at yun tansan ang kinakalog mo (yun pinakamahal na kaha ay yun camel, 100 pesos ang halaga, ang champion ay 50 pesos yata, 5 piso lang ang marlboro ang dami kasing naninigarilyo nito) at marami pang iba na hindi ko na maalala. Pag pasko naman pinipitpit ang tansan para gawing parang marakas. At yung iba pang mga laro ay may halong kanta na kagaya ng monkey,monkey anabelle, Nena (as in "noong si Nena ay bata pa kaya ang sabi niya ay um-um um a-a-a) at ang iba ngayon ay pinauso ng composer na si Lito Camo kagaya ng sasara ang bulaklak, boom tarat tarat, atbp6- Mga anim na taon ako, mas marami akong alam na laro na at mas bihasa na ako, bihasa na ko sa text, ibang klase ang text nun, pinipitik mo lang ang tatlong text na yari sa karton at lumilipad na, aabangan mo lang bumagsak at malalaman mo kung panalo ka o talo. Ngayon, ibang klase na ang text, pinipindot mo lang ang cellphone mo, zoom! mabilis pa kay superman tanggap na nang tao na tinext mo, di na kailangan lumipad, panalo ka kung sinagot ka, talo ka kung walang load yun tinext mo hehehe.7- Pitong taon- eto yun nabundol ako at tumilapon lang naman sa kalsada, awa ng Diyos eto nagsusulat pa rin ng blog na binabasa ninyo, matino pa rin naman hehehe kahit may sayad ng konti, sayad sa kalokohan.8- Walong taon, marunong na akong tumula, na ayon sa Tatay ko mahaba na para sa edad ko na masaulo ko ang limang saknong  na may tig-sampung linya. Hindi ko lubos na maisip na nagawa ko na tumula sa maraming tao at lalo na kung napakinggan ako ng maraming tao sa radyo dahil sumali ako sa "Tita Betty's Children Show" sa DZBB. At sa sobrang kaba ko e nalimutan ko lang naman ang tula ko hahaha, pero pinagpatuloy ko naman nang maalala ko na hehehe, ayun second place lang. Ang pamagat ng tula ko, "Ang Kabataan At Ang Pananampalataya" hay di ko na matandaan ang buong tula e, sayang.9- Siyam na taon na ako, so ayun grade 3 na ako, mahilig daw akong magdrawing sabi ng guro ko, pero hindi siya nasiyahan dito[...]



HULA SCOOP: Tatamis ang pagsasamahan ninyo ng iyong minamahal

Mon, 05 Sep 2011 15:58:00 +0000

mansanas na binalutan ng tsokolate na hinugisan na parang daga hehehe (kuha sa Disneyland)HULA: Tatamis ang pagsasamahan ninyo ng iyong minamahal, kaibigan man ito o iyong pagsintang mahal sana lang huwag mo lang matikman ang pait dahil kung mapait....malamang pagkain lang yang minamahal mo hehehe.SCOOP: Bakit nga sa buhay kung may tamis laging may pait pagkatapos ng lahat? Di ko talaga magets, kayo kuha niyo? Mabuti pa ang chocolate laging matamis kahit galing ito sa mapait na kakao hehehe.-----------------------------------------------------Nakakatawa minsan isipin pero iisipin ko pa rin na minsan nagpatamis sa buhay ko ang pagkain ng candy at tsokolate.Naalala ko kasing bigla yun buhay ko noong bata pa ako. Simple lang ang lahat, pagkagising sa umaga, kakain ng almusal, maglalaro sa kalsada, tatawagin ako ng Nanay ko sa pamamagitan ng mahabang sipol at pag narinig ko na yun, oras na para umuwi kasi kakain na ng tanghalian. Tapos dapat matutulog na pero tumatakas ako para maglaro uli at minsan pag may barya bibili ng candy sa kapitbahay namin na may tindahan kahit na may tindahan naman kami hehehe. Pero ang naalala ko yun nagpasira sa mga baby teeth ko ang aking mga paboritong chocolates at candies, teka ano nga uli ang tagalog ng candy?? Kaya nandito ang listahan ko, kulang pa nga ito kung may time kayo, dagdagan n'yo na lang para mas masaya.MGA CHOCOLATE AT CANDY NOONG BATA PA AKO (LATE 70's and EARLY 80's):nips- eto ang m&m pinoy version natin, hugis butones at makulay, matanong ko lang may kulay blue na ba na nips noong 70s? kasi ang m&m noong 1995 lang nagkaroon ng kulay na blueswiss cups- di pa uso ang chocnut nun, eto ang paborito ko noon, hugis na bilog na flat siya pero mas maliit, lasang chocnut din, pinapalaman ko ito sa pandesal o pandelemon, kaya lasang peanut butter na rin hehehe, sino kaya ang manufacturer nito? nalugi na siguro hehehelipps- naalala ko lang itong candy na ito noong minsan nag-usap kami ng mga high school classmates ko sa facebook at nauwi sa mga paborito namin candy noon (kaya naiblog ko ngayon ang topic na ito); ito yun kulay pula na candy pag kinain mo e pupula ang dila at labi mo sa sobrang food coloring nito hehehekendi mint- kulay berde yun wrapper nito, kulay white naman yun candy at syempre mint ang lasa may palaman na chocolate sa loobvi-va- kulay orange brown ang wrapper nito at lasang kape ang candy na to (salamat kay mamu na friend ko at pinaalala nya ito)Peter's ball- bilog na candy kulay orange, kung saan ako nabilaukan at muntik ng di makahinga noong kumain ako niyan habang nakahiga hehehe, kaya hindi ko dapat malimutan ang pangalan ng candy na yan hehehe, tawag naman dito Peter ball lang, moral lesson: wag matutulog o humiga kapag may candy pa ang bibig lolvicks candy- candy na lasang vicks hehehe, hugis tatsulok o triangle nabibili ng tingi o isa-isastorck- kulay green ang wrapper na menthol candy, di pa uso noon ang maxx na candy, eto ang sikat noon kahit na ang chismis ay nakakabaog daw ito hehehe, chismis lang naman ng mga bata yan ha, gusto nyo bang malaman kung bakit?? hehehechiclets- chicletin mo baby! naalala ko yan commercial tag line na yan hehehe, chewing gum na sikat noon hanggang ngayonjuicy fruit- ang prutas na walang buto hehehe chewing gum na di ko alam kung paano naging prutas?double mint- kamag-anak ng juicy fruit, kulay berde ang wrappertexas- matigas na bubble gum, sakit sa ngipin pag kagat mo pero gusto ko pa rin, pag nangata mo na medyo may buo-buo pa ito, at pag wala na yun buo-buo nito that means wala ng lasa ito, tama ba ako?bazooka joe- bubble gum na nakakabulon sa laki, pero malasa at matamis, nagkokolek ako noon ng comic strips nito kasi kada isa nito ay may nakasingit na comic strip, hindi ko naman mabuo ang comic strips na yun, kelangan mo pang bumili ng marami at makapagpalobo ng sangkatutak para matapos mo ang ist[...]



