Subscribe: x marks the spot
http://juanekis.blogspot.com/feeds/posts/default
Added By: Feedage Forager Feedage Grade B rated
Language:
Tags:
aking  ako  ang mga  ang  celine  domeng  hindi  iyong  joey  kong  kung  lang  marlowe  mga  naman  niya  pag  wala 
Rate this Feed
Rate this feedRate this feedRate this feedRate this feedRate this feed
Rate this feed 1 starRate this feed 2 starRate this feed 3 starRate this feed 4 starRate this feed 5 star

Comments (0)

Feed Details and Statistics Feed Statistics
Preview: x marks the spot

X-sena



dula, tula, at mga kwentong laman ng haraya ni juan ekis



Updated: 2017-09-03T19:59:24.110+08:00

 



Memory Surgery

2011-05-17T01:55:34.012+08:00

anesthesia ang alak
sa pagbiyak ng utak
pagkat sabi ng duktor
alaala mo'y tumor



Libing

2011-04-12T05:08:05.596+08:00

Dumalo ako sa piging ng mga nagluluksang aninosa harap ng hukay sa tuktokng bumbunan kong tinutubuan na ng puting buhok.Matagal kong iniwasan ang ganitong tagpo.Pinangungunahan ng paring-babaylan ang pag-awitng agunyas na gawa sa mga punit-punit na tinigng ating pagpapaalam. Ramdam ko sa panginginigng boses ng mga anino ang alaala ng nagbibitakmong pakiusap na aking pigilansa pamamagitan ng mga tulaang pagkagunaw ng mundo. Ngunit mahal ko,paano kong itatapat ang purol ng aking talinghagasa talas ng katiyakan ng katapusan?Nilahad ng awit ng mga anino ang sandalingpagtatalik ng ating mga palad, ang pagbubulungan natinng mga ninakaw nating tula sa likod ng buwan,ang mga paglalakbay ng ating mga pagal na hiningasa labi, bibig, sa loob ng baga, sa loob ng kaluluwang bawat isa. Sa pagtatapos ng awit, pinaalalang paring-babaylan ang katiyakan ng pagiging sandali lamangng ating munting pag-iral sa haraya ng isa’t-isaat sa muwang ng daigdig.Ang hukay na ito ay pagtatangkang gawing imortalang paglipas ng kiliti ng iyong bulong, ng hapdi ng iyong haplos,ng kinis ng iyong mga luha, ng gaspangng mga yapos na hindi mo na maibigay mula sa kabilang-buhay,sa kabilang-ibayo, sa kabilang-katotohanang hindi ko magawang tulaan.Isa-isang naglatag ang bawat anino ng alingawngawng iyong mga himutok, ng iyong mga pakiusap,ng iyong mga pananambitan sa pagmamatigasng pag-ibig kong akala ko’y imortal.Wala akong maibulalas kundi ang paghingi ng patawadsa kahungkagan ng aking panulaansapagkat hindi nito kayang pigilanang kamatayanang katapusanang paghimbing sa libingan ng mga alaala.Sumunod ang mga anino sa hukayat patung-patong silang lumikha ng imahen ng iyong mukha—ang huling larawan ng pakiusap mong nangungulila,ang huling ngiti mong nagmamakaawanghawakan ko ang iyong kamaysapagkat nangako ako sa iyo ng mga tula ng pagpapaalamsa mga alaalang hindi pa natin nasisimulan.Dumakot ako ng lupa upang tabunanang hukay na sumasalamin ng aking karuwagan,at ng pangako kong ipinako sa krus ng pag-aalinlangan.Paalam.At patawad.Wala akong krus na maitatarak upang markahan ang iyong libingan,wala ring batong mailalagak upang ukitan ng iyong pangalan.Ngunit alam kong magiging puti ang lahat ng buhok ko kinabukasanat ang naaagnas mong alaala’y magiging pataba sa aking panulaan.[...]



Minsa’y Dinaratnan Ko Ang Iyong Anino

2011-04-09T16:28:17.690+08:00

Minsa’y dinaratnan ko ang iyong aninosa dati nating tagpuan. Sinisiyasat niyaang mga dating bakas ng ating yapakna tinubuan na ng makahiya. Nagdadalawang-isip akong lumapitsapagkat baka bigla itong umalissa kagyat na liwanag kong tangan-tangan.Hindi ko maaninag ang kanyang luha.Ito ba’y dahil anino rin itong nagkukublimula sa liwanag ng alaala? O dahil walasiyang naipong luha mula sa mga awit at dalitng pagdadaop ng ating mga palad?Minsa’y hinihinala kong ako’y kanyang sinusundansapagkat madalas ko siyang masumpungansa lahat ng mga dati nating nilalakaran.Siya ba’y lumilimot o nagbuburang nakaraan? Siya ba’y lumilikha na ng mga bagong aapakan?Minsa’y tinangka ko siyang sundansa pag-asang uuwi siya sa’yong kandungan.Ngunit pinigilan ako ng mga alaalang ‘yong ligalig at kapusukanat minumulto ako ng mga hinaka kong imahen na may kung ano’ngbagong halimaw na umiidlip sa iyong kandungan.Babalikan ko na lamang ang ating mga nilakaranat tatamnan ng mga bagong tayutay ang lupang ating tinapakan.Wala akong maididilig kindi mga panis na luhang panghihinayang. Baka sakaling maawaang lupa sa mumunting sustansyang hatid ng aking pangungulila,at aasa akong may uusbong na mga tula.Minsa’y dinaratnan ko ang iyong aninosa mga madidilim na sulok na ating dinayo;sa mga liblib na sentimiyentong pinagkublihannatin ng mga hipong sikreto, mga nakaw na halik,at mga kiming bungisngis. Di ko tiyak kungnaroon siya upang bawiin ang mga pangakongating iniukit sa dilim,o silipin kung pinuslit ko na ang mga lihim natinAt tuluyan nang inilibing.Aalis siyang walang dala,ako’y magtatago upang di niya makitaang aking pag-iisa. Minsan.Minsa’y naglakas loob akong lapitan ang iyong aninosa dati nating tagpuan, sa ilalim ng puno ng ligalig,sa kalibugan ng buwan, sa harap ng mga nangungutyang kuliglig.Kinuyom ko sa aking palad ang bitbit kong liwanagng alaala, nang hindi siya mabigla sa aking pang-uusisa.Siya’y aking tinapik nang marahan, tulad ng malumanay na pagdapong aking palad sa balikat mong pagod na sa pagbubuhat sa munti nating mundo.Siya’y lumingonat nagpakilalana siya’y hindi iyokundianino kong nagluluksa.[...]



