Subscribe: Kain Pa LinkBuilder na Matakaw!
http://kainpalinkbuildernamatakaw.blogspot.com/feeds/posts/default
Preview: Kain Pa LinkBuilder na Matakaw!

Kain Pa LinkBuilder na Matakaw!



Para mahanap ang mga pagkaing papatok sa panlasa ng ating bida. Halika at samahan ang LinkBuilder na Matakaw sa kanyang Food Adventure!



Updated: 2017-08-08T16:30:16.024-07:00

 



Tara, Kape!

2014-06-22T17:45:16.499-07:00

Coffee Lover ka ba? Mainit o malamig, kape ang hinahanap hanap ng panlasa? Halika, tikman mo ang ilan sa mga kapeng natikman ko dyan sa tabi tabi.Normal na listahan lang naman to ng mga coffee shop dito sa Metro Manila, pero meron din naman na sa sariling bahay mo lang ren matitikman. Kaya halika, samahan ang LinkBuilder na Matakaw sa mga inuming nakakapag-palpitate at sadyang acidic. :DSimulan natin sa kapeng damang dama ng panlasa mo. Folgers Coffee at Kitchen Fixin's Creamer. Masarap depende sa sariling timpla. Hahanap ka pa ba? Syempre yun nang ikaw mismo ang gumawa. Presyo: Libre kung padala. HahaHot Mocha with Chocolate Cupcake from Gigi - isa ito sa masasabi kong patok sa panlasa sa presyong abot kaya. Masarap kapag pinagsama lalo na bago simulan ang araw sa opisina. Bisitahin ang kanilang branch sa Eastwood City, Libis, Quezon City. Presyo: P75 para sa Hot Mocha.Masarap ang kape ng Mcdonalds kapag madaling araw na at sa mismong shop mo iinumin. Brewed coffee na maaari mong isunod depende sa panlasa mo. Hingi ka lang ng dagdag creamer at asukal (libre ito). Presyo: P25 Masarap din yung iced coffee nila, try it!First and last time kong uminom dito sa Bo's Coffee, masarap naman sya pero dahil wala silang branch sa Eastwood, hindi na ko nakaulit pang muli. Kung pagkukumparahin ang dalawang frappe na to, mas masarap yung order ko, which is Mocha Froccino Primo (P135.00) kesa sa Oreo Froccino Primo (150.00). So trust me, kung oorder ka, ask for my opinion first. :P Cafe de Lipa. Di na ko nakaulit dito, same reason: walang branch nito sa Eastwood. Pero kung may chance naman, uulit ako. Masarap sya, matapang. Kapeng kape kung tutuusin. Ano ito? Celleto Dark Mocha Grande that costs P115.00. Mura kumpara sa ibang coffee shops.Caffe Bene! Hot or Cold drinks, benta ito. Dahil nag enjoy ako nung first time ko dito, eventually, I had to came back and tried the same coffee, but this time I ordered it with cake. Mocha Espresso Based Frappe Large (P145.00), Hot Caramel Machiatto Large (P155.00), Mango Crunch Cake (140.00). Masarap sa Caffe Bene, and  I am looking forward to try other drinks and cakes and waffles and gelatos. :)Dairy Queen Drinks Selection. Syempre hindi lang naman ice cream na pwedeng baligtarin (Blizzard) ang meron sila. Meron din silang coffee flavoured drinks, though sa picture na to e sa akin yung Matcha Green Tea, natikman ko na ren naman yung iba nyang drinks. Among MooLatte's that I have tried are Cappuccino, Matcha Green Tea, and Mocha at P99.00 for a size of 12oz. Gonuts Donuts. More than just great donuts, but also yummy drinks from Highlands Coffee. Hmm, I've been to Gonuts Donuts for countless times and I do love their donuts. But I have to say that these treats tastes better when paired with coffee. Though Highlands Coffee is Gonuts Donuts' partner, you can also find a Highlands Coffee Shops in Manila. Iced Mocha Medium - P85.00 / Cappuccino Medium - P85.00Starbucks. Of course, ito pa ba naman ang mawawala sa listahan? Eh halos palagi akong nasa isa sa apat na branch nito sa Eastwood. Yes, 4 ang branch nila sa Eastwood, o baka nga lima pa. So far, favorite ko dito ang Mocha at Dark Mocha Frappuccino. Mocha Frappuccino Grande (P155.00) at ang Dark Mocha Frappuccino (P185.00). Isa pa pala sa paborito ko na bihira ko lang maabutan ay ang Mocha Cookie Crumble Frappucino. Java Jazz Cafe in Tagaytay. Haha. Sabi ko, mga kape sa Metro Manila lang pero umabot tayo ng Tagaytay. Bonus Round! Ito ay ang Java Mocha Frost (P99.00). Masarap sya at masarap sanang balik-balikan. Bukod na maganda ang shop dahil sa kakaiba nitong design at aura, mabait ang crew at welcoming ang ambiance. Bukod dito, ito pa ang ilan sa mga food shops kung saan nakatikim na ko ng coffee nila, pictures to follow na lang po :)UCC CafeCoffee Bean and Tea Leaf (CBTL)Seattle's BestCravingsKung hindi ikaw yung taong mahilig mag kape, siguro subukan mo naman. Sasamahan pa kita at sabay tayong mag-discover sa pinaka masasarap na kape dito sa lupang ibabaw. Until next time, mga Tea naman :)[...]