HULA SCOOP: Matututo ka ng maraming kaalaman sa internet

Wed, 03 Aug 2011 18:07:00 +0000

HULA: Matututo ka ng maraming kaalaman sa internet. Pero mag-ingat ka, baka matulad ka sa iba dyan, lam mo na....alam ko na rin yun, alam mo na nga ba?? hahaha basta alam mo alam ko na rin!SCOOP: Paano ba mag-ingat para matuto? Pulutin mo ang mabubuti para sayo at itapon mo ang di dapat pero huwag ka naman maging basurero. Magshare ka rin naman sa iba. Tama di ba??--------------------------------------------------Sa panahon ngayon parang ang hirap matuto na nag-iingat, masyadong maimpluwensiya ang internet ngayon. Pero minsan nakakatuwa rin isipin na mas napapadali ang lahat dahil sa paggamit ng internet dahil sa pagtanong mo kay pareng google o kahit pa kay kumareng yahoo, may sagot agad, na dati rati parang milya-milya ang layo para malaman mo ang isang bagay na hindi mo alam. Noon kapag hindi mo makita si kapitbahay na Merriam o kahit pa si Britannica hindi mo na alam ang sagot sa mga katanungan mo e paano na lang kung wala kang kapitbahay na Merriam o Britannica?? Di ba? Pupunta ka pa sa public library, para lang alamin pero sa sobrang tamad ng mga tao at sobrang abala hindi na nanaisin pang malaman o pumunta sa library..... teka ano nga ba ang tagalog ng library? Teka matanong nga si pareng google......hintay kayo ha.Ayun, aklatan! Nalimutan ko na nga yan salita na yan sa Tagalog, pero ngayon mas mabilis na lalo na kung wala akong English-tagalog na dictionary(wala naman talaga), sa internet nandun na ang kasagutan. Ang dati-rati na "milya-milya" ang layo, o kahit "ga-dipa" o ga-kamay" (meron ba nun? hehehe) ang layo ng dictionary mo sayo, ngayon "ga-keyboard" o "ga-daliri" o "ga-pindot"na ang lapit hahaha.Natatandaan ko nga noong ako pa ay nagtatrabaho sa California, may ka opisina ako na Pinoy din at naitanong niya sa akin ito, mga 10 taon na itong nakakalipas kaya siguro noon eh hindi pa niya masyadong ginagamit si google ng buhay ko hehehe:Joe: Sards alam mo pa ba ang preamble ng Philippine Constitution natin?Sards: Ahhh oo naman (sabay type sa google ng "preamble of the Philippines Constitution.....habang nagchecheck ako ng sagot sabay tanong ko na).....bakit di mo ba yun alam??? (ayun lumabas na ang sagot, ang bilis!)Joe: hindi e, nalimutan ko na. Talaga alam mo pa rin yun preamble? Saulo mo pa rin? Sige nga sabihin mo sa kin. (Aba ang mokong hinahamon talaga ako, hehehe)Sards: Oo naman, eto (sabay basa sa internet, dahan-dahan na parang sinasaulo at ninanamnam):"We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution."Joe: Ang galing mo naman.Sards: Syempre sinaulo ko yan nun nasa College ako no at until now saulo ko pa rin. Ang higpit ng teacher ko nun.Joe: Eh yun 1987 Philippine Constitution alam mo lahat??Sards: Sobra ka naman, di ko na alam yun no, ang hirap kaya nun! (baka mahalata na ko nya no, hahaha)Aral 1: Daig ng wais ang mabagal magtype, hahaha.Aral 2: Ibahagi ang nalalaman, huwag maging taga pulot na lang, kasi basurero labas mo nyan.Aral 3: Minsan kailangan mong mag sinungaling kaysa maging hambog para makuha mo ang paghanga ng iba.Sana lang huwag niyang mabasa ito, dahil hanggang ngayon di pa niya alam ang sikreto ko, hahaha.[...]



HULA SCOOP: Mapalad ka sa darating na mga araw

Fri, 22 Jul 2011 16:26:00 +0000

HULA : Mapalad ka sa darating na mga araw pero hindi mo lang alam kung kailan at anong araw yun. Ang mahalaga susuwertehin ka at papalarin na darating ang araw na yun. Maghintay ka lang, may araw ka rin.SCOOP: Ang suwerte minsan lang dumating sa buhay natin kaya dapat sinusunggaban kaagad yan. At kapag dumating na sa buhay mo huwag mong hayaan makawala dahil hindi naman lumilipad ang suwerte e kaso bakit minsan nawawala?? Yun ang dapat mong malaman. Bahala ka na kung paano hehehe------------------------------------------------------------- Mag-iisang buwan na pala nang manalo ako sa pakontest ni Blogusvox sa kanyang blog na "The Sandbox" at ang premyo ay ang larawan na nasa taas, ang aking caricature, ang ganda no? alam ko maganda yun drawing nya at hindi ako hehehe.....ok lang, ganun talaga. Salamat Blogus! Super fan po niya ko sa larangan ng kanyang mga nilikhang mga caricatures at cartoons kaya tuwang-tuwa ako nang manalo ako.Ang tanong niya sa contest ay "Sino ang utak sa pagpatay kay heneral luna," nakasulat ito sa ating katutubong "alibata" kailangan munang ibreak ang code na yun para mabasa mo. E hindi naitatanong ng iba (actually ng lahat pala hehehe) na ka-birthday ko si kumpareng Antonio Luna, kaya medyo alam ko ng konti ang kanyang buhay, "blessing in disguise" naswertehan ko na manalo....."luck-luck" (swerte-swerte) lang talaga na manalo sa pacontest.Siyanga pala, naging adik na rin ako sa twitter bukod sa facebook kaya ibabahagi ko lang ang ibang mga tweets ko dito sa blog ko dahil madalang na akong magpost dito, isang buwan palang akong nagtwi-twitt, adik ba? heheheMga tweets ko: Mga katanungan na walang sumagot:bkit nga ang hirap iwnan ang isang bgay na minsan mo nang naumpisahan na? khit alam mong pinaiikot-ikot ka na ng pagkakataon?Gaano kadalas ang minsan para minsan malaman natin kung gaano kadalas ito? Hayy ang labo ko talagaBkit may mga taong wlang pic ang profile s facebook? Kya nga facebook dpat kita face,kung takot silang mglgay sna nagtwitter na lang silaPag ba kumakalam ang sikmura nagugutom na? O naiirita lang ang bituka dahil puro hangin lang ang nakakain niya?? Wala Lang: Ang hirap gumising! kung pwede lang tungkuran ang mga pilikmata ko ng posporo kaso wala e ayoko nmang lighter ang gamitin koMahirap magsimula sa umpisa pero mas mahirap magsimula sa dulo, dahil mahuhuli ka, kuha nyo? Kailan kaya dadami followers ko? HeheAng hirap ng gutom ang ingay ng tyan ko di ko naman mapagalitan"Pagmulat ng mata langit nakatawa sa nanana-....." wala lang kumakanta ng theme song ng batibot heheMotto ko: "walang matigas na kape sa mainit na kapeng pagsasawsawan"Ang buhay ay parang paglangoy kailangan mo munang mkainom ng tubig bgo mo mlman n nalulunod ka na, kya ayokong lumngoy alm ko n lsa ng 2big Hula: May gumugulo sa isip mo, wag mong hyaan guluhin ka nito baka lalong magkagulo at lalong gugulo ang buhay mo.Hindi mo maiiwasang mainis, pero iwasan mo pa rin mahirap na baka lalo kang mainis.Maganda ang umaga mo, masisilayan sayo ang ngiti kahit na may panis na laway pa sa'yong labi.Magbabaksali k sa isang bgay n d mo pa ngawa pero susubukan mo p rin kc pasaway ka hehehe May isang tao n hindi mo malilimutan, 2 lang ang dhilan nito mlamang pntibok o sinksak ang puso mo ni2. Buti pa puso ng saging manhidMay isang tanong sa'yo na magbibigay sa'yo ng kasagutan na isang katanungan din. "Bakit" kuha mo? Magdadalawang isip ka, iniisip mo kung pag-iisipan mo bang iniisip ka ng iba o iniisip mo na iniisip ka ng nag-iisip sa'yo[...]