Tula Para sa Sarili

2011-04-03T18:04:57.179+08:00

Nasumpungan kita sa harap ng salamin.Binabagtas ng iyong dalumat ang bawat bakat,bawat lamat at pilat ng tatlong dekadang paghahanapsa balon ng buhay na walanghanggan,na nakatato sa iyong noo, sa iyong pisngi, sa iyong mukhangtinatabingan ng iyong buhok na pinahaba upang matakpanang iyong mga kasalanan.Kay tagal nating hindi nagkita bagamat lagi tayong magkasama.Hindi madalas ang pagsisiyasat natin ng harayang isa't isa. Ngayo’y tinititigan mo ako na puno ng pag-aakusasa walang pakundangan kong pagpikit at pagbubulag-bulagantuwing tinatawag ang ating pansin ng mga salaming ating nadaraanan.Ano ba'ng dapat kong ikatakot, iyong pinagtataka. Bakit ganoon na lamangang aking panghihilakbot na lumaot sa karagatan ng salamin?Ano'ng mga halimaw at bakulaw ba ang hinahaka kong nag-aabangsa mga alon? Ano'ng multo, ano'ng maligno ang hinihinala kong nagtatagosa dalampasigan ng mga basag na liwanag? Hindi ba't ipinagkakait ko sa iyoang kalayaang sakupin ang aking daigdig sa pag-iwaskong sumulyap sa iyong mga mata?Nasumpungan kita sa harap ng salamin na iyong bintanasa aking haraya, at aking bintana sa iyo. Napadaan ako para mangamustaat basahan ka ng ilang mga tulang ninakaw ko mula sa ating pagkabata.Alam kong uhaw ka na sa mga talinghaga bagamat lagi kang basang liwanag sa karagatan ng repleksiyong basag-basag. Tinanong mo akokung ako'y takot pa ring makipagpalitan sa iyo ng pwestongunit ang tugon ko'y isang duwag na "lagi naman kitang kasamasaan man ako tumungo."Ang sabi mo'y ang mga bakat, lamat, at pilat ay di iyo kundi akin,at ako ang uhaw, hindi ikaw, dahil lagi kang basa ng alaala't pangarap.Hindi iyo ang sinisiyasat kundi ang mga sarili kong guhitng edad, mga titik sa noo kong sumisigaw ng mga tayutayna hindi ko ginagapos sa dahil sa takot, mga talinghagang hindiko hinahaplos upang magbagong-anyo at lumapat sa kaluluwakong pagal sa kaiiwas na magtampisaw sa iyong dalampasigan.Hindi kita nasumpungan, kundi sinadya. Narito ako para mangumpisalsa likod ng tingin mong mapanghusga. Narito ako para magpasintensiyaat sa wakas ay angkinin ang mga kasalanang pilitmong tinatakluban ng pinahaba mong mga alaala.Sinadya kita sa salaming bintana natin sa kaluluwa ng isa’t isadala-dala ang mga bangkay ng mga tulang aking pinaslanghabang hindi pa sila isinisilang—balot ng buntung-hininga’t panghihinayang.Ilalatag ko ang mga ito sa iyong harapan, sa walang-katapusang daang binuksanng pakikipagtitigan ng ating mga mata sa basag na liwanagat pahuhugasan ang mga walang buhay nilang basal na anyubogsa paro’t paritong mga alon ng mga hinarayang liwanag.Ibinabalik ko na sila sa iyong laot sa likod ng salaming bintanaat ngayo’y tatanggapin ang panghuhusga ng iyong mga mata.Sa pag-alis ko’y hinihintay ko ang iyong pag-abswelto.Ika’y ngumiti at ako’y inayang muling makipagpalitan sa iyo ng pwesto.Palasap naman ng hangin ng Laguna, ng hampas at sampal ng malamig na awitng mga ulap na sinasabayan ng indayog ng mga punong kahoy. Patikim namanng mga tulang may amoy, may porma, may lasa. Nais mong maintindihan ang metaporang natutunaw na chicharong bulaklak sa iyong dila habang naka-marijuanaang iyong konsiyensiya. Parinig naman ng panaginip ng buwan, ng bangungot ng araw,ng mga ninakaw na alaala ng kapre’t tikbalang. Paamoy naman ng pawis sa singit ng birhengtanaga, ng sangsang ng hininga ng bagong-silang na dalit, ng samyo ng bagong-paslangna malayang taludturan. Alok mo sa aki’y pagpapatawad kapalit ang mga ito.Nasumpungan kita sa harap ng salamin.Iminumuwestra mo sa aking mukha ang simbolo ng krus ng pagpapatawad,habang dumudura ka ng berso ng kapatawaran.Lumuluha ako ng duguang berso sa pagsisisi sa aking karuwaganhabang inaanod sa iyong dalampasigan ang mga bangkay ng tulapatungo sa walang-katiyakan. Handa na akong makipagtagisan ng lakas at talinosa anumang multo o maligno na nakatago sa ilalim ng mga dayandangsa iyong ibayo. Handa na akong sumiping sa sinumang bakulaw o halimawna nagkukubli sa iyong dalampasigan.Hindi ko babasagin ang bintanang[...]



Microfiction

2011-03-12T09:04:46.485+08:00

I just started these recently, to keep my motors running.

The mechanics: write a complete story in six words.

More to come...

1. Fighting insomnia, Aristotle dreamt the Poetics

2. Searching for drama, playwright hangs himself

3. Frog sues princess for sexual harassment

4. Fearing his impeachment, Herod solved overpopulation

5. For sale: True Love. Msg me.

Want to help me out? TA me a word (subject or a verb), ill turn it into microfiction. Here.



0 Comments

2011-02-08T14:15:58.138+08:00

(image)



0 Comments

2010-12-14T02:08:09.118+08:00

(image)
pag lumabas ito, bibili ka ba?



Updating my 30 List

2011-03-05T16:07:03.895+08:00

I have 4 months to accomplish everything! Goodluck sa akin.
So far, nasaan na ba ako? Mabalikan nga ang 30 list ko:

1. Shoot my own film - goodluck to me. a short will probably do. after my recovery. haha.
2. Win another Palanca - won for KBC: Samahan ng mga bitter!
3. Direct a Kultura play - i'm directing "Servant of Two Masters" for February
4. Finish a full length play - currently rewriting "zero" and "sais," also working on "eX: sampung kwento ng naunsyaming pag-ibig"
5. Finish a new musicale (Luna, prinsesa ng buwan) - this one i might do abroad.
6. Apply for any foreign grant to study abroad
7. Leave the country for a while - sana this christmas or before summer. singapore.
8. Fill up my sketch pad with drawings
9. Camp on a mountain - conquered Mt. Pulag last weekend! Sakit sa katawan!
10. Kiss someone I just met - not proud of this story but definitely one for the books. haha.
11. Kiss an old romantic flame - mas masarap pala pag bawal. haha.
12. Train in a martial art - i resolve to do boxing early next year
13. Work out / play basketball again
14. Write poetry again - trying but can't finish one.
15. Go hitchhiking / backpacking - JJ, help!
16. Raise ACASIA's first Million - malapit na.
17. Go on a vacation with my family - went to Macau last october.
18. Learn to paint - wiz already gave me my paint set, canvass and brush. now pick it up!
19. Relearn the violin
20. Learn a foreign language
21. Apply for my PhD
22. Stage a new original that I wrote - i hope to stage KBC this march.
23. Say "I love you" to people I couldn't say it to
24. Publish a book (of plays?) - tatlong utos quotable quotes???
25. Finish my thesis - working on it.
26. Finish a full-length screenplay - finished one for jourdan. an action comedy
27. Write a graphic novel
28. Write a new song
29. Enter cinemalaya
30. Fall in love

shet. 23 to go.



Artistang Artlets presents

2010-12-03T13:53:22.660+08:00

(image)

Pagkatapos mong kiligin sa "Twenty Questions,"

tikman mo naman ang pait.

Panoorin ang kauna-unahang buong pagtatanghal ng Kapeng Barako Club.

(siyempre abangan nyo rin yung version ko sa February)

Kita-kits!