Balboa Pizza, Pasta & Steaks sa Shangri-La Plaza

2014-02-20T10:21:55.531-08:00

Semi fine dining restaurant ba ang hanap mo? Halika at subukan mo ang Balboa Pizza, Pasta and Steaks Restaurant na matatagpuan sa Shangri-La Plaza, Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Ito ay pinamumunuan nina Ricky Laudico, Marvin Agustin at Raymund Magdaluyo. Kelan lamang ng dayuhin ng ating LinkBuilder na Matakaw ang kainan na ito. Dala na rin ng paghahangad na makakain ng Pizza. Sa ganda ng ambiance at dating ng Balboa, siguradong mapapaisip ka sa lasa na kaya nilang ihanda para sa'yo. American-Italian ang peg nito. Halatang mayayaman o may kaya ang kumakain dito. Nasa 300 pataas ang isang putahe. Pero.. siguradong sulit ka naman! Dahil specialty ng Balboa ang pasta, pizza at steak, syempre sinubukan namin ito. Maliban sa steak dahil mahal. :) Pepperonni with Calamata Olives and Anchovies Pizza, Baked Ziti at Italian Sausage Pesto - ilan lang yan sa mga makikita nyo sa aming lamesa ng gabing iyon. Sabi ng kasama ko, masarap daw ang baked ziti nito, at ako, bilang tagahanga ng baked ziti mula sa iba't ibang resturant ay hindi na nagpatumpik tumpik pa. Sa kabuuuan, sulit ang pagkain sa Balboa, nakakabitin sapagkat hindi ko nasubukan ang iba gayong kakaunti lang rin naman ang pagpipilian. Nalito kasi ako sa pangalan, buti na lang may picture yung menu. ;P Isa pang napansin ko dito, nakakailang mag picture ng mag-picture, wala naman kasing nakalagay sa ulo ko na "Food Blogger Ako!". Kaya nang makakuha ng pagkakataon, nakunan ko ang dapat na makunan. :D Nakakapanghinayang rin na hindi ko nakunan ang itsura ng restaurant mismo.Para sa inyong LinkBuilder na Matakaw, makakapagbigay ako ng 9 sa 10 thumbs up para sa Balboa Pizza, Pasta & Steaks! Masarap balikan. Kumpara sa Bigoli, mas gusto ito ng panlasa ko, ayon sa inyong LinkBuilder na Matakaw. Pero mahirap ikumpara sa Italiannis na isa ring Italian Resturant. Para sa inyong lingkod, babalik ako rito para sa steak at sa kung ano mang dessert na maari kong matikman.[...]