HULA SCOOP: Maganda ang umaga mo, masisilayan ang 'yong mga ngiti

Thu, 23 Jun 2011 18:44:00 +0000

Kape at Pandesal bida sa almusalHULA: Maganda ang umaga mo sa araw na ito, masisilayan ang yong mga ngiti kahit na may panis na laway sa'yong mga labi. Mag-ingat ka pagdating ng tanghali.....dahil baka labi mo'y mapangiwi.....hindi ko na alam ang sunod pang mangyayari. Bahala ka na dumiskarte life mo yan no...go, go, go dali!SCOOP: Malamang masaya ka ngayon kasi mapapangiti ka raw e. So ako naman isip-isip, paano nga ba ako mapapangiti?-----------------------------------------------------Sa totoo lang ang hirap talaga mag-isip ng ipopost ko dito, kung bakit kasi hulascoop pa ang paksa ng blog ko, para talagang naghanap ako ng pako na ipupukpok sa ulo ko....ay martilyo pala na may pako hehehe. Ang hirap!! Minsan wala talagang pumapasok sa utak ko as if meron naman akong utak? heheheAyun, eto nagtatype lang ako pero wala pa akong topic, bahala na si daliri kung saan ako dalhin go lang ng go, sunod lang ako, wag lang sa parte na mamasa-masa e ibang lugar na yan....tubig na yan no! hahaha kala nyo ha! di yata ako makakapag type sa tubig no! So eto, balik uli ako sa keyboard, basta pindutan medyo mabagal ako e, sanay kasi ako sa himas ba....himas ng ballpen lang kasi alam ko habang nag-iisip. Ganyan ako nun di pa uso ang computer...hehehe.So eto nagbabalik tanaw na lang ako, lam n'yo naman kahit matagal na ako dito sa Amerika ang puso't isipan ko ay nasa Pilipinas pa rin.Eto mga ginawa ko kanina bago ako gumawa ng blog:1. Pag gising ko, may ngiti sa aking mga labi, naks totoo pala ang hula ko! "Happy Yipee Yehey" talaga! hehehe...hmmm bakit kaya? syempre birthday ng aking Papa kahapon lam n'yo na, dapat may surprise gift....kaya ayun....bingyan ko siya ng......secret....syempre secret dapat yun niregalo ko sa kanya no hehehe. Eh masaya ang aking Papa kaya masaya rin ako kaya hanggang pag gising ko masaya pa rin ako, basta ganun hehehe. Wala kasi akong bad dreams no hehehe.2. Mga 6:45am nag alarm ang celfon ko , so "pinindot" ko ang snooze, idlip uli ako....tumunog na naman yun alarm, pindot na naman ako, ayun pindot-idlip-pindot ang ginawa ko, kakapagod kaya ginising ko na rin sarili ko, nakakagising pala talaga ang pindot...hehehe. Bakit kasi nauso ang "snooze" sa alarm clock o kahit sa cellphone? E kaya ka nga nag-aalarm para magising ka tapos maglalagay sila ng button na snooze para umidlip uli? Ang labo talaga ng tao, di ko magets minsan.3. Pinatay ko na ang alarm ko at handa ng tumayo mga 7:10 yun, dakma kaagad ako sa aking peborit....ang aking celfon. Wala na pala ang aking Papa, pumasok na sa trabaho, nagising nga pala ako sa kanyang halik para magpaalam na aalis na siya. Kaya ayun, check ko ang twitter ko, hanep 2 days ago lang ako nagsimula na magtwitt pero 2 years na akong may twitter. Medyo feel ko maaadik yata ako dito, dati kasi facebook ang una kong chinecheck ngayon twitter na. Masamang senyales na naman ito, tsk tsk tsk. So ayun, nagtwitt na ako then nagcheck ng facebook at nagkolekta ng mga pera sa aking cityville hehehe. Teka, follow nyo naman ako sa twitter ko, "hulascoop" ang username ko hehehe.4. Bumaba ako at tumungo na sa aming kusina ng 8am, ang dalawa kong magaling na mga anak, tulog pa rin, napuyat kakapanood ng korean soaps (hmmm ewan ko ba naadik na sila dun, mabango kaya yun mga soaps ng Korean?? hehehe), hayy.... bakasyon na kasi sila, kitang-kita ko ang "ibidinsya" makalat ang kwarto!! grabe! Pero hindi ako nagpaapekto sa aking magandang umaga, ignore ko na lang sila, tatanda lang ako kagad kung magagalit ako no. Kaya nagtoast (ano nga ba ang toast sa tagalog? hay naku nalimutan ko na) ako ng pandesal at take note po, wheat siya binili ko sa Valerio's bakery...feeling healthy hehehe. Gumawa rin ako ng kape. Hmmm ano kayang palaman, peanut butter! Eto na naman ako nagbalik sa alaala ko ang ginagawa [...]



HULA SCOOP: Mapagbigay at Maalalahanin Ka Sa'yong Minamahal sa Buhay

Fri, 17 Jun 2011 20:23:00 +0000

Ang Tatay ko, mana sa kin hehehe HULA: Mapagbigay at maalalahanin ka sa 'yong minamahal sa buhay, huwag mong babawiin ang anumang binigay mo na, alalahanin mo na lang na binigay mo na nga sa kanila yun kaya walang bawian....kuha mo? heheheSCOOP: Dapat lang na maging mapagbigay at maalalahanin ka lalo na sa iyong ama ngayong nalalapit na ang Father's Day at kahit saan man sya naroroon kapiling mo man o hindi, alam mo kung gaano mo siya kamahal at dapat lang na pahalagahan mo kung paano ka niya pinalaki at naging ano ka man ngayon ay dahil sa kanya, bahagi sya ng buhay mo. Teka, may regalo ka ba sa kanya?? hehehe kung wala e.....bumili na no! ----------------------------------------------------------Malapit na ang Father’s day kaya bilang pagpapaalala sa mga ama natin ay narito ang ilang sinipi kong mga jokes na pinulot ko sa kung saan-saang panig ng cellphone at email ko: Tatay: Anak, painumin mo ang kalabaw!Anak: Opo tay! Anak: Tay, ayaw uminom ng kalabaw eh! Tatay: Saan mo ba inilagay? Anak: Sa baso!Tatay: Sus! Katangang bata! Lagyan mo ng straw Tatay: Juan, mag-aral ka ha! Juan: Ayoko tay, bobo kasi ako. Hindi ako makaintindi. Tatay: Mag-aral ka nga para makaintindi ka! Juan: Ayoko nga tay! Bakit hindi ka makaintindi? Bobo ka rin ba tay?? Nanay: Bobo ka talaga! 1 to 10 lang di mo kayang bilangin?Anak: Mas bobo si tatay 'nay, kasi narinig ko minsan sabi niya, “Tama na Inday, hanggang tatlo lang ang kaya ko.” Tatay: Lakas mong kumain ah, kapal talaga ng mukha mo! Bwisit!Anak: Itay naman! E kung yung baboy, kumakain, tuwang tuwa pa kayo! Sino ba talaga ang anak nyo, ako, o yung baboy? Tatay: Anak, Aatras ko BMW ha, sabihan mo ako kung mabubunggo na!Anak: Ok.Tay. Sige, atras... Atras pa! Sige, atras pa! Atras pa! BOG! Ok, bunggo na tay! Ina: Anak, tawagan mo nga ang tatay mo sa cellphone. Pauwiin mo dito. (Pagkatapos tawagan)Anak: Inay, babae po ang sumagot!Ina: Lintik! Sinasabi ko na nga ba, may itinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?Anak: You only have zero pesos in your account. Hindi ko na tinapos, inay, mukhang matapobre eh!HAPPY FATHER's DAY sa aking Tatay at sa mga Tatay na nagbabasa ng hulascoop ko at sa mga Tatay ng mga Tatay na nagbabasa nito!!! At syempre sa Tatay ng mga anak ko hehehe [...]