Unang Tula

2010-09-11T19:19:01.055+08:00

(para kay alex)


binasag mo
ang pananahimik ng aking tula

upang hanapin ang pag-ibig sa pagitan ng mga berso
at salatin ang gaspang at kinis ng mga tanong ko

kung totoo

nga bang bilog ang mundo

sa loob ng naalimpungatan kong uniberso.

binasag mo.

pinulot ko
ang mga bubog ng aking talinghaga

at pinilit kong humubog ng tula
ngunit nabuo’y mga kristal na alaala

ng mga luma

kong tula ng pag-ibig

na inukit ko sa tubig

na binasag mo
upang manahimik ang aking tula.



Walang Meron (excerpt from KBC: Samahan ng mga Bitter)

2010-09-11T18:43:16.925+08:00

ERIC. I can't be Ed's best man.

MARLOWE. Of course you can. You won the bride for him. (tatawa)

ERIC. Gago.

Tahimik.

ERIC. Walang nangyari sa’min.

MARLOWE. Wala?

ERIC. Wala.

MARLOWE. Wala.

Tahimik.

ERIC. Well muntik na.

MARLOWE. E di hindi wala ‘yon.

ERIC. Wala akong ginawa.

MARLOWE. Wala?

ERIC. Wala.

MARLOWE. Okay. Wala.

ERIC. Meron.

MARLOWE. Walang meron?

ERIC. Hindi ko magawa.

MARLOWE. O baka hindi niya magawa?

ERIC. Does it make a difference?

MARLOWE. Tingin mo, bakit sa lahat ng lalake sa buhay niya, sayo pa lang siya hindi nakikipagsex?

ERIC. You have slept with Masi?

MARLOWE. That’s not the point.

ERIC. Tangina Marlowe…si Masi?

MARLOWE. Focus! Pare, focus! May nangyari sa inyo the other night.

Tahimik.

ERIC. Pa'no mo nalaman?

MARLOWE. Trabaho kong manood ng tao, Eric.

ERIC. Walang nangyari sa amin.

MARLOWE. Alam ko. Wala. Pero meron.

ERIC. Hindi ko magagawa.

MARLOWE. Hindi rin niya magagawa.

ERIC. Dahil ayaw niya sa akin.

MARLOWE. Explain mo nga sa akin kung paano ka naging summa cum laude ng batch mo.



Ang Gabi ni Ebang Bakulaw

2010-06-04T16:59:22.045+08:00

(Isang mahabang love poem sa ilalim ng balite) i. prologo: pagbukas at pagbulwak bumubukaka ang dilimsa dilat kong mataupang masuyo ng aking hiningaang pahapyaw na liwanagng ngiti sa pagitan ng iyong mga hita’t binti.Bumubuka ang dilimBumubukaka ang lilimLumiliwanag ang aninoKumukulo ang orgasmoNanginginig ang pandinigNg musika ng pagniniig At panginginigSa saliw ng pagyanigNg malamig kong titig.Bumubukaka ang dilimBumubuka ang dilimBumubulwak ang dugoBumubukas ang suloBumubukas, sumisindi, lumiliyab, lumalagablabSa alab ng alapaapna itimsa pagbukas ng dilimLumalamig ang lambingNg labi at lambiLumalandi ang labiNg yumaong lambing.Lumalamig ang dilimNg bukakang itimSa lambing at lambiNg labi at labi.Bumubukaka ang dilimBumubuka ang lihimLumalamig ang kimkimNa lilim ng lihim.Nililimot ng lihim moang pahapyaw na liwanagng ngiti sa pagitan ng iyong mga hita’t binti.ii. bilog ang buwan sa ilalim ng balite bilog ang buwan sa ilalim ng balitebusog ang dilim sa mga kuwentong maitimdilat ang mata ko sa katititig sa iyoo buwang madilimo buwang malihim.Bilog ang buwan sa ilalim ng balitePinupuno ng lunggati ang sabik kong ngitiBinubusog sa orgasmo ang panaginip kong itimNa bumuka sa mata ng dilim ng lihim.Bilog ang buwan sa ilalim ng balitePinalalamig ng lilim ang yakap ng hanginHinihintay ko ang pagbaba ng paralumanHinihintay ko ang pag-awit ng buwan.Dilat ang mata sa katititig sa iyoO buwang madilim umawit ka ng mito :Upang bumaba ang aking paralumanAt mamalas ang lihim ng mukha niyang bathaluman.Dilat ang mata sa katititig sa iyoO buwang malihim ibulong ang gustoAng langit, ang langit, sumisilay sa’yong singitO paralumang diwata na ang mata ay singkit.Bilog ang buwan sa ilalim ng baliteHinihintay kong lumantad ang kanyang ngitiUpang bumulwak ang pahapyaw na liwanagng ngiti sa pagitan ng iyong mga hita’t binti.iii. Ebang bakulaw Sasara ang bulaklakBubuka ang bulaklakLalabas ang reynaSasayaw ng cha-chaBum-ti-yaya ! Bum-ti-yaya! Bum-yeye!Ang lahat ng pangitAy nagtatago sa dilimAng lahat ng lagimAy nagtatago sa itimAng lahat ng lihimAy nanlalamig sa lilimAng lahat ng lilimBumubulwak sa dilimAng buhok niya’y dumadaloy na araw,Bawat hibla’y gabing pumapanaw.Mga mata niya’y kristal na uniberso,Ang kanyang hininga’y hinabing mga berso.Ang kanyang labi’t ngiti’y eternal na dalumat,Ang kanyang tinig at titig ay gintong alamat.Ang kanyang mga pisngi’y dambana ng mga halikAng kanyang mga halik ay daungan ng pintig.Ang mga mata ko’y kanyang inalipinNang siya’y bumaba sa punong madilimAng aking haraya’y kanyang kinakainNang siya’y pumanaog sa halamang malihim.Bum-ti-yaya ! Bum-ti-yaya! Bum-yeye!Bum-ti-yaya ! Bum-ti-yaya! Bum-yeye!iv. sayaw ng alipin at bakulaw walang kasing liwanag ang kanyang mga kamayna aking hinawakan, hinagka’t, ikinampaysaka kami’y magkayakap at paikot na sumayawsa saliw ng awit ng hanging maginaw.Walang kasing liwanag ang kanyang mga kamayIdinampi niya ito sa pisngi kong walang kulay.Pinahid niya ang luha ng paghihintayAt nangakong makikipagsayaw habangbuhay.a.idinampi niya sa pisngi kong walang kulay,rikit at hiwaga ng kanyang mga kamay.indak sa musika’y tulang dakilasayaw sa dilim ay eternal na talinghagadahil lilim ng lihim ay maliwanagepidemyang laganap ang ngiting binubunyag.lason na ngiti’y dilim na kumakagatay ! ang kanyang tinig ay gintong alamat.tulog pa ang umaga sa pagsayaw ng bakulaworas ma’y tumitigil sa kanyang pagpalahaw.retasong tagpi-tagpi ang alaala ng gabirelasyong kailan ma’y di malilimot sa ngiti.ewan ko kung kailan ako dadalawin ng araw.b.ang alindog ng halimaw na bathaluman ang mukhana tanging bumibihag sa puyat kong mga mataay di na magpapapatak ng kahit isang luhaat di na hahayaang ang mata ay magmuta.nang siya’y pumanaog at kami’y magsayawsa saliw n[...]