Project Pie: Everyday Artisan Pizza Custom Built by You

2014-02-18T08:42:42.645-08:00

(image) Sawa ka na ba sa tipikal na Picha Pie (Pizza Pie) na nakakain mo? Gusto mo bang gumawa o magpagawa ng sarili mong Pizza? Tamang tama! Ang pasikat na pasikat na pizza parlor na ito ang nararapat sayo!

Iilan pa lamang sa mga lugar sa Pilipinas ang mayroon franchise nito, marahil ay tinitignan ba ng iba kung magki-click. Ito at ang Project Pie: Everyday Artisan Pizza Custom Built by You. Pangalan pa lang, siguradong mapapaisip ka na! Pizza, sarili mong disenyo ng ingredients, sariling pagpili ng sauce (white or red), ano pa bang hahanapin mo?

(image) Hindi ko alam kung tama ba ang naging panlasa ko sa unang bisita ko sa Project Pie, gabi na kasi at inaatok na talaga ako. Pero ang natatandaan ko, matapos ko itong matikaman, naikumpara ko ito sa CPK (true love pizza parlor). Ang Pizza ng CPK, masasabing mo "ito na", iyon na ang Pizza na hinahanap mo, pero ang Project Pie 0- may sarili itong panghakot sa mga tao.


(image) Masarap ang unang tikim ko rito. Pumili ako via numbers. Pinili ko number 2 na binubuo ng Pepperoni, Italian Sasage, Crumbled Meatballs, Mozzarella, Our Signature Red Sauce at Garlic bilang mga sangkap. 

Pizza lang ang nakain namin, bukod sa wala pang sahod eh ginagabi na ren naman kami. 

Sa ngayon, pinapangako ko na babalik ako sa Project Pie. Upang mabigyan ng mas maayos na review ang
kainan na ito.

Thumbs up sa gradong 6/10 para sa Project Pie ang hatol ng inyong Link Builder na Matakaw.

Order By Number: Pizza Number 2: 
(Branch: Eastwood, Libis, Quezon City)




Dencio's Inuman

2013-11-07T10:03:14.717-08:00

Byernes na naman ano? At dahil maulan, masarap uminom ng paborito mong alak sa paborito mong bar kasama ang mga paborito mong kaibigan. Ako nga pala ito, ang link builder na matakaw. Dahil tungkol sa inuman ang post na ito, ako muna ang inyong tagapanulat. :)Inuman ba ang gusto mo? Dun tayo sa abot kaya ng bulsa - lalo na kung nasa Eastwood ka. Saan pa, kundi sa Dencios! Masarap na ang mga pulutan, solb ka pa sa presyo. San Mig Light at Red Horse nga pala para sa bahay inuman na ito.Sa totoo lang, hapunan ang dahilan ng pagpunta namin sa Dencios, o maari ring sabihin na pakain mula sa aming Manager na huling araw na sa opisina. Masaya ang usapan, masarap ang pagkain at malamig ang pulutan. Ano pa ba diba?Ilan sa mga inorder namin ay isang bucket ng alak (una to, lasingero lang kasi) na may isang libreng pulutan. Sa isang bucket ata ay pede ka nilang  bigyan ng libreng pulutan na naayon lamang. Umorder din kami ng Pork Sisig, Bituka Sisig, Chicken Skin at Crispy Pata. Syempre hindi kumpleto kung walang malutong na pata hindi ba?Ang Pork Sisig. Hindi ako mahilig sa ganito, Siisg Hooray nga lang ang kinakainan ko, pero masarap ang sa Dencios. Nagawa ko pang ulam. Pedeng balikan kumbaga.Bituka Sisig. Ngayon ko lang nakita ang ganitong uri ng sisig. Masarap at bagay na bagay sa alak. Bago man ay talaga namang babalik-balikan mo sa bawat pagpunta mo sa Dencios. Para sa akin, thumbs up ang kainang ito. Pero kung may iba kang reaksyon, aba i-comment mo na yan. Para naman sa susunod ako na ang pupunta sa kainan at inuman na alam mo.THUMBS UP![...]



Pizza Hut Libis - The Compromise

2013-10-31T09:02:45.872-07:00

Naaalala nyo ba yung araw na sobrang nadisappoint ang ating Link Builder na Matakaw sa Pizza Hut Bistro Libis (Pizza Hut: Thumbs Down!)? Dahil sa sobrang tagal ng serbisyo nila ng araw na yun.