HULA SCOOP: Bigyan Mo Ng Pagpapahalaga Ang Naging Bahagi Na Ng Buhay Mo

Tue, 10 May 2011 20:04:00 +0000

Kay Selyo...ay Ang Selyo pala heheheHULA: Bigyan mo ng pagpapahalaga ang naging bahagi na ng buhay mo. Huwag maging "ningas-kugon." Ano o sino pa man ito patuloy mong pahalagahan ang mga ito, ang mahalaga talaga ay importante....heheheSCOOP: Ano at sino nga ba ang mahalaga sa buhay natin, na minsan nakakaligtaan na natin dahil mayroon na tayong bagong pinapahalagahan, na hanggang sa simula lang at hindi na natin natatapos?-------------------------------------Teka bago tayo magsimula e hayaan nyo munang ipaliwanag ko ang binanggit kong idiom, para may matutunan naman kayo dito sa hulascoop ko, naks naman hehehe:Kahulugan ko:"ningas-kugon"-ningas- apoykugon- uri ng damo? (tama ba?)-siguro madaling mag-apoy kaya sa simula lang maningas tapos pag upos na e di wala na...hmmmp syempre wala ng ililiyab di ba e ubos na nga e? di ko alam kung saan nanggaling ang idiom na ito pero ang tanda ko lang, namana natin ito sa mga kastilaloy hehehe....at pati na rin ang pag-uugali na yanO sige na nga hayaan ko naman kayong mag-isip ng kahulugan niyo, eto na ang aking topic......MGA NASIMULAN KO NA HINDI KO MATAPOS-TAPOS1. Natuto akong mag gitara ng maliit pa ako, pero hanggang basic na chords na lang na A, B, C, D, E, F, G ang natutunan ko wala na kasing H kaya hindi ko na rin tinapos ang pag-aaral ko, kung yun ngang chords e hanggang G lang e bakit ko pa tatapusin ng hanggang Z, di va?2. Noong nasa mataas na paaralan na ako, mahilig akong mag-ipon ng mga selyo naging pangulo pa ako ng Philatelic Society Club sa aming paaralan. Iningatan ko ang mga ito, inisa-isa kong balutan ang bawat isang selyo para hind madumihan o masira ang perforation o mga ngipin ng mga ito. Hanggang ngayon marami pa rin akong mga selyo na dinala ko pa dito sa US pero wala ng balot, mga hubad na silang lahat hehehe.3. Noong nasa mataas na paaralan pa rin ako, naging miyembro din ako ng rondalla, tumutugtog ako ng bandurya noon, pero ngayon iba na ang tinutugtog ko....pinipindot ko na lang ang ipod o iphone ko at may tumutunog na rin naman hehehe at hindi pa ako nagkakalyo.4. Noon nasa college ako, gusto kong matutong tumugtog ng piano, ang problema wala kaming pambili ng piano hehehe. Natuto rin ako ng kaunti sa pamamagitan ng aking matalik na kaibigan pero nakikigamit lang ako ng piano sa kanila hehehe, ngayon may electronic organ naman kami pero di ko na rin tinutugtog....ibang organ kasi ang gusto ko sana......hmmm bamboo organ sana no! hahaha5. Noong unang dating ko sa US, sa sobrang pangungulila ko, natuto akong manahi ng "cross-stitch" pero ang nagawa ko ay simpleng si "tweety" lang, di ko na kinaya ang mga mala anghel na mga disenyo .......hay hanggang tweeter na lang yata ako talaga hehehe....tweet na lang ng tweet6. Noong napunta kami sa Hawaii, bumili naman ako ng ukulele( tamang bigkas ayon sa mga taga Hawaii ay: u as "uu" sagot ng mga nagtitext kung oo o hindi ang tanong, ku-le-le ang "u" ay hindi binibigkas na you, kuha mo? hahaha7. At nitong wala na akong trabaho, naisipan kong gumawa ng blog...ayun sinipag magpost, dalawang blog pa ang nilikha, nanalo ng top 10 sa PEBA 2009 lalong sinipag magpost, pero ngayon halos isa sa isang buwan na lang ako magpost ng blog.....wala na kasing nagcocomment sa post ko e hahaha, nagsawa na sa hula ko, corny kasi e hehehe.Bakit kaya ako ningas kugon? Y??Eto pa, nagtayo ako ng resto ko, pero nagsawa din ako, napabayaan ko na rin.....bumili rin ako ng ekta-ektaryang lupain para ipabungkal sa mga magsasaka para makatulong sa paglago ng kanilang sakahan pero.... iniwanan ko rin at ngayon balak kong maging mayor, kakayanin ko kaya??? Hay grabe kaka adik talaga ang mga larong yan sa Facebook! Na adik kasi ako sa Farmville, Farmtown, Restaurant City at ngayon eto inuumpisaha[...]



HULA SCOOP: May Mga Lugar Kang Hindi Binibigyan ng Pansin

Wed, 06 Apr 2011 22:06:00 +0000

Bang bang bang, tunog ng mga barilHULA: May mga lugar kang hindi binibigyan ng pansin na simula ngayon ay mapapansin mo na rin. Hindi mo lang alam kung ano ang mga ito na hindi mo napapansin noon na papansinin mo na nga ngayon.SCOOP: Napag isip-isip n'yo ba na may lugar kayong "ini-echa pwera" n'yo na meron palang kabuluhan sa pagkatao o buhay n'yo?? Dami kaya, sige ibabahagi ko sa inyo ang ilan tapos kayo na bahala sa iba.------------------------------------------------------------------MGA LUGAR NA SA TINGIN KO AY KSP ("KI"NULANG SA PANSIN)1. Kung saan ka lumaki o pinanganak- naisip nyo ba na kunan ng larawan ang lugar n'yo noong bata pa kayo? Ako naisip ko lang ngayon dahil uso na facebook hehehe, pwede na magbida...at pwede na magshare ng mga old memories.....then tag dito tag doon ng pictures hehehe, yun ay kung may ipagmamalaki ka sa lugar nyo. Naisip ko nga e kung saan ko naitago ang mga pictures ko na kuha kung saan ako lumaki. Pinagmamalaki ko naman ang lugar namin kahit pa hindi maganda ang bahay namin kahit gutay-gutay na ang pinto. Teka pinto nga lang yata ang makikita sa bahay namin e hehehe gutay-gutay pa.2. May maituturing ka ba na iningat-ingatan mong picture na may kuha sa tapat ng school nyo? Kung may kuha ka man, binigyan mo ba ito ng pansin? Ako, wala lang....background lang yun school pero ako pa rin ang bida sa picture no hehehe. E ngayon hinahanap ko kung meron ba akong kuha ng picture ng mga school ko, lam nyo na pang "fezbuk" baga hehehe.3. Naisip mo ba noon na bumisita sa isa man lang probinsiya o isla na malayo sa bahay ninyo at tapos magpa picture ka sa mga magagandang tanawin? Ngayon uso na to! Salamat sa internet, sa cellphone, sa digital camera at sa fezbuk uli at kung super hi-tech ka na salamat na rin sa DLSR camera hehehe. Parang lagi na natin bitbit ang mga gadgets natin tapos magpakodak-kodak ba.....kasi nga may facebook na no at meron ng blog pa, isa pa yun! Magpopost ng mga pictures para ishare, kung saan-saan na nakarating na lugar, pero dati ba naisip natin ito? Sa totoo lang, mas marami pa akong napuntahang lugar dito sa US kesa sa Pilipinas, kasi naman noon nasa Pilipinas pa ako ni pamasahe nga sa bus pahirapan pa kung saan hahagilapin, yun pa kayang magtravel papuntang Cebu o Palawan no?? ni hindi nga ako nagla lunch sa school para lang makatipid e, hayyy buhay nga naman parang buwan, bilog hahaha. Di bale pagdating ng panahon o bullet day mapapasyalan ko rin ang Cebu, Palawan, Bohol at mga scenic views, isa yan sa mga pinaplano ko pag-uwi ko uli ng Pilipinas, "tangkilikin ang sariling" atin ika nga.4. Eto pa, alam niyo ba kung saan lugar ang Zapote at ano ang mahalagang kasaysayan nito?? Ehem, history naman tayo hehehe. Hindi yan kapote ha na sinusuot sa ano... sa katawan, para di ka mabasa hehehe.... ako tanda ko lang sa Zapote nakikita ko ito sa sign board ng mga dyip sa tin, sa may bandang Las Pinas yan e. Pero parang di ko pa ito napuntahan, nasakyan ko lang yata ang dyip hehehe. Ano naman kinalaman nito sa topic ko? Wala lang, blog ko to e so pwede kahit anong segway ko di ba? hehehe. Wag na kayong kumontra....at walang aangal. Teka, ito pa di ba ninyo alam na may kaugnayan si Emilio Aguinaldo dito?? Yun tinatawag nilang "Battle of Zapote." Eto ang chismis, si Emilio daw ang namuno sa laban na ito di ko lang alam kung totoo ito ha, hehehe. Ang alam ko lang, pininta ng pamangkin ko ang mural ng "Battle of Zapote" na matatagpuan sa Gen. Emilio Aguinaldo Museum sa Baguio hehehe. Salamat sa pamangkin ko, nalaman ko na meron palang Battle of Zapote hehehe parang absent yata ako yan ng tinuro sa kin ng teacher ko e hahaha. Kaya tara na ating puntahan ang museum na ito.....teka kayo lang pala di[...]