Ang Tatlong Utos

2010-05-25T17:58:36.201+08:00

Litung-lito ka na sa pag-ibig. Hindi mo alam ang gagawin mo sa iyong relasyon. Nasisiraan ka na ng bait sa kanya. Wala kang ginawa kundi magparinig sa tumblr at facebook mo ng mga status messages na hindi naman niya mababasa.

Ginawan mo siya ng kanta at hinarana. Natuto ka na ring tumula. At pinangakuan mo siyang gagawan ng nobela at pelikula. Mapasaiyo lang ang puso niya.

At ang sagot niya sa iyo, isang makabagbag-damdaming: K.

Paano ba umibig?

Paano ba mabuhay?

Isapuso. Isaisip. Isagawa.







A Love Letter to Luna

2010-05-19T18:06:35.489+08:00

to my beloved princess moon,i have been a lunatic, composing songs and verses to a moon which i can only see and admire when the sun has slept. it is almost a guilty pleasure, a sin, because admiring you in the dark forces one to hide from the light and do it in secret. as all the great loves should be. and so i have been staring at the moon, as all lunatics do, in the dark, in secret, when and where nobody else is watching.i sent my songs and verses to the sky for you to read and listen to. i sang them as hard as i could so that it will reach the empty and silent sky. My verses had to be resilient to survive the immensity of the silent space that separates the earth and the sky. I had to wound myself and bleed into my words so that they will have enough passion and strength to reach your ears up in the heavens.my verses traveled far. they almost lost their drive and their meaning. your throne was too far for my mortal verses and melodies to reach. but they persisted. i bled enough for it to reach your heights. and finally, you heard them. and you wept.i never knew why you wept. i never found out whether you were moved by my rhetoric or by my words and music. the distance that separates us was too wide i can only imagine the reasons. i imagine that you were moved by the hopelessness of the metaphors and the longing in the rhyme. i imagine that you wept because you too wanted to close the distance. that you wanted to leave your throne in the sky and be with the maker of these verses...but your place is in the sky, and the laws of the universe forbid you to come down and be with a mortal poet. but you see, it is my imagination that kept me composing...because deep inside of me, i know that the true reason for your weeping would be more painful to me than to you. i will never dare find out. i will settle with the reasons i have created in my imagination.and then, a sliver of moonlight kissed my cheeks and whispered to me the real reason of your weeping. and true enough, it was more painful to me than to you. it was more tragic than i can ever imagine.the sliver of light told me your secret. you were wounded by my song and verses. not by its hopeless longing for your light but because it told you that i was admiring an imagined princess of the moon--a princess moon that i have created inside my head. my songs told you a tale of tragic love--that i never longed for the real moon, the real princess, that i only loved an image of you that i have fashioned through my craft.the half light came to me in the middle of the night and confessed to me your secret love. she told me that you fell in love with my verses and my words. they wounded you, and you fell in love with them. not with its maker but with the reflection of the maker they had within them. you fell in love with the poem and not the poet...my verses betrayed me. my songs, despite the blood i shed into them, lost its melodies in the vast distance of the heavens. They have lost their true meaning. They have failed. They only brought you an echo of my dreams and my longing. their meaning faded into the dark silent space...and they stole you...they stole your heart so i can never find it...so i write again. as a vain attempt to regain the meaning of my words.it was our tragedy. i have admired your light from a dark distant place. i have sung about your beauty. my songs betrayed me. tristan claimed isolde and never brought her home to his king.and so this is the farewell.a farewell not to the princess moon i have loved but to the poems i have crafted to woo you for me. I sing farewell to the poems who clouded the moon from my sight. i must move on, i must walk on, far, far away. I must leave and find a darker, farther place. I[...]



Anino

2010-05-13T01:11:41.592+08:00

Tanghaling tapat noon kaya akala ko’y iniwan niya ako. Mag-isa kong tinatahak ang mainit at mabatong kalsada. Isang pagtutumbalikan ang mga ganoong sandali: nagtutunggali ang init at alisangsang ng paligid—ang sumisingaw na usok sa mga batong nagkalat sa daan, ang kahungkagan ng kalsada’t kawalan ng mga punong masisilungan, ang kawalang-hanggan ng abot-tanaw na kulay araw magmula sa’king talampakan hanggang sa kanyang sinapupunan—at ang lamig ng paglalakbay sa ganitong paligid…nang nag-iisa.Malakas ang hangin ngunit mainit at tuyo. Nangungutya ang hampas nito sa aking pisngi at imbis na pawiin ang uhaw ng aking balat, lalo itong nang-aasar upang mapikon ang aking balat at lumuha ng pawis—na imbis na makapawi rin ng uhaw ay nakadaragdag sa alisangsang ng paligid, sa pandidiri ko sa sarili at sa pakiramdam kong di-mapakali. Sa mga ganitong sandali, lalo ko siyang hinahanap.Dahil nang magsimula akong maglakbay ay siya ang aking sinusundan. Di ko man tiyak ang aming patutunguhan ay sa kanya ko ipinagkatiwala ang landas ng aking mga talampakan. Bulag kong inaapakan ang kanyang mga bakas at buong pagtitiwalang sinusundan ang landas na siya lamang ang nakaaalam.Nang magsimula kaming maglakbay ay malamig ang simoy at ramdam mo ang halik ng hamog. Ngunit mainit ang pakiramdam sapagkat dalawa kaming naglalakbay. Hindi tulad ngayong nagtatayuan ang aking mga balahibo sa lagkit ng pawis at lamig ng sikmura. Sa sikmura ko nga ba ito nararamdaman? Noon, sinusundan ko ang bawat hakbang niya, ang bawat liko, ang bawat iwas sa lubak, ang bawat pagtawid sa mga lansangang nagkukrus at mga nagsasangang-daan. Bulag ako. Siya ang aking mata.Tanghaling tapat noon kaya akala ko’y iniwan niya ako. Nang namalayang kong buhat-buhat pala niya ako sa aking buong paglalakbay sa katanghaliang-tapat. Buhat niya ang bawat hakbang ko patungo sa kung-saan. Naibsan ang lamig ng aking sikmura nang matanto kong hindi pala ako nag-iisa.Saan ba tayo pupunta? Hindi niya ako sinasagot o marahil hindi lang ako nakikinig nang tama. Ngunit ramdam ko na ang sagot niya sa aking mga tanong ay hindi na dapat sinasabi pa. Ang pagbuhat niya sa aking mga yapak ay sapat nang sagot sa misteryoso naming paglalakbay. Lubos ang aking pagtitiwala sa kanya. Mula nang umagang kami’y nagsimula—nang siya’y nasa aking harapan, hanggang sa tanghaling buhat niya ang aking mga paa. Marahil ayaw niya akong mapagod sa aming napakahabang paglalakbay.Kahit kailan ay hindi ako lumingon sa aking pinanggalingan. Sabi nila’y hindi raw makararating sa paroroonan ang mga gayon. Ngunit ang paglalakbay na ito ay pasulong lamang. Walang puwang sa paglingon, sapagkat ang bawat hakbang ay pagtitiwala lamang sa aking sinusundan noong umaga, at sa bumubuhat sa akin noong tanghali. Ang paglingon ay pagdududa sa mga likong kanyang tinahak para sa akin. Ang paglingon ay pagkuwestiyon sa kanyang mga desisyon. Ang paglingon ay kawalan ng utang na loob.Kulay pula na ang kalsadang pinaglalatagan ng aking mga yabag. Mas malakas na ang ihip ng hangin—parang buntong-hininga ng pagod na araw. Tanda ito ng kanyang pagpapaalam at antok. Lalong lumamig ang aking sikmura nang matanto kong wala na ang bumubuhat sa aking mga yapak.Iniwan niya ako nang tuluyan. At dama ko ang lamig ng pag-iisa. Ngayon ay di ko alam kung saang landas ako tutungo, kung saang kalsada liliko, kung aling kalye ang tatawiran at kung aling daan ang iiwasan. Ngunit patuloy ako sa ‘king paglalakbay nang hindi alam kung saan ako tatahan.Binalutan ako ng takot, pangamba, at pagdududa sa aking naging paglalakbay. Saan niya ako dinala? Bakit niya ako biglang iniwan? Siya na pinagkatiwalaan ko ng aking mga paa, siya na pinagkatiwalaan ko ng aking [...]