Makalipas ang ilang araw. May dumalaw sa ating bida sa kanyang opisina. Sino ito? Dalawang crew ng Pizza Hut. Isa ay lalaking manager raw, at yung isa, babae na kasalukuyan daw absent nang maganap yung badtrip na Pizza Hut trip nila (kaya raw kulang sa tao, may absent pala). Nagulat anf link builder na matakaw sa di inaasahang dalaw, kasalukuyan din kasi syang nakikipag-usap sa email sa isa pang manager sa Pizza Hut, Eastwood. 

May dalang isang box ng Pizza (Hawaiian) ang dalawang crew, humingi ng pormal na paumanhin at sinabing hindi na mauulit. Sa ngayon, napatawad naman sila dahil sa totoo lang, hindi yun maiiwasan sa isang kainan lalo na at dinarayo. Sa amin lang, sana sa susunod, mas pagbutihin ang serbisyo nila. After all, PIZZA HUT sila.. may pangalan na hindi lamang sa Pinas kundi magign sa ibang bansa.



Sa ngayon, di pa ulit sila kumakain sa Pizza Hut. Pero hindi nila sinabing hindi na sila kakain. Wala lang sapat na oras. :)

Para sa inyo Pizza Hut - Well done sa ginawa ninyong kompromiso at pormal na paghingi ng paumanhin. Thumbs Up ayon sa Link Builder na Matakaw! :)

(image)  Pizza anyone?




Ristotante Bigoli è Delizioso

2013-09-15T01:44:22.070-07:00

Ang ating LinkBuilder na Matakaw, walang kadala-dala sa Pizza Parlor sa loob ng Eastwood City sa Libis, Quezon City. Matapos ang nakakadismayang karanasan sa Pizza Hut Bistro, kasama ang mga kaibigan ant katrabaho, sinubukan nila ang Ristotante Bigoli, Eastwood Branch.Umorder sila ng 2 Abbondanza Gruppo Festa na talaga namang nakakabusog. Nagulat pa sila sa bilis ng serbisyo ng Bigoli dahil kasalukuyang lunch time iyon. Matapos umorder ay naghintay lamang sila ng mahigit 15-20 minutos hanggang sa makumpleto ang lahat ng kasama sa menu ng inorder nila. Mababait at nakakatuwa ang mga crew sa branch na ito. Isa sa natatandaan nila ay si "Joey" - babae siya na maganda at hindi naiinis sa tuwing may ilang bagay silang hinihingi tulad ng unlimited garlic bread. "Sa totoo lang, ito talaga yung pinunta namin", sabi ng LinkBuilder na Matakaw. Ang walang humpay na breadsticks! :DKung tutuusin, kulang ang kanin sa Abbondanza Gruppo Festa pero sulit naman sa 3 uri  ng spaghetti na kasama sa meal at malaking pizza. Wala naman akong narinig sa kanila na negatibong tugon tungkol sa Bigoli, natuwa pa raw ang grupo nila sa unlimited drinks of your choice na mkikita malapit sa lagayan ng spoon & fork. Ayon sa ating LinkBuilder na Matakaw - APPROVED ang Ristotante Bigoli, hindi dahil Italian sya kundi dahil panalo sa lasa at serbisyo dito. Babalik raw sya para sa ala carte order at unlimited breadsticks! :D Ang mga kasama sa Abbondanza Gruppo Festa:Bigoli's Supremo PizzaSpaghetti Bolognese Grande PlatterFettuccine Alfredo Grande PlatterSpaghetti al Pesto Grande PlatterStromboli10 pcs. Italian ChickenItalian RiceUnlimited BreadsticksUnlimited DrinksBisitahin ang https://www.facebook.com/RistoranteBigoli para sa mas maraming inpormasyon. [...]