HULA SCOOP: Marami Kang Malalaman Na Hindi Mo Pa Nalaman Noon

Sat, 19 Mar 2011 17:29:00 +0000

Downtown Seattle, WashingtonHULA: Marami kang malalaman na hindi mo pa nalaman noon na ngayon ay inaalam mo na. Lalawak na ang iyong kaalaman basta lang alamin mo ang mga ito.SCOOP: Sa mga natutunan mo sa buhay at anuman ang iyong mga pagkakamali ay itutuwid ka nito sa tamang daan ng iyong buhay. Dito pumapasok ang bago mong kaalaman, korek ba? korek!! Hala alamin mo na no!-------------------------------------------------------------Maglalabing limang taon na rin pala ako umalis ng Pilipinas, 13 taon sa bansang America at dalawang taon sa Japan, marami na rin akong natutunan dito sa US lalong lalo na pagbigkas ng ingles.Anu- ano ba ang mga natutunan ko dito na mali ang pagkakaalam ko nang nasa Pilipinas pa ako??1. Akala ko noon, ang bag at bug ay homonyms...hindi pala! ang bigkas ng bag ay medyo mahaba na may halong arte at yun bug naman ay pabigla as in kablag na parang may sumundot sa pwet mo at nagulat ka hehehe.- Mga ilang linggo palang ako dito sa US nang magtanong ako sa cashier, "Miss do you have an extra bag?" ang sagot sa kin ay "I'm sorry, what was that again?" so sagot naman ako, "Bag so I can put my other clothes there" at sagot naman ng bruha, "Ohh did you mean "baaag?" sabi ko naman "Yes, baaaaag!" (bruha! hehehe) Bakit nahihingi kaya ang bug?? luko-loko talaga ang bruha! Hindi ba niya makuha sa sentence ko?? hello?!!2. Ang bank at bunk ay hindi rin homonyms, wala rin pinag iba yan sa bag at bug. Kaya pag magbibigkas kayo ng bank dapat may arte na rin na parang "bennnk" kundi hindi ka maiintindihan dito. Akala nila bunk ang sinasabi mo.3. Huwag kang magtatanong ng kung nasaan ang CR nila dito, dahil tinanong ko rin yan nun unang dating ko sa airport di nila naintindihan, so sinabi ko na malumanay na ...."CR as in comfort room" hay di pa rin nila ko naintindihan kaya sabi ko na lang "How about toilet???" anak ng tinapa di pa rin ako naintindihan!!! Hay hinanap ko na nga lang at ayun nakita ko ang sign "Rest Room!!" Pahingahan pala ng sama ng loob hehehe.....kaya mula nun di ko na ginamit ang buset na CR at Toilet na yan wala palang pakinabang dito. Ingles na nga di pa rin maintindihan!4. Ang salitang "arrive" ay di nila ginagamit dito, ang iba di yata naiintindihan yan. Tanda ko nun sabi ko "What time did you arrive?" ang tanong sa kin "What did you mean?" Hmmm di nila pala ginagamit ang word na yun para bang sa tagalog ehh napakalalim na salita na sa kanila yun. Ang gamit nila ay "come" or "get" kagaya ng "what time did you get in here?" or "what time are you coming in here?"5. Ang sundo ay "pick up" at hindi nila ginagamit ang "fetch." Kagaya ng "I will pick up my kids later today."6. Ang "hatid" ay "drop-off" at hindi accompany.7. Ang "often" ay hindi pala silent "t," anak ng pating yun titser ko tinuro sa min silent t ang bigkas ng often as in "ofen" yun pala of-ten pa rin, bakit ganun?? Sino bang mali, ang titser ko o ang titser ng titser ko??8. Ang bigkas ng "tube" ay "toob" parang tu-ba at hindi "choob" tawanan ka pa nila dito! hehehe kaya pag sinabi nyo ang "youtube" siguraduhin ninyo hindi ito "you choob" bigkasin ha, ok ulitin nyo, basahin nyo uli hehehe. Walang pinag-iba yan sa tulip, paano nyo ba bigkasin ang tulip? chulip o tulip? syempre tu-lip , ganun din ang tube hehehe.9. Huwag kang magsasalita ng malakas dito na winawarningan mo ang anak mo at sasabihin, "Madapa ka"....dahil ang "madapa ka" tunog ng "Mother F***ker sa kanila hehehe.10. Ang salitang "aso" pag narinig ng mga Amerikano ay napapalingon sila kasi akala nila minumura mo sila na "As*hole" hahaha, pagpasensiyahan nyo na sila mga bingengot kasi sila e.11. Ang madalas sabihin ng mga Pinoy na pag di nila naintindihan ang kausap nila[...]



HULA SCOOP: Tatapusin mo ang naumpisahan mo nang gawa

Mon, 14 Mar 2011 21:18:00 +0000

(image) O tukso layuan mo ako!



HULA:
Tatapusin mo ang naumpisahan mo nang gawa, ang problema mo lang kung saan mo uumpisahan ang nasimulan mo, na hindi matapos-tapos sa simula palang.

SCOOP: Dapat talagang tapusin ang naumpisahan mo na dahil hindi ka magwawagi kung hindi ka mananalo hehehe, labo ko talaga! May tawag diyan e....."palabra de honor" o "may isang salita," yan ang magpapalaya sa inyo! Naks naman.

-----------------------------------------------------------

Kahulugan ko:

Palabra de honor- matinding paninidigan na nangangahulugan ng "may isang salita," yan ang natutunan ko kay Eddie Garcia mula sa pelikula na "Palabra de Honor" hahaha

Ano naman ang kaugnayan nito sa hula ko?

Well kung may palabra de honor ka, at nangako ka sa isang bagay o gawa na tatapusin mo, dapat tatapusin mo talaga! Diyan ko iniugnay ang hula ko kahit baluktot pilit kong tinutuwid na iugnay ito hehehe

Ano naman kinalaman nito kay Sards?

Tatapusin na ba ni Sards ang pagbablog niya?? Hmmm (esep-esep) oo nga no?? Actually, hindi po! Ngayon ko lang naisip yan tanong na yan pero sa ngayon, sasagutin ko yan na hindi po talaga. Actually, si Sards may palabra de honor, sineseryoso ang pagpapapayat hehehe...yun ang totoo! hehehe...remember yan ang New year's resolution ko, sana nga lang pumayat ako huhuhu

Bakit ko ba naisipan na magdiet na??

1. Mataas ng konti ang cholesterol ko, nasa borderline na
2. Kulang ako sa Vitamin D, pahamak na Washington state to e, hindi kasi umaaraw dito hindi man lang ako nadadantayan ng sinag ng haring araw hehehe
3. Hirap na akong magsintas ng sapatos pag nakaupo ako hehehe
4, Hirap din akong maglagay ng snowboard shoes ko sa snowboard ko, tumatagaktak na pawis ang inabot ko bago magsnowboard.
5. Higit sa lahat sinabihan na ako ng asawa ko na tumataba na ko waaaaaaaaaaaaaaaaaaa, ang sakit sobra akong nahurt huhuhu (masakit tanggapin ang katotohanan pero...totoo! waaaa)

Kaya eto, hindi na ako masyadong nakakapagblog, panay ang exercise at workout ko, zumba dito zumba doon, giling dito giling doon, kembot dito kembot doon hahaha......kaya pagpasensiyahan nyo na kung madalang akong magpost ngayon may palabra de honor lang ako hehehe

Pero may isa pa rin akong salita, hindi ko pa rin pababayaan ang blog ko.