Pagkatapos mong bumoto

2010-05-08T08:54:44.418+08:00

Minsan sa anim na taon, nagiging politikal ka. Di mo alam kung bakit. Pero bigla na lang, madali kang mag-init, maging passionate, maging madaldal kapag ang usapan ay politika na. May napipisil kang kandidato. Tingin mo siya ang nararapat. At napipikon ka bigla kapag ang mga kaibigan mo ay boboto ng iba.

“Tangina bakit ‘yan? E bobo naman yan?”

“Iboboto mo ‘yan dahil lang sa pangalan ng magulang niya? C’mon!”

“Galing at Talino? E bakit pumili ng artistang incompetent na running mate?”

“Eh mayabang masyado ‘yan! So full of himself”

“Magnanakaw naman ‘yan eh. Ginagawang business ang gobyerno.”

Sangkatutak ang post mo sa facebook, twitter at tumblr. Pinagsisigawan mo kung sino ang iboboto mo at kung sino ang di dapat iboto.

“Siya ang iboto natin! Tiyak ang asenso! Giginhawa tayo! Tapos ang kahirapan! Walang korupsiyon!”

Punung-puno ka ng pag-asa. Punung-puno ng apoy. Minsan sa anim na taon, nagiging politikal ka.

Pupunta ka sa presinto. Suot ang kulay ng kandidato mo. Boboto ka na.

Dalawa ang resolution pero iisa ang ending ng kwento mo:

Una. Nanalo ang kandidato mo. Ang saya-saya mo. Nagpost ka ulit sa lahat ng social networking site mo: “Tangina nyo! Panalo kami!” Proud na proud ka sa kandidato mo. At malaki ang tiwala mong magbabago ang Pilipinas dahil sa kanya.

Pangalawa. Natalo ang kandidato mo. BV ka. Nagpost ka ulit sa lahat ng social networking site mo: “This country deserves its leaders.” Bitter ka. Feeling mo wala na tayong pag-asang bumangon pa.

Alin man ang resolution, ito ang ending mo:

Babalik ka sa gawain mo araw-araw. Gigising, mag-aalmusal, maliligo, maghahandang pumasok. Papasok sa opisina, magtatrabaho, magrereklamo sa tambak ng trabaho at sa kakupalan ng boss mo. Di ka makahintay mag ala-singko. Uuwi, mabubuwisit sa trapik, isusumpa ang Pilipinas, mangangarap na mag-abroad. Darating sa bahay, manonood ng balita. Mabubuwisit sa Pilipinas. Kakain, matutulog.

Maghihintay ka ulit ng susunod na eleksiyon para maging politikal.

At sa tuwing mabuburat ka sa sitwasyon ng bayan mong pinakamamahal, tuwing natatrapik ka o manonood ng balita, kahit minsan, hindi mo naisip, na ikaw ang may kasalanan.

Dahil minsan ka lang sa anim na taon may pakialam.

-juan ekis



Why I Tell Stories

2010-05-01T12:42:44.170+08:00

“Beauty will save the world.”-F. Doestoevsky, The IdiotWe are all called to create. We are all called to love.I fell in love with the word in high school. We were all forced to write poetry for our Filipino class as part of the unique Filipino curriculum of the Southridge Night School. There was something that attracted me to poetry. Even before I understood what the profound words meant—words that I often had to look up the dictionary—I was drawn to it just by the mere sounds they produce when they are being read aloud. It was then that I discovered that music is intrinsic to poetry. In all forms, may it be the classical which has rhyme and meter, or the modern and post-modern which has cadence and internal rhythm and rhyme. Its musicality drew me to it and begged my senses to hear beyond the beauty of the sound.And so I started writing poetry. I enjoyed the fact that I too am capable of summoning these phonemes to form a rhythmic pattern that attracts an audience. Furthermore, I fell in love with words and their meanings—how they reveal to an audience one’s inner life by weaving images from the universe. It was the beginning of my love affair with metaphor. It was only later in college when I appreciated the sublimity of metaphor—how it makes one’s hidden life accessible to other people. I started to mass-produce poetry. I started writing even if it was not required. I filled up notebooks and notebooks of verses, of rhymes, of metaphors. I felt the thrill of creation. I was addicted to it.I entered a university which did not appreciate Filipino poetry. In fact, Filipino was alien to them. How much more poetry written in the vernacular? But this did not stop me from writing. I continued to write. I continued to create. But it was also in this university where I met Paul Dumol, a renowned playwright. He adopted me and taught me how to write plays. In as much as Filipino poetry is unknown to this university, I found out that it had a love affair with a different art form—drama. And so, I found my home, the theater.There was something about stage plays that is very akin to poetry. Although the form is more liberated in terms of the word, the structure of the drama drew me in the same manner that music drew me to poetry. In my writing and directing of several plays for the different theater groups in the university, I discovered the craft of enamoring the audience. First, one must captivate them, grab them by the balls, so to speak, with a strong beginning. The play must make the audience want to stay for more. Next, one must keep the audience at the edge of their seats and make them want to listen to the story and to the thesis while events unfold. There must be an engaging middle that is caused by the beginning that is necessary and probable. Lastly, one must make the audience never forget by giving them a memorable ending and resolution. All threads must come together and be woven into one seamless narrative. But beyond this structure and unity of plot, what enamored me to theater is character and dialogue. The character is the core of the drama and the dialogue is the revelation of the character’s inner life. It is through well-written dialogues that audiences relate and share in the inner lives of these fictional characters. The play, in the end, will raise the question to the minds of the audience—is man worth it?There is something in these two art forms that is very superficial but very profound. I was not attracted to poetry because of metaphor. But metaphor made me fall in love with it. I was not attracted to drama because of unity of plot. But character and dialog[...]