Matakaw na Pusang Itim

2013-09-12T09:48:50.138-07:00

Kung hindi po ninyo naitatanong, ang ating LinkBuilder na Matakaw ay mayroong alaga na isang malusog na pusang itim. Ito ay isang Persian Cat na kamakailan lang ay nag-isang taon.Ano naman ang kinalaman ng pusa sa pagkain? Dahil ba nakatikim sya ng masarap na siopao at pusa raw ang palaman? Hindi po. Bilang pakita ng pagmamahal sa kanyang nag-iisang alaga, ito ay tungkol sa mga pagkain para sa isang matakaw na pusa.Hindi si Grafield ang topic ha. Hindi basta pusang matakaw, si Garfield na, marami po sila. Kinagisnan na ng pusang ito ang Whiskas for Kitten. Hanggang 6 na buwan ito lang ang paulit-ulit na kinakain nya, hanggang sa sinubukan ng ating bida na bigyan sya ng wet food pero Whiskas pa ren. Mabuti naman daw yun sabi nung vet nila, para hindi magsawa ang pusa. Mukang masarap ang pagkaing ito sapagbat wala pang 30 minuto mula sa pagkakahain at malinis na kainan na ang makikita mo.Sinubukan din nya ang Jer High na hindi naman nya nagustuhan kaya ibinigay na lang sa iba pang mga pusa. Hindi sa mapili sya, sadyang hindi lang nya nagustuhan ang inihain sa kanya. Mukang okay naman ang Jer Hiigh pero kailangan pa syang himayin para lumiit at makain ng isang kuting.Nang lumaon, sa Iams na napamahal ang pusang itim. Ito yung nakapagpataba sa kanya ang nakabawi sa timbang na nawala sa kanya.. Mas mahal ang Iams sa Whiskas pero higit na mas masustansya. Makikita mo na lang ang pusa mo na kusang lalapit sa kainan nya kahit kakakain pa lang para kumain ulit. Proven na isang matakaw na pusa!Huling ibinigay para magkaroon ng bagong panlasa sa dila ay ang pet milk. Dito nagkamali ang hinala na ang pusa ay mahilig sa gatas. Konting inom lang at hindi na umulit ang alagang ito. Dinadaan-daanan na lang nya ang gatas sa inuman nya at matutulog sya.Sa kabuuan ng lahat ng naipakain na ng LinkBuilder na Matakaw sa pusang ito, iilan ito sa napansin nya:Kung mahal mo ang pusa mo, mag Iams kaHindi nya gusto ang gatas, tubig langMas masarap daw kumain sa kamay ng amo kesa sa lalagyanApproved! Yan ang husga para sa mga pagkaing maibibigay sa ating mahal ng pusa o aso. [...]



Pizza Hut: Thumbs Down!