Hanggang sa muling pagtutuos,
Zumba hehehe

















HULA SCOOP: Matututo Ka ng Ibang Bagay

Fri, 04 Feb 2011 20:25:00 +0000

Yipee ako yan, nagsnowboard ako! May naburn akong calories heheheHULA : Matututo ka ng ibang bagay na hindi mo pa ginagawa sa tanang ng buhay mo, kailangan mo lang pag-aralan ito ng husto.SCOOP: Bagong taon na, dapat bagong buhay, bagong pag-asa....at bagong pagkatao. Ano bang New Year's resolution ninyo? Alam kong malapit ng Valentine's Day pero kailangan meron muna tayong layunin sa taon na ito. Teka, ano nga palang pakialam ko sa inyo, KKB na lang! Kanya-kanyang Buhay hehehe.---------------------------------------------------------------------Huli man daw at magaling ay.....ok pa rin hehehe. Kaya kahit February na, go pa rin ako sa New Year's Resolution sa blog ko, anyway blog kko yata to hehehe. Kung bakit ba naman ang January ang laging nakatoka para sa New Year's Resolution, bakit di pwedeng December o kaya March? Natatandaan ko pa noong elementary ako, pagbalik namin mula sa Christmas vacation, yung teacher ko lagi kaming pinapasulat kung anu-ano ang mga New Year's Resolution namin kahit yata hanggang high school pinagawa pa rin sa min yun. Nakakasawa na!Dati ang New Year's Resolution ko ay "tumaba" bakit ngayon iba na ang takbo ng ihip ng hangin, pabaliktad na talaga, ngayon naman, "pumayat!" Ang nakapagtataka lang, parang taon-taon din iisa lang ang New Year's resolution ko pero wala pa ring pagbabago hehehe.Ang New Year's Resolution Ko:1. Pumayat!2. Pumayat pa rin3. Dapat akong pumayat talaga!3 in 1 yan! Pero kahit isa pa yan parang ang dami ko pa rin gagawin para magawa yan.Anong Kailangan Kong Gawin Para Pumayat?1. Iwasan ang itlog, mataas daw sa cholesterolhmmm pwede ba yun?? kelangan ko ang dalawang itlog!! lol. Eh bakit nun bata pa ako parati akong pinapakain ng itlog, sabi ng nanay ko kailangan ko raw yun, ngayon naman bawal?? ano ba talaga Kuya?2. Mag exerciseanong klase??? alam ko lang yun may "s" sa unahan ng exercise, hehehe joke lang! kayo talaga. Hay bakit noon bata pa ko, kahit di ako nag eexercise ang payat-payat ko pa rin. Hay di na talaga ako bata (asa pa hehehe)3. Iwasan ang maniano naman kinalaman ni mani?? kakainis namanYun mani daw may 6 calories isang piraso kaso kung kumain naman tayo, "sandamakmak" kaya kung naka 100pcs ka, 600 calories pala yun?? tama ba?? teka anong klase kayang mani yun? may buhok este may balat o basa? o tuyo? hahaha...4. Iwasan ang hotdognaman?? as in naman! why??? mataas daw ang cholesterol nito at maraming fats, hay favorite ko pa naman ang hotdog lalo na pag pinapasok...sa stick anong tawag dun? ahhh nakatuhog pala hehehe------------------------------------------------------------Ayoko na yatang pumayat ang pagkaing Pinoy kasi ay mayaman sa cholesterol hehehe....at hindi ko kailanman maitatanggi ako ay Pinoy (hahaha ang layo, basta may dahilan lang para hindi magdiet dinadamay pa ang pagka Pinoy hehehe) basta ako ang natutunan ko ngayon, marunong na akong magsnowboard, 400 calories ang nawala sa kin ng isang oras kaso pagkatapos magsnowboard, kumain naman ng malaking alimasag! ang sarap pa ng mga aligi! hehehe....hay buhay nga naman parang life...life is so beautiful ika nga.[...]



HULA SCOOP: Anuman ang pinaplano mo sa buhay ay matutupad na rin (Diary ng Aking Lolo- Part 8)

Thu, 20 Jan 2011 19:21:00 +0000

HULA: Anuman ang pinaplano mo sa iyong buhay ay matutupad na rin. Kailangan mo lang pagplanuhin ng mabuti para hindi ka mabigo. Kung mabigo ka man, ganun talaga may panalo may talo, at isa ka na dun.SCOOP: Paano ka nga ba magplano? Inuumpisahan mo ba sa bagong taon? o inuumpisahan mo sa huli? Ibang-ibang uri ng tao iba-iba rin ang basehan kung kailan at saan ang simula. Ang iba naman wala ng plano-plano basta pasok lang ng pasok kaya ayun dumarami......ang mga bata hehehe. Iba pala ang pinasukan hahahaha.Ako gusto ko may plano rin ako, para bang New Year's resolution, kailangan may baguhin sa mga bagay na dapat lang na baguhin hehehe. Kaya nga medyo nawala ako sa pagba blog ko ilang linggo lang naman, gusto ko kasing tapusin ang pag unpack ng mga gamit namin tapos saka ko raratsada ng pagba blog hehehe. Sa wakas, natapos na rin ang aking paglilinis konting ayos na lang ng mga frames at kurtina, ayos na ang buto-buto. Kaya eto pwede ng mag pa "petik-petik" sa facebook at blog.Kung kayo ay matagal ng taga subaybay ko, alam niyo siguro yun tungkol sa diary ng lolo ko. Sa aking paghalungkat, nakita ko na rin sa wakas, dahil sa pag-aayos ko ng mga "anik-anik" ko,nakita ko ito sa isa sa mga baul ko hehehe. Hanggang part 7 lang ang naipost ko noon sa diary ni lol, kasi nga di ko makita yun original na diary. At ngayong nakita ko na nga, gusto ko lang ibahagi sa inyo ang ilan sa new year's resolution ni Lolo, sana ma-inspire naman tayo niya.Mula sa Diary ng Aking Lolo:"The Past is the basis of Progress"What have we done during the last two years?1. That we were the victims of house rents in the total amount of ₱ 97.50 during our stay in Uncle's house at 319 Prudencio as of December 31, 1932. (Sards: Wawa naman pala sina Lolo)2. That we were always in a financial burden even incurring a debt in the chinese store in the sum of ₱ 6.oo every fortnight. (Sards: Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga makakaiwas sa Intsik, Mang Akong din ang pangalan nito hehehe, baka di pa uso ang bumbay nun hehehe)3. That our meager income of ₱40.00 was reduced to ₱39.20 since May 1, 1932. (Sards: Grabe ₱40.00, ang baba naman ng sweldo noon, pang text lang yun ngayon e)4. That as of December 31, 1932, we had saved only ₱1.00 in the People's Bank & Trust. (Sards: So may bangko pala noon na People's Bank & Trust, grabe piso lang nasave ni Lolo, isang text lang yun!)5. That family quarrels were not avoided as they ought to be. (Sards: Sino kaya may kasalanan parati?? Aminin Lolo! hehehe)Family Resolution for 1934Spiritual and Moral CultureIn order that we shall prosper in our present mode of living, we should never neglect under no circumstances our spiritual obligations. Experience reveals to us that no human being on earth can ever succeed in his endeavor without the Help and Guidance of the Divine Power. The grandest thing in this world of ours is the purification of our soul and character. For if our very conscience and soul are absolutely pure and clean, prosperity and Good Luck will always lead us in our path. And in order to acquire this, the following points must be observed daily:1. That we must always be CHEERFUL and CALM.2. That we must be always honest, courteous, kind and humble in all our dealings.3. That we must be always charitable to those who deserve our help and must try to do a noble act everyday.Sards: Galing naman ni Lolo may ganito pa siyang nalalaman, feeling ko napaka strict niya, talagang in black and white pa ang lahat hehehe.Pakibasa na lang yun karugtong, itong nasa baba na picture, tinatamad na [...]



HULA SCOOP: May bahagi sa puso mo na maawain...