Pula ang Sapatos

2010-04-19T16:28:04.934+08:00

Pula ang Sapatosdula ni Juan Ekis MGA TAUHAN DOMENG. Lalaking may 35-40 anyos. Nakakalbo o kalbo na. JOEY. Binata. Mga 25. JANICE. 20 anyos. Maputi. Reddish-brown ang buhok. Pula ang sapatos. TAGPO Sa lobby ng hotel. May isang grand piano na nakabukas sa gitna ng lobby. Nakaupo sa isang mahabang sofa sina Domeng at Joey. Naka-shades at naka-amerikana ang dalawa. Pareho silang may hinihintay. Titignan ni Joey ang kanyang relo. JOEY Matagal pa kaya? DOMENG Hintay lang. JOEY Paano kung Moonlight Sonata? DOMENG (Matatawa) Pwede ba, relax ka lang? Tahimik. JOEY Lolo ko ang nagturo sa aking magpiano. Blue Danube. Yung Blue Danube ang tinuro niya. Sisipulin ni Domeng ang Blue Danube. JOEY Astig nga e. Domeng din pangalan ng Lolo ko. DOMENG Talaga? JOEY Oo. Pero marami siyang buhok—puti. DOMENG Bata pa ako para maging Lolo. Tahimik. JOEY Marunong ka bang mag-piano? DOMENG Hindi. JOEY Kahit anong instrumento? DOMENG Sipol lang. JOEY Hindi ako marunong sumipol. DOMENG Madali lang. JOEY Hindi ko matutunan. DOMENG Ibibilog mo lang ang dila mo. Tapos dapat walang lumabas na hangin sa gilid. (Sisipol siya) JOEY (Gagayahin pero di magagawa) Di ko kaya. Tahimik. JOEY Alam ba ng asawa mo? DOMENG Oo naman. JOEY Ano’ng sabi niya? DOMENG Wala naman. JOEY Wala? DOMENG Ano ba dapat ang sabihin niya? JOEY Ewan ko. Hind ba siya nagrereklamo? DOMENG Trabaho ko ito, alam niya iyon. Tahimik. DOMENG May asawa ka ba? JOEY Girlfriend. DOMENG Gano na katagal? JOEY Matagal na rin. Walong taon. Tahimik. JOEY College siya noong nakilala ko. Tahimik. JOEY Accounting. Tahimik. DOMENG Nag-accounting din ako dati. JOEY Nakapag-college ka? DOMENG Oo naman. JOEY Ano’ng ginagawa mo rito. DOMENG Pareho ng ginagawa mo. Tahimik. DOMENG Alam ba ng girlfriend mo’ng trabaho mo? JOEY Hindi. DOMENG Kung ako sa iyo, sabihin mo na habang maaga. JOEY Sira ka ba? E kung isplitan ako nun? DOMENG At least alam mo kung kaya niyang mabuhay kasama ka. Tahimik. JOEY Wala pa ba? Ano’ng oras ba siya dapat dumating? DOMENG Hintay lang. Tahimik. DOMENG Ano ulit ang nakasulat? Bubuksan ni Joey ang isang brown envelope. May titignan siyang papel. JOEY Pulang sapatos. May posibilidad na pula rin ang buhok. DOMENG Yung title? JOEY Elegie in E Flat Minor ng Cinq Morceaux de Fantasie, Op. 3. Alam mo ba ang tono nun? DOMENG Oo naman. Rachmaninov yan. JOEY Sino yun? DOMENG Basta, sikat na composer. Itatabi ni Joey ang envelope sa gilid niya. Tahimik. JOEY (Matatawa) Alam mo, Blue Danube lang ang alam kong tugtugin. Nung namatay ang lolo ko, di na ko ulit tumugtog ng piano. DOMENG Wala naman kaming piano. Mahal. Ginastos ko na lang ang pera ko sa pagbili ng tapes. JOEY Tapes? DOMENG Wala namang CD nung nagsimula akong mangulekta. Pero hanggang ngayon tapes pa rin ako. JOEY Bakit? DOMENG Mas reliable ang tapes. Madaling masira ang CD. Madaling magasgasan. Tumatalon pa pag pirated. Ang tape, kung ano tunog ng kinopyahan, ganun din yung kopya. Tahimik. DOMENG Pang-ilan mo na ba ito? JOEY Ito? Pangalawa pa lang. DOMENG Sino yung isa? JOEY Yung model. Issa Litton ba ‘yon? DOMENG Ah. Si Litton. Kamusta? JOEY Ayoko nang maalala. Nakaraos din kahit papano. Tahimik. DOMENG Wala naman akong narinig kina Ricky na masama tungkol sa trinabaho mo a. Magandang balita iyon. JOEY Pin[...]



Picked-up lines

2010-04-17T18:59:01.162+08:00

Before we start work, direk Marilou, my sensei, brings me to her resort in Anilao, Batangas so i can let the sea-breeze write for me.So i look back, at some stolen, written, dreamt, and picked up lines from my old blogs, in an attempt to jumpstart my brain to write my new works.This is just a reblog. But enjoy nonetheless!THE UNSAID.Eto ung mga unsaid na sana nasabi ko. So sabi nga sa rules, di ko sasabihin kung para kanino. Iba rito nasulat ko na sa play kasi nga di ko masabi nang harapan. May isang nasabi ko rin, di ako nakatiis. Pakshet ang emo neto at di ko to usually gagawin pero sobrang bored na talaga ako ngayon sa trabaho...pampaluwag lang ng utak. Heto sila.1. I just realized that you will forever be the muse that I can never have.2. You make me want to stop writing and start living my plays.3. Di pa ko ready. (parang napanood ko ito sa isang starcinema film...)4. Di ka worth it. Sinayang mo dalawang taon ng buhay ko.5. Salamat sa lahat pero I need to grow on my own. I have to go.6. May nakabara ba sa puwet mo?7. Sorry di ko sinasadya, hindi pa ako buo noon e.8. Dito lang ako. Hintayin kita. Wag lang akong maubusan ng gasolina.9. So, wala lang 'yon?10. Alam mo, mukha kang tanga, tayo na lang kasi.THE SAIDPara naman may originality. Hehe. Kung meron kayong listahan ng mga unsaid, ako merong listahan ng mga said. Mga said na pedeng pang-play, pang-telenovela, pampelikula. In short. Mga panalong hirit. May ilang sana hindi ko na lang hinirit. May ibang di ako makapaniwalang hinirit ko (what the hell was I thinking). Higit sa lahat, marami-raming hirit dito ang trip lang.Pag umabot ito ng singkwenta, ilalagay ko to lahat sa isang movie script tapos ibebenta ko sa star cinema. tiyak block buster hit eto.Alam mo na kung sa'yo ko 'to hinirit (lahat?) Hehe.1. Ang mahal naman ng ngiti mo.2. Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, at di rin tayo halaman. Bagay tayo! Bagay!3. Pag nag-emo ka ulit, hahalikan na kita.4. Sabi ko nga sa'yo adik nako sa'yo e.5. Gusto mo yata pahalik kaya ka nagpapaka-emo jan e.6. Ano ba'ng pinakain mo sake'n? Nilagyan mo ng gayuma yun noh?7. Hindi ako aalis hanggat wala akong kiss.8. Well kung ako mapapangasawa mo, magiging masiyahin ang mga anak natin.9. Halika, hahalikan kita para di ka na ma-confuse.10. Ako: Tulungan mo naman akong magsulat o. Siya: Paano? Ako: Iinspire mo ko.THE SAID (Dialogue Version)Mas interesting talaga ang totoong buhay kaya doon ako nagnanakaw ng dialogue para sa mga play ko. Sabi nga nila: good artists copy, the great ones steal!konti lang to. pag naalala ko ung iba, idadagdag ko na lang1. A: Matalik ba tayong magkaibigan no'n? B: Oo. A: Hindi ah! Matalik lang!2. A: Ang sarap mo kasing kumain at ang sarap mo ring magkwento B: Thanks. Nakikinig ka ba naman pag nagkukwento ako A: Oo naman. Pero iniisip ko rin: "Ano bang nakita ko sa babaeng ito eh ang lakas lakas niyang kumaen??!!"3. B: Hindi ba kita naiistorbo? A: Tapos na 'ko. Nilalandi na lang kita.4. B: Virgin ka pa ba? A: Ikaw? B: Nauna akong magtanong. A: Only one way to find out, di ba? B: Hindi naman malalaman sa lalaki eh. A: Akala mo lang yun. [...]