2013-09-15T01:44:53.228-07:00

Bakit nga kaya nasabi ng ating Linkbuilder na Matakaw na "Thumbs Down" ang Pizza Hut? Sa aking pagkakaalam, isa ito sa paborito nyang Pizza chain, kumpara sa Yellow Cab, Bigoli, Shakeys, Greenwich at Sbarro (promotion!). OO masarap ang mga nai-kumparang kainan, pero ang Pizza Hut ang pinaka paborito nya. Para sa kanya lang naman, kung mas masarap sa inyo ang iba, ganun talaga, magka-iba po kayo ng dila. :PMasakit para sa kanya na isulat ang post na ito. Mahal ng Linkbuilder na Matakaw ang Pizza Hut subalit hindi ito ang unang pagkakataon na meron syang mairereklamo para sa kanila.Ganito raw ang eksena habang nasa Pizza Hut Eastwood Branch ang Linkbuilder na Matakaw at ang kanyang mga ka-opisina (isipin nyo na ako sya):Kanina lamang ay excited akong kumain sa Pizza Hut para sa Super Panalo Value Meals promo nito. Sa halagang P99.00 ay makakapamili ka na ng lunch mo na may kasamang appetizer pa. Tandaan, isang orang lang ang lunch break. Hindi namin alam kung bakit sa Eastwood Branch eh sadyang napakabagal ng serving.Maraming nang customer at iilan pa lang sa amin ang nabigyan ng order. Maski nga ang Lemonade na inorder ko, delayed ang serving. Imagine, inumin lang yun. Nauna ang 2 mushroom soup (12 ata kami sa table at 10 ang may soup as appetizer), hangang sa 10 minuto pa ata bago maibigay ang ibang soup. Natapos na ang pagkain ng kanilang soup ng dumating ang ilan pang mga orders maliban sa order ko. Ako pa naman ang pinaka mabagal kumain sa grupo.Makalipas ang 30 minutes ng dumating yung appetizer ko which is Cheesy Garlic Bread, habang ang iba ay dumating na ang small pan of pizza. Naubos ko na yung tinapay ko, dumating na mga carbonara nila, yung chicken na kapareho ng order ko, pero yung sa akin ay wala pa rin.Mukha ng kong kawawa hanggang sa abutan na ako ng isang slice ng pizza ng manager namin. Nakumpleto na ang lahat ng order pero wala pa rin yung manok ko. Sabi nung manager nila: "Pababa na po". Iniisip kong naging itlog na lang yung manok ko. Sa amin lahat, ako yung hindi makakatagal ng hindi na-ra-rice. Sa amin lahat, isa ako sa matakaw. Tapos ako yung walang manok. Ang ending ay ipina take-out ko na yung order ko. 30 minutes na kaming over break. At dahil yun sa Pizza Hut. Nakakalungkot. Nakakadisappoint. 3 crew lang ata ang nakita naming nagseserve sa mga tao. Mababait sila kaso kulang sila.Ang hustisya namin? Ipina-deliver namin yung isang maliit na pizza order sa office. Isa pang epic fail. Sa pagkataranta nila, dalawang kutsara ang ipinabaon sa akin. :|Kaya sa Linkbuilder na Matakaw - Thumbs Down ang Pizza Hut.[...]



Halika Sa Red Ribbon Bakeshop

2013-09-11T10:02:16.580-07:00

Sa ating mga Pinoy, hindi na bago ang Red Ribbon Bakeshop. Halos lahat naman ata ay nakatikim na ng kahit isa sa mga cakes o produktong mabibili rito. Isa pa, hindi ka siguro Pinoy kung hindi mo ikukumpara ang sarap ng Red Ribbon sa Goldilocks. HahaWala naman masyadong espesyal sa kainang ito, sadyang paborito lang sya ng ating bida. Mababait kasi ang mga crew dito, masarap ang cake at panalo sa presyo. Noong bata raw sya, akala nya ay masyadong pang-mayaman to pero nung maglaon, napag alaman nyang hindi naman pala.Natutuwa ang LinkBuilder na Matakaw sa pagkain sa Red Ribbon dahil kapag bumili ka ng meal, may kasama ng isang slice ng cake na maari mong piliin sa kung ano ang available at drinks of your choice. Busog naman sa ganitong trip, wala pang 500 okay na ang sikmura kahit may kasama ka pa. Pan Grilled Chop - ito lang naman ang paborito ng Linkbuilder na Matakaw. Hindi sya malutong pero malasa. May kasamang atchara at sukang sawsawan. Dati may kasama tong pipino kapag inorder, hindi ko lang alam bakit wala na ngayon.Red Ribbon Classic Spaghetti - hindi to madalas isama sa order, pero dahil mahilig ang kasama ng matakaw sa spaghetti ay pinagsaluhan nila ito. Masarap ang timpla at hindi nakakasawa. Sa makatuwid, sa susunod mong kain malamang oorderin mo to ulit.Dun naman tayo sa free slice ng cakes. Triple chocolate cake at Black Forest. Dalawa sa mga ipinagmamalaking cakes ng Red Ribbon at kayang ubusin ng LinkBuilder na Matakaw. :D Triple Chocolate Cake SliceBlack Forest SliceSa huli, isa na naman itong masarap na karanasan sa ating Linkbuilder na Matakaw. Approved![...]