Fri, 17 Dec 2010 19:41:00 +0000

Balai ni Mamay Private Resort Hot Spring sa Calamba, Laguna (dito kami nag outing)HULA: May bahagi sa puso mo na maawain, palakihin mo pa yan. SCOOP: Ang pagiging maawain ay likas na sa isang tao, siguro lalo na sa Pinoy, di ba? Syempre Pinoy tayo hehehe. Ang problema lang ay paano mo ito gagamitin sa tamang paraan at paano mo ito mauunawaan na awa ba ang umiiral sa'yo o katangahan na hehehe. ---------------------------------------------------------- Nang nagbakasyon ako sa Pilipinas nitong buwan ng Setyembre, ay nagkaroon kami ng munting salo-salo ng pamilya ng asawa ko, isang outing pagkatapos ito ng kasal sa selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng mga byenan ko. Nagpunta kami sa Calamba, Laguna kung saan sikat ang hot spring at mga private pool na alam naman natin na doon sila kilala.So madaling sabi, swimming-swimming, chika-chika, hula-hula, kain-kain at kanta-kanta lam niyo na di mawawala ang karaoke dun hehehe, nag overnight kami ng dalawang araw...ay gabi pala (kaya nga overnight e hehehe). Syempre pag may outing dapat may kainan din so kami ang toka sa pagkain, para makatipid (hehehe) pumunta kami sa "pamilihang bayan" (alam nyo ba ano yun?? hehehe). Matagal tagal na rin akong di nakakalanghap ng simoy ng imburnal este nakakaamoy ng amoy palengke, kaya ayun dun kami nagpunta. Nakakapanibago para sa kin pero sa mga tao na naroon eh walang pagbabago sa kanila hehehe, amoy palengke pa rin sila lol.Habang namimili kami ng hipag at byenan ko, may lumapit sa kin na batang babae, nag-aalok ng kalamansi. So naawa naman ako dahil sa madungis na ay nakayapak pa siya, bumili ako ng dalawang balot na kalamansi, 15 pesos isang balot na plastic. Maya-maya, may nag-aalok uli ng kalamansi, sabi ko nakabili na ako sa kanya, sabi naman niya hindi raw siya yun. Ngek di pala siya yun, ay napahiya pa ako, akala ko kasi siya rin yun pareho kasing madungis hehehe at parang magkamukha sila, so bumili uli ako sa kanya ng isang balot. Aba, maya-maya meron na namang lumapit sa kin, wala pa raw siyang benta so ayun naawa naman ako, bumili uli ako. Kahit di ko naman kailangan ng kalamansi huhuhu....sana nga that time may ubo ako para binili ko na lang lahat ng tinda niya hehehe. Anak ng kalamansi, di pa ako nakakalayo meron na namang kumalabit sa kin, at nag-aalok ng kalamansi uli sabi ko marami na akong nabiling kalamansi mukhang ngang magtitinda na ako ng kalamansi juice e sabi ko sa kanya at mas marami pa akong hawak kesa sa kanya. Hindi ko pinansin eh nangalabit na naman, sa loob-loob ko naaamoy ba nila ang galing ng ibang bansa at panay ang kalabit sa kin? amoy toblerone ba ko? hehehe (naks naman!)....so ayun naawa uli ako bumili uli ako sa kanya, mas mura pa 10 pesos lang, sabi ko sa nga sa kanya bakit ngayon ka lang nag-alok mas mura pala sayo (hehehe nanisi pa no). Sa loob-loob ko na lang, ano ba naman ang 10 o 15 pesos kumpara sa presyo ng kalamansi sa US. At least dito sariwa sa US madalang ang sariwa kalimitan nakalagay sa container at nakalabel na frozen "fresh" calamansi juice, frozen na fresh pa hehehe. Medyo marami-rami na rin kaming napamili, may tilapia, manggang hilaw, bagoong, itlog na maalat, kamatis (tsalap! tsalap magkamay!) at syempre dito ako nakabili ng 5 kilong lansones. Magkalimutan na lahat wag lang ang lansones ko hehehe. Ayun, sa pagod kakalakad, nauhaw kami at nakita ko ang buko juice. Favorite ko yun at sabik na sabik ako sa buko juice. So bumili kami ng buko juice pamatid uhaw. Nang sa di kalayuan na kami, may nangalabit na naman sa kin, batang[...]



HULA SCOOP: May Gusto Kang Makita Na Makikita Mo Na Rin

Thu, 02 Dec 2010 18:48:00 +0000

good luck sa kin sa pag-ayos ng kararating lang namin na mga gamit, sana mahanap ko ang hinahanap koHULA: May gusto kang makita na makikita mo na rin, maliban na lang kung naghahanap ka talaga nang gusto mo ngang makita (ang kulit!) na hindi mo pa nakikita.SCOOP: Kung nagbabasa ka ng hula ko ngayon, malamang iisipin mo kung may hinahanap ka nga, kung wala, babalewalain mo na lang ito, kung meron naman mangingiti ka na lang sabay sabi na "ay oo nga!"-------------------------------------------------Kahit na wala pa kong internet eh naghanap talaga ako kung paano ako makakapagpost ngayon, mali kayo kung hinuhulaan nyong nakita ko na ang hinahanap ko. Well, medyo medyo pala na tama kayo hehehe pero kung anuman ang iniisip nyo, nagkakamali kayo hehehe. So ayun, ginamit ko ang "My wi" application sa iphone ko para magamit ko ang wifi ng cellphone ko sa laptop ko (thank you sa aking anak na dalaga, galing mo talaga!! thank you na rin sa pag jail break ng iphone ko hehehe) dahil kalilipat palang namin sa aming bagong bahay (hay sa wakas!! mga 3 buwan din kaya kaming naka suit case lang, ang hirap no!)...so sa madaling sabi (hay naku ang dami ko pa kasing kwento hehehe, lam mo naman ako, dami intro hahaha)....wala pa kaming internet connection. Ayun "the end" hehehe wait hindi pa..... na feature po ako sa "The Kablogs Journal" (click nyo yan after magbasa ng post ko ha) para sa December issue. Kaya......pagkakataon nyo na masilayan ang gusto niyong "makita" na si Sardonyx hehehe (baka tanggalin nila kagad yun at baka amagin ang journal nila sa kin hahaha)!!! Teka hanapin nyo pala sa "spotlight" feature sa bandang kanan ng page yun feature article para sa kin.Salamat kay Nebz ng "Isla de Nebz" blog sa pakikipanayam sa akin (naks) sa pamamagitan ng email hehehe dahil sa magandang paglalathala ng aking buhay hehehe, siya po ang editor-in-chief at ang no.1 sa PEBA 2009 . Ang galing mo talaga Nebz, idol! At syempre sa bumubuo ng "The Kablogs Journal's" core team na sina Kenji Solis ng "Thoughtskoto," Charlie ng "Lord CM", at kay George ng "Palipasan." At sa iba pang editors, RJ, AZEL, Jess, atbp.Di ko na hahabaan ito at naubos na ang memory ng cellphone ko hehehe, bye!UKOL SA LARAWAN: Kuha mula sa cellphone ko, habang nag-a-unpack ng mga gamit ko (teka ano bang tagalog sa isang salita lang yun "unpack"? hindi naman impake kasi "pack" yun di ba?? hay naku bahala na kayo!). Naubos ko na ang maraming kahon na nakapatong-patong ng lagay na yan so malamang isang buwan ito bago matapos lalo na kung panay ang blog ko hehehe. Good luck for me![...]



HULA SCOOP: Maghahanap ka ng pagkakaabalahan mo

Mon, 15 Nov 2010 16:58:00 +0000

Congrats Manny!! (kuha este kinuha ko yun picture mula sa internet hehehe) HULA: Maghahanap ka ng pagkakaabalahan mo upang kahit man lang sa isang saglit ay hindi mo maalala ang nagpapalungkot sa'yo.SCOOP: Ubusin mo ang oras sa walang kapaparakang bagay para di mo maramdaman ang lungkot. Teka ano ba yang "kapararakang" na salitang tagalog na yan?? hehehe hindi ko rin alam, imbento ko lang hahaha ----------------------------------------------------- Dahil sa wala rin akong magawa, ako'y naglakbay sa youtube para aliwin ko ang mga fans ng blog ko (teka meron ba??) yun nga...wala nga kong fans kaya, maghahanap na rin hehehe.Ayun napunta ako sa mga videos ng laban ng idol ko na si Manny at naaliw ako sa mga comments ng mga tao, sila-sila nag-aaway sa laban ni Manny at ni Margarito, kaya eto ibabahagi ko sa inyo kung saan ako natawa, sana matawa din kayo: Mga Comments sa laban ni Manny vs Margarito: 1. I couldn't tell if margacheato was chinese. His eyes looked chinito after getting his face whooped. 2. Rice is mightier than corn 3. MarGAYito hahahah big mouth at first zzzzz cant handle the fist of pacquiao? since when did you get that sausage on your eyebag margayito? haha 4. Whos da puto now ?!! haha margarita deserves it haha from mexican to chinese hahaha also now i know margarita is a cheater because after the fight he has 3rd eye hahaha 5. Poor margarito's face... hahahaha... that will be his christmas gift from manny's punches... happy holidays... 6. Yeah he can really take a punch and smart enough to throw a constant jabs. somebody should have told him that he has two hand. he threw left jabs the whole fight. what a dummy. 7. Manny Pacquiao really clearing the mexican boxers because he really wants to fight ZORRO 8. Margarito is very thankful to Pacquiao because pacman opened margarito's 3rd eye hehe :) 9. Indeed.. loud mouth like brandon rios.. shame on both of you.. PUTO de Kutchenta.. 10.He's now called the "TIJUANA TORTILLA" 11. Gayweather shit his pants while watching pacquiao vs margarito fight and eating kfc...coz he does chicken right...lol 12. TO TO, TO TO TO, TO TO TOTOMATO FACE... 13. Pacquiao is the MEXICUTIONER!!!!! 14. Margarito should be really thankful that pacman gave him the chance to be paid as "punching bag" for 6million dollars...ur an expensive bag amigo...hahhaa..well i cd laughed at you now and this is the right time for me to pick on your street character mal educado mentalidad...now who is the puto like u said on tv?u'r such a poorboy but you have a braveheart...let me call u braveheart...hehehehe 15. D face of margarito become pizza margarita hahahahaha 16. Margarito is a PUTO and "puto" in the Phils. is a small cake, so pacman ate margarita 17. President Obama wants to know if they can build a huge Manny Pacquiao statue to scare off Mexicans from illegally crossing the US border :)) 18. Isang congressman nambugbog ng mexicano hindi na kulong hahahaha peace we love you manny eto ang matinding nag-away at nagsagutan: palacioatir: wild beast o mabangis na hayup talaga itong si pacquiao(manny) sana makasama niya ang diyablo ang mabangis na hayup(ravening wolf) sa lawa ng apoy at lahat ng masasama na itatapon doon maliban na kung magsisi.kasi ang isasama ni GOD THE WORD JESUS CHRIST sa KAHARIAN NG AMA NIYA ay yung Mga parang Tupa o mga Righteous Man na Maaamo.kasi si CRISTO hindi kailanman nanakit ng Tao nung nandito pa SIYA sa lupa bagkus SIYA pa ang sinak[...]