My 30 List

2010-03-23T12:32:18.275+08:00

I'm turning thirty in a few days. So I came up with a list, some kind of bucket list. 30 things to do on my thirtieth year on this planet. (In no particular order)

1. Shoot my own film
2. Win another Palanca
3. Direct a Kultura play
4. Finish a full length play
5. Finish a new musicale (Luna, prinsesa ng buwan)
6. Apply for any foreign grant to study abroad
7. Leave the country for a while
8. Fill up my sketch pad with drawings
9. Camp on a mountain
10. Kiss someone I just met
11. Kiss an old romantic flame
12. Train in a martial art
13. Work out / play basketball again
14. Write poetry again
15. Go hitchhiking / backpacking
16. Raise ACASIA's first Million.
17. Go on a vacation with my family
18. Learn to paint
19. Relearn the violin
20. Learn a foreign language
21. Apply for my PhD
22. Stage a new original that I wrote
23. Say "I love you" to people I couldn't say it to
24. Publish a book (of plays?)
25. Finish my thesis
26. Finish a full-length screenplay
27. Write a graphic novel
28. Write a new song
29. Enter cinemalaya
30. Fall in love

wanna help me accomplish any of these?



Virtual

2010-02-15T22:48:02.245+08:00

Dialing…Connected…Verifying username and password…Logging on to network…***Connecting to amsterdam.nl.eu.undernet.org (6669)-local host: anakin (127.0.0.1)-PING? PONG!/j #teenchat…[celine] hay naku na conscious me tuloy nakasando me ksi eh rt now[anakin] hahahahahah[celine] n shiorts=)[anakin] parang nakikita kita diyan...nakupo naiinitan na ko[anakin] ano ginagawa mo?[celine] nakaupo[celine] chatting[celine] nakacrosslegs....hihihi y ba??[anakin] i can imagine...[celine] really???then??[celine] wat u feel abt it?[anakin] hot...[anakin] it's hot here u know...[celine] y???[anakin] because i'm chatting with a hot babe...?[celine] so im a hot babe for u ganun?[celine] wat made me "hot" naman?[celine] yung totoo[anakin] fishing ka naman e[celine] totoo ah[anakin] fishing ka naman e[celine] b specific a[celine] cge na noh[anakin] cno pa kachat mo ngayon?[celine] kaw na lng e[anakin] everything...the way you chat[celine] y ???[anakin] well it makes me feel comfortable...para bang okay lang magsalita ng kung anu-ano[celine] sus, ayaw mong aminin na u saw me na sa skul e.[anakin] really?[celine] yeah, my friends told me you used to stare at my[anakin] what?[celine] 34 is not big[anakin] ??? pinagpapawisan na ako rito[celine] ok ok[celine] wat u want me to do ba rt now ha?????[anakin] ikaw?[celine] as in kahit ano[celine] oo......[anakin] ano?[anakin] ano ba gusto mong hilingin ko?[anakin] ano ba gusto mong hilingin ko?[celine] what do you want me to do ever since the first time u saw me ba?[anakin] a lot of things[celine] like what?[celine] wag ka nang mahiya…anything[anakin] naughty e…[celine] kaw ha…hihihihi…c'mon tell me[celine] what do you want me to do ever since the first time u saw me ba?[anakin] whew! pucha!*celine crosses her legs, hihihihi[celine] ano ba tagal mong sumagot…what do you want ba?[anakin] ang init dito ah[celine] oo nga eh hihihi…nakasando na nga lang me eh and shorts…hot hot hot[celine] m sweating hard[anakin] lalo na ko[celine] tagal mo namang magreply[celine] tagal mo namang magreply*celine takes off her sando…its so hot in here!Alas tres na ng madaling-araw. Patay ang ilaw sa kuwarto ni Michael at tulog na ang bawat sulok ng bahay nila. Tanging ilaw ng monitor niya ang nagbibigay liwanag sa kanyang kuwarto. Wala kang maririnig na ingay kundi ang musika ng lumubog-umahon na mga tiklado ng keyboard ng kanyang computer. Para silang may binubuong padron. Parang may sistema. Parang may siklo o kung anumang kumbinasyong nabubuo na kung mga tiklado lamang ng piyano ang tinitipa ni Michael ay isang Bach siguro ang maririnig. Hindi, mabilis pa kay Bach. Mozart siguro. Hindi. Mabilis pa--Czerny. Parang nag-uunahan ang mga nota (kung nota man) sa paglubog at muling pag-angat sa tikladong iisa ang tunog. Para silang may hinahabol. Hindi mapakali si Michael. Kanina pa siyang alas tres ng hapon on-line at hindi pa niya inaabutan si Celine. Limang araw na niyang inaabangan si Celine sa undernet. Hindi pa ito nagpapakita sa kanya.Hindi naman siya adik sa chat. Para nga sa kanya, isa itong walang kawawaang bagay. Bakit pa mag-uusap sa internet e pwede naman sa telepono? Mas maganda pa nga sa telepono dahil may maririnig kang boses. Sabi naman ng kaibigan niyang si Lloyd, mas okey na rin sa internet dahil hindi mo na kailangang magbayad ng long distance kung taga-America ang ka-chat mo. Ang sabi naman ni Michael, bakit ka makikipag-chat sa taga Amerika kung di ka naman makikipag-eyeball? Mabuti nang taga-pinas, posible pa kayong magka-eyebolan. Kung suswer[...]



TANGINANG ADSENSE

2010-02-13T22:17:37.776+08:00

PAUNAWA SA AKING MGA MAMBABASA:

Kung makita ninyo ang mukha ni MONEY VILLAR sa blog ko, nais ko lamang ipaalam sa lahat ng aking mambabasa na hindi ko sinusuportahan ang hinayupak na magnanakaw na yan.

Malaki lang masyado ang binayad niya sa google kaya lumalabas siya sa lahat ng AdSense chorva.

Kung pwede ko lang tanggalin ang ad niya at ibigay na dahilan na "I find it offensive" parang sa Facebook, matagal ko nang ginawa.

Yun lang. Back to literary shit.