Ala Eh! Batangas Food Trip

2013-09-08T10:07:56.037-07:00

Sa Batangas ba ang susunod mong food trip? Ito lang ang maipapayo ko sayo. Huwag na huwag mong papalampasin sa iyong pagdalaw ang pagkain ng lomi at pag inom ng kapeng barako!Sa huling bisita ko sa Batangas, hindi ko pinalampas ang pagkain ng kanilang masarap na lomi. Nakakagulat na ang lomi kapag kinain, masarap pala sa toyo na may kalamansi. Bukod pa don, ang mga kumakain ng lomi dito ay humihingi ng isang pinggan kung saan magsasalin sila ng lomi at doon ito kakainin. Nakakatuwa na naranasan ng Linkbuilder na Matakaw ang pagkain ng lomi sa ganitong paraan. Masarap ang lomi sa Batangas, malapot, ma-itlog, masahog at malaki ang mangkok! Siguradong sosobra sayo kung mahina kang kumain at ikaw mismo ang susuko naman kung kalakasan ka! Kumpleto ren para sa akin ang pagkain ng lomi kapag may nakahain na malutong at maalat na garlic bread. Amoy pa lang, sigurong gugutumin ka na!Ang garlic bread sa nakainan namin ay simple lang. Hotdog buns ata yon na may kung anong pinahid para mag lasang garlic saka isinalang sa oven toaster. Ang ending, napasarap ang inyong lingkod! Haha. Ala e tinapay ga ang nakain eh! Pangalawa sa hindi ko pinalampas as ang kapeng barako - para sa mga matso [macho] haha. Sa totoo lang, hindi naman ako uminom ng kape doon, ipinagiling ko lang hanggang sa maging pino at maipasalubong ko sa bahay. Isang paalala at dagdag kaalaman na ren, ang giniling na kape (coffee bean), 'galpong' ang tawag sa Batangas. So, ang Batangas Food Trip ng Linkbuilder na Matakaw ay naging aprub! Sa susunod, goto at iba pang lutong Batangas ang ipapatikim nya sa inyo. [...]



The Red Crab Alimango House Eastwood

2013-09-08T09:21:54.463-07:00

Kung hindi niyo po naitatanong, ang ating Linkbuilder na Matakaw ay napakahilig sa mga alimango. Luto sa gata, iginisa o kahit simpleng lutuin lang, aba e papatok na sa kanya.Ngayong sabado, kami ay naghahanap ng maipapalit na kainan sa Sambokojin dahil sa ganap na alas-dos ay sarado na sila. Ala-singko y media pa raw maaring kumain ulit. Aba, malamang sa mga oras na yun, yung gutom namin e nagpang abot na.Sa mapulang kulay ng logo The Red Crab Alimango House sa Eastwood Mall nabaling ang aming atensyon. Hindi dahil bago sya, kundi dahil nakakagutom ang mga pagkaing nasa menu na inihain sa amin. Meron pa silang pagkain na nasa bilao na maaaring pagsaluhan ng 3-4 na katao.Sa huling desisyon, sa Red Crab kami kumain. Maganda at tahimik sa kainan na ito. Magagalang ang mga tao at palangiti. Sa paglapit ng tagakuha ng order, ipinalista namin ang isang bilao  ng seafood food na may kasama agad na isang pitchel ng iced tea, isang sinigang at isang plain rice.Ito ang plain rice nila. Kapag sinabi kong plain, literal na plain ang nasa isip ko, kaya nawindang ako na may kung anong berdeng gulay na ginawang glitters ang nakapatong sa ibabaw ng kanin ko. In fairness masarap naman sya. Aprub! Sa bilao naman ng seafood na mayroon ng maraming garlic rice, malulutong na crablets, inihaw na liempo, inihaw na pusit, inihaw na tilapya, talong, okra, itlog na maalat at hipon kung saan siguradong wala ka ng hahanapin pa. Makukuntento ka at malamang kung nag iisa ka lang, eh maumay ka na sa dami nito. Aprub ang salu-salong ito para sa tatlong katao. Ang sinigang na baboy mula sa Red Crab ang babalik-balikan ko. Aba sinigang yata yan! Masarap at maasim ang timpla. Mapaparami ka ng subo at higop sa sabaw na nakahain sayo kahit wala pang kanin. Solb ka na!Hindi man kami nakatikim ng alimango na syang main dish dito (dahil nagkakahalagang 1,500 mahigit ang 800g) sigurado namang babalik kami para matikman ang alimango espesyal nila. At ang natatanging luto sa Lapu-Lapo ang isa pa sa hindi ko na papalampasin.So, kung ikaw ay seafood lover at alimango ang hanap, ito ang mairerekuminda ko sayo: The Red Crab Alimango House. Pasok sa panlasa ng Linkbuilder na Matakaw, papasok ren sa budget kahit papaano. ;pKAIN Na!!!! :D[...]



Morning Rush with a Cup of Coffee and a Chocolate Cupcake

2013-09-08T09:25:27.019-07:00

How to start a great morning? Go to an ATM machine, withdraw some cash and visit the nearest cupcake house near your location.

This morning, I spotted Linkbuilder na Matakaw starting her morning with a cup of mocha and a delicious chocolate cupcake. Hmmm.. This could get her feel better and more energetic.



Want to try? Visit GiGi Cupcakes & Coffee located at Eastwood City, Libis, Quezon City, Philippines. You will surely not regret buying a piece of it!



Cupcakes: P40.00 and up
Mocha: P75.00 (small)


Thumbs up Linkbuilder na Matakaw for a sweet morning :)



LinkBuilder na Matakaw sa Sambokojin

2013-09-04T17:42:47.765-07:00

One is enough. Two is too much. I can hear our beloved friend - ang Linkbuilder na Matakaw saying that to herself. She's up to no good when it comes to Japanese-Korean-Taiwanese-Chinese-Foods. But at Sambokojin, something must have been changed. Visited twice with the same variety of fresh food to cook but different piece of heaven on the desserts. Sambokojin is a Japanese-Korean Grill All You Can Restaurant with a branch at Eastwood City. Delighted with different food to choose, our friend enjoyed the no-limit of time and food experience here.Choose among the fresh meat of beef (spicy, plain or sweet?), liver, salmon, shrimp and more. You can also find ideal Japanese-Korean food to grill. Sorry that I have no idea on what to call them. But to give you a hint, it seems that everything has something to do with bacon!Not just to grill. At Sambokojin, there are already cooked food like chicken wings on spicy sauce, Chapchae and foods I never imagined that LinkBuilder na Matakaw would eat. There are of course the main dishes such as crab sticks, sushi and kimchi. She tried crab sticks and she wouldn't dare to eat again. :PWhat our friend most enjoyed on this dining momentum was the desserts table. Full of cakes in different flavors. Its up to you if you want to slice thick or thin - depends on how gluttonous are you. There are also  sliced pineapples and watermelons. If you want ice cream, - you will definitely enjoy this table as well. With flavors like mocha, chocolate and strawberry, have a cup-full of ice cream with toppings of your own. Try Sambokojin right now and see for yourself that our own LinkBuilder na Matakaw has a delicious taste indeed. Approved![...]



Ang Pagdalaw ng LinkBuilder na Matakaw sa Eastwood

2013-09-03T07:18:15.197-07:00



Aba! Akalain mo, meron palang "Chocolate Festival" sa Eastwood Mall ngayon. Simula Setyembre 3 hanggang 8 ay siguradong magsisipagpunta ang mga chocolate lovers sa nasabing mall. Ano nga ba ang matatagpuan sa festival na ito?

(image) Malamang ay mga tsokolate. Pero ano pa ba? Ayon sa aking nakapanayam na sa isang linkbuilder na matakaw na nagtatrabaho sa Eastwood, meron daw masarap na Gelato - nagkakahalaganga P80.00 isang scoop (may kamahalan) at mga tsokolateng magpapagising sa katawang lupa mo - tsokolateng may sili! Aba the best ito! 

Meron ding libreng Koko Crunch na may gatas sa isang baso kapag pumila ka at nilagay mo ang mga impormasyon mo sa isang papel. Astig diba?

Kaya nga sa loob ng isang linggo, dumalaw na sa Chocolate Festival na ito. At ikaw naman LinkBuilder na Matakaw, aba KAIN pa! Tikman mo lahat. May FREE taste naman diba?