HULA SCOOP: Ingatan mo ang iyong kinakain

Fri, 05 Nov 2010 05:20:00 +0000

lechong mamoy ni Pingping-------------------------------------------------------------HULA : Ingatan mo ang iyong kinakain, mag-ingat sa mga taba at maalat, high blood malamang ang iyong katapat kung di ka papaawat.SCOOP: Bakit nga ang maraming Pinoy laging sakit ay ang alta presyon?? Kasi naman ang ating pagkain ang number one na promotor!! Hmmmm bahala na si Ironman basta ako, mamamatay sa pagkaing masarap hehehe-----------------------------------------------------------Natapos na rin ang bakasyon ko sa Pilipinas, pero di ko maiiwasang kumain ng mataba at maalat, so talagang swak na swak sa akin ang hula nito (obvious ba?) hehehe, kaya eto na, ipapatakam ko sa inyo ang aking pinagsawaan.pritong gagamba ng congo grille hahaha (pritong alimasag ba to o talangka?? basta masarap siya!)ensaladang mangga na may bagoongmagellan landing ng seafood islandanak kong nagkamay sa loob ng seafood island restaurant hahaha---------------------------------------------------------At ang pinagkaabalahan kong prutas, 5 kilong lansones, inubos ko! hehehe siguro naman makakabawi na ako dito sa mga kinain kong maalat at matabatsalap!!! my peborit![...]



HULA SCOOP: Mararamdaman mo ang kirot sa iyong puso

Wed, 27 Oct 2010 14:56:00 +0000

Pansamantala naming tinitirhan (Air Force Inn)HULA : Mararamdaman mo ang kirot sa iyong puso, kahit na pilit mong pasayahin ang ibang tao, hindi pa rin maikakaila ng iyong puso ang pighating nararamdaman nito.SCOOP: Ano ibig sabihin ng hula?? E di malungkot ka, di ba? TH ka pa dyan as in "trying hard" na ngumiti pero di ka pa rin masaya. Naramdaman niyo na ba ito?? Hmm hula ko eh..."OO" lahat tayo ganyan, weather-weather lang yan as in "pana-panon" lang talaga natin yan hehehe, ang malungkot nito, panahon ko ngayon hehehe.--------------------------------------------------------------Bakit ako malungkot ngayon?1. Nandito na kami sa Washington, US. Bagong lugar, bagong kultura, bagong kapaligiran.....walang mga kaibigan. Mabuti meron isang pamilya na kaibigan namin na nagpapasaya sa min.2. Namimiss ko ang Japan, wala na akong nakikitang mga tao na nagba bow sa akin tuwing papasok at lalabas kami sa restaurant o mall. Wala na rin nagba bow sa tuwing pinapadaan ko ang mga taong nasa harapan ko tuwing ako'y nagmamaneho sa mga intersection. Miss ko na ang mga magagalang na Japanese!3. Wala na naman akong work, mag-aapply na naman ako! Pahirapan na naman ito!4. Nakatira pa rin kami sa temporary lodging hanggang makakita kami ng matitirhan. Nabubuhay kami ngayon sa maleta lang in other words, we are living in a suitcase, ika nga, naks ingles yan ha!! hehehe5. Ang bagal ng internet dito, di ako makapaglaro ng restaurant city hehehe at di ako makadalaw sa mga peborit kong blogs kasi maghihintay ako ng mga 20 minuto para lang dalawin ko ang sarili kong blog. Buti na lang mabilis ng konti sa facebook hehehe.6. Namimiss ko ang pamilya ko sa Pilipinas, matapos ang mahigit tatlong linggo namin bakasyon doon, mas nararamdaman ko ang pagkamiss sa kanila.7. Birthday ng anak ko ngayon, Oct. 27 at 18 years old na siya!! Malungkot ako kasi hindi namin siya nabigyan ng debut party o kahit simpleng party lang kasi wala naman kaming maimbitahan dito sa bago naming tirahan, bagong lugar, bagong state at bagong bansa. Malungkot ako kasi dapat ito ang pinakamasayang birthday ng anak ko pero wala naman akong magawa para pasayahin siya....waaaaaaaaaaaaaaaa8. he he he, naramdaman nyo ba na kahit ang "he he he" ko ay parang hindi masaya?? Miss ko na rin kasi ang blog ko na puno ng comment ko sa hehehe9. Tumatanda na rin pala ako, magbibirthday na rin ako in two days, dumadami na naman ang uban ko, ang kati kaya nun! kakainis.PAHABOL: Next post ko sana mabilis na mag upload ng mga pictures, para maishare ko na sa inyo ang bakasyon namin sa Pilipinas at Korea! Miss you all, pasayahin nyo naman ako, magcomment naman kayo hehehe[...]



HULA SCOOP: Matutupad na rin ang inaasam-asam mo

Tue, 14 Sep 2010 15:13:00 +0000

(image)
HULA SCOOP: Matutupad na rin ang inaasam-asam mo sa buhay, kung gaano ka kasabik na malasap ito ay ganun din kasabik ang kaibigan mo at maging kaibigan ng kaibigan mo o kahit kakilala pa ng kaibigan mo.



-----------------------------------------

Parang super sikat yun "inaasam-asam" na yan, sino ba siya o ano ba yun?? hehehe

Basta ako natupad din ang "inaasam-asam" ko dahil......nandito ako ngayon sa "inaasam-asam" ko na makitang bansa (hulaan nyo kung nasaan ako hehehe, tignan nyo yun picture) at bukas pauwi na ako sa aking sinilayang bansa! hehehe

Yahooooo!!! Mga kamag-anak ko, ready na ba kayo??? Ay dapat pala baguhin ang tanong, "Sards ready ka na ba??"

Huhuhu, "gastos" na umaatikabo pero "super" saya ang feeling ko, dahil makikita kong muli ang mga mahal ko sa buhay! Saka na ang "kwenta" ang mahalaga talaga, IMPORTANTE!! hehehe

Malinaw man na malabo ang post ko ngayon, ang mahalaga, hindi malabo na malinaw, hahaha.

Sige na nga, hanggang sa muli and my adventure continues..........jejeje

Dalawin nyo na lang muna ang aking travelog sa kabilang pahina ng aking blog, so pano ba yan? ganun na lang muna, ganyan talaga, minsan kahit anu-ano pa yan, may ganun talaga hahaha (nababaliw ako sa kasiyahan!!)

PAHABOL: Makikita at mahahawakan ko na rin sa wakas ang trophy ko mula sa PEBA, excited na kong mapicture-an ang aking award, naks naman. At syempre kung sino man ang gustong sumali sa PEBA 2010, join na! click-click lang sa logo ko, ayos na ang buto-buto.