Sakura

2010-02-04T03:11:33.463+08:00

Some years ago, i went on a haitus from theater. I think it was around three years of writers' block. Some say it was caused by depression due to the "sais incident." I think I just made that excuse coz I was lazy to write or didn't find the drive to do so.In anycase, sometime in those 3 years, I'm not sure if it was before or after the great depression (must be before or during), i wrote this short play. Cholo thinks both characters should be played by women. I'm still considering it.I'm pretty sure I wrote it even before I read or was aware of Tony Perez's "Sa North Diversion Road."Sakuradula ni Juan EkisMGA TAUHANKATHY 20 anyos na dalagaNICKY 24 anyos na binataTAGPOSa loob ng isang kotse.Hatinggabi. Nagda-drive si Kathy. Umiinom ng beer in can sa passenger seat si Nicky.KATHY Grabe lang talaga kanina. Biruin mo anim na oras akong nagda-drive. Nakakaburaot talaga. Tignan mo nga itong braso ko o. (ipapakita ang kaliwang braso) Ito lang kaliwa ang nasunog. Itong kanan hindi. E pano, ganito ako magdrive, etong kaliwa lang ang naaarawan. (Matatawa)NICKY (Wala sa sarili) Ano’ng oras kayo umalis?KATHY Umalis kami, tanghali na, alas dose na. Haba apat na oras kami papunta dun. Alas kwatro na kami nakarating. Konting swimming, alis din kami ng five thirty...six...kaya ngayon lang kami nakarating. Okay nga yung beach na pinuntahan namin e. Kinse pesos lang. Okay na rin. Malinaw yung tubig, yun nga lang may lumulutang na oishi.NICKY Oishi?KATHY Oo lalagyan ng oishi. Tapos may napkin pa—panty-liner pala. Kadiri. Tapos sa may malayo may diaper. Yuck. Bukod dun sa tatlong lumulutang na ‘yon, malinis naman yung beach. Clear yung tubig.NICKY Ano bang pagkakaiba ng panty-liner saka napkin?KATHY Yung panty-liner, mas manipis, yung pang-araw-araw.NICKY Ah...KATHY Tapos wala pang katau-tao. Kami lang apat.NICKY Apat?KATHY kasama namin yung kabarkada naming bakla.NICKY Ah.KATHY Kami lang tao dun pero nung maliligo na kami, pambihira dumami bigla yung mga lalaki. Bobosohan pa yata kami.NICKY (Matatawa pero pilit) Talaga?KATHY Hindi nga ako makaligo nang maayos e. Wala kasing banyo doon na panlalaki saka pambabae. Sina Ivy at Leah basta na lang nagshower. Ako nag-igib pa ako at naghanap ng tagong lugar. Its either that o hindi na lang ako maliligo. Tarantado yung mga lalaki dun, sinusundan pa kami, balak talaga kaming bosohan.Matatawa si Nicky.KATHY Naalala ko nga nung nagbeach din kami nung mga blockmates ko. E di naglalasingan kami sa beach. May bonfire—kumpleto. Tapos sa may gilid kasi, may parang mahabang bakod. E ang layu-layo ng cottage, ihing-ihi na ako. Pumunta ako sa gilid tapos nagtago ako. Dun ako iihi sa may pader. Tapos nung huhubarin ko na yung shorts ko, nakita kong palapit si Brian. Yuko naman ako. (Matatawa) Tapos bumalik pa uit si Brian. Hinahanap yata ako, gusto yata akong bosohan. (Matatawa)Matatawa si Nicky.Tahimik. Iinom sa lata si Nicky.KATHY Kanina pa kayo?NICKY Mga 8. Akala ko nga di ka na darating e.KATHY Pambihira naman kasi yang traffic na yan e.NICKY Ganyan talaga diyan. Tuwing Lunes ko nadadaanan yang North Luzon pag papunta kaming Pampangga. Mga tatlo-apat na oras biyahe namin.KATHY Buti nga kayo Pampangga lang e.NICKY Every Monday naman. Last week nga ako nagdrive. Grabe, ganun pala ang magdrive sa ganoong traffic. Magku-quit na nga ako sa yosi, napayosi tuloy ulit ako sa stress.KATHY Ako rin nga e. Yosing-yosi na ako kanina. Wala pa nama[...]



Love Film?

2010-01-03T18:32:05.709+08:00

allowFullScreen='true' webkitallowfullscreen='true' mozallowfullscreen='true' width='320' height='266' src='https://www.blogger.com/video.g?token=AD6v5dw9_fSi98-1efOG28BYbsVtfhL8u3-oPoDvJzo07iHhvnC1M4U58q6Unl2MrwjqtVLVQwixaLfvNT4' class='b-hbp-video b-uploaded' FRAMEBORDER='0' />



Bakit Masarap ang Bawal?

2009-10-23T00:32:12.542+08:00

Bored na ba ako. Andami kong requirements na dapat sulatin, pero play lang ang lumalabas sa utak ko. Hindi ko alam kung bakit. Buntis na naman ang utak ko. Kailangang iluwal habang may kaunti pang lakas at oras...Trying to work on a new play. A sequel or a spin-off of Kapeng Barako Club. I'm not so sure. But so far, here's the conversation that came out of my head on my bed:Konting background for those who haven't read KBC: Samahan ng mga Bitter, Marlowe is a playwright who owns a coffee shop kung saan tumatambay lagi ang KBC. Nagtuturo din siya ng Creative Writing sa university sa tapat ng kapihan niya. Si Sunshine ay estudyante sa university at nagtatrabahong part-time kay Marlowe bilang barista/waitress. MARLOWE Ano’ng ginagawa mo sa klase ko?SHINE Bakit? Bawal?MARLOWE Nadidistract ako sa’yo.SHINE Sorry naman.MARLOWE You don’t need to take that class. It’s a creative writing class.SHINE Pwede naman akong mag-elective ah.MARLOWE I-drop mo na.SHINE Ayoko nga. Pakialam mo? Gusto kong matutong magsulat eh.MARLOWE Ibabagsak kita.SHINE On what basis?MARLOWE Hindi ako makakapagturo nang maayos niyan eh!SHINE At bakit?MARLOWE Hindi ka pa ba kuntento na boss mo ‘ko dito? Boss mo na ako, teacher mo pa. Kulang na lang tatay mo na ako.SHINE Ayun! Feeling mo tumatanda ka na! May issue palang ganun.MARLOWE Ano ka ba? Wala akong pakialam sa edad ko. Mas virile at mas attractive ang mga lalake pag mas tumatanda.SHINE E di wag mo na lang akong pansinin sa classroom. How hard is that to do?MARLOWE Namputa naman lima lang kayong estudyante ko, hindi pa kita papansinin.SHINE E di pansinin mo ako.MARLOWE Ifa-fire kita.SHINE On what grounds?MARLOWE Insubordination.SHINE What about academic freedom? Hindi ba pinaglalaban mo ‘yun nung estudyante ka pa? Tapos ngayon, ite-terrorize mo ako para huwag i-take ang klase mo? Hindi ba dapat ngang ma-flatter ka because I’m wasting my precious time to attend your class? I’m willing to add to my load! Magpapasa ako ng lahat ng requirements mo! I’ll ace your class. I promise you, you will have no choice but to give me a 1.0. Kung ang worry mo ay mapapahiya ka sa akin, promise, I’ll shoot myself kung mangyari yun. I’m running for honors, alam mo ‘yan.MARLOWE I don’t doubt what you can do. You probably write better than me.SHINE Sobra ka naman.MARLOWE As a friend, can you do this as a friend? Can you drop my class, please? I’m asking you as a friend.SHINE Friends na pala tayo ngayon? Akala ko ba boss kita?MARLOWE Huwag kang Pilosopo.SHINE Bakit ba ayaw mo sa akin?Sandaling katahimikanMARLOWE Hindi nga ayaw eh. Gusto nga eh.SHINE Huh? Anlabo mo.MARLOWE Pag naging estudyante na kita…Sandaling titigilMARLOWE Hindi na kita malalandi.Sandaling katahimikan. Hindi alam ni Sunshine kung paano magreact.Ngingiti si Sunshine.SHINE Sabi ko nga.Magiging seryoso ang mukha ni MarloweMARLOWE You’re fired.Dilim.[